DFH #04

11 0 0
                                    

── 💌 ──

April 17, 2020; 8:38 p.m.

Dear Future Husband,

          Hi! Namiss mo ba 'ko? Don't worry, nandito na ko uli oh, di kita iiwan.
         
          Nakakapagod yung mga nakaraang araw future hubby. Sunod sunod ang schedule kaya hindi na 'ko nakasulat. Sana 'wag kang magalit, please.
         
          Ngayong gabi lang ako nagkatime uli na magsulat kaya heto ako't nagsusulat. Ang redundant. Pero alam mo future hubby, dahil sa ka-busy-han, biglang nagflash sa utak ko yung itsura ng bitches---I mean beaches, mga resorts, bundok, burol, ilog, lawa, bulkan, at kung anu-ano pang tourist spots.
         
          Gusto kong maggala--I mean magtravel with youuu! Tamad akong gumala mag-isa. Gusto ko may kasama para 'di ako mukhang ewang nakatutok sa cellphone tas kunyari may kachat.
         
          Alam mo kasi future hubby, bago ka pa dumating, may nakaready na kong planner ng mga lugar na pupuntahan natin para di ka na mahirapang magplano. At itong planong to, di to gaya ng plano ng mga highschool friends ko na hindi na matuloy-tuloy.
          
          Pero kailangan mong problemahin sa'n ka kukuha ng perang gagastusin natin pantravel. Nasolve ko na yung isang problema ah! Ikaw na bahala dyan sa isa pa, teamwork dapat!
         
          Ano na future hubby? Nag-iimpake ka na ba?

                       Your future travel buddy,
                       LuLuMu

PS. Unahin nating libutin ang Pilipinas. It's more fun in the Philippines!

── 💌 ──

;;;

Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon