DFH #06

7 1 0
                                        

── 💌 ──

April 18, 2020; 5:54 p.m.

Dear Future Husband,

          Ang sarap talaga sa feeling at paningin ng nature 'no? Parang rebisco lang tapos parang ikaw, masarap na nga sa feeling, may pasobra pa, dahil special ka. *wink*
         
          I'm on a workation right now future hubby. Workation. Mauuna kasi yung Work bago yung Vacation. Pero dahil tapos na ang work, vacation-mode-on na muna!
         
          Kakatapos ko lang mag sightseeing kaya ngayon ko lang nabasa yung messages mo. At alam mo ba future hubby? Lalo akong napangiti dahil sa pinagsasabi mo. Beket ke be genyen? Cher.
         
          Nakaupo ako ngayon sa isang duyan, nagrerelax. Tapos naalala kita kaya tiningnan ko kung may space pa sa tabi ko, at 'di nga ako nagkakamali dahil mukhang pandalawahan 'tong duyang 'to. Pero dahil 'di ka naman makakapunta dito, susulatan nalang kita para mafeel kong nandito ka rin :).
         
          Nung tumingin ako sa harapan ko future hubby, kitang-kita ang orange na bolang alam kong ilang minuto na lang ay kakainin na ng matakaw na karagatan. Naks, ang deep 'diba future hubby?
         
          Ganto lang kasi 'yan. . . Ang gandang panuorin ng sunset mag-isa. Pero siguro, mas maganda kung kasama kita 'no? Tapos ididiretso na rin natin sa stargazing paglumabas na ang mga bituin lalo na ang buwan. Hindi ko alam. . . sobrang nakaka-enchant kasing panuorin ng buwan tapos mapapangiti ako kasi pareho kami ng pangalan.
         
          Sabay nating papanuorin ang kalangitan tapos pakiramdam natin tayo lang ang tao sa mundong to. Habang nakatingin ako sa buwan, nakatingin ka naman sa'kin kasi mukha din akong buwan, 'yung craters ganorn. Char. Nakaka-enchant din ba ang kagandahan ko future hubby?

                             Your Sunshine,
                             LuLuMu

PS. If I'm your sunshine, then you're my sunset. Naks hahaha! Mema lang future hubby. Ang corny ko ssshh.

PPS. Don't worry future hubby, always nakasave para sa'yo itong spot next to mine. You can come anytime. ;)

── 💌 ──

;;;

Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon