── 💌 ──
April 14, 2020; 8:37 a.m.
Dear Future Husband,
Alam mo ba? Syempre hindi, kaya ikukwento ko sa'yo...
Ang ganda ng gising ko future hubby! Sa sobrang ganda, napadiretso ako sa supermarket na malapit dito sa condo. Napagplanuhan kong magluto kahit hindi ako sigurado sa kalalabasan, magpapractice na 'ko para 'di tayo magugutom. Ayokong mamatay na instant noodles lang ang kayang lutuin 'no!
At ang napagdiskitahan kong lutuin ay... Ihanda mo ang puso mo sa pinakakomplikadong breakfast meal na mababasa mo sa buong buhay mo... tadaaaa! Pancake!
Bumili ako ng pancake mix, eggs, at milk dun sa S-Mart na open 24 hours, katapat lang yun ng studio ko. Habang naghihintay sa pila sa counter ay nagsearch pa ako sa youtube ng tutorial kung pa'no gumawa ng pancakes.
Una, paghalu-haluin ang mga sangkap. Pangalawa, ilagay sa pan para maluto, siguraduhing sunog--Ay, mali! Pumili ako ng medyo matinong video at pinanuod yun, ang haba kasi ng pila, umagang-umaga. Napatango-tango ako habang nanunuod, mukhang madali naman pala! Kayang-kaya!
Excited akong umuwi at dumiretso sa kusina kong shining shimmering sa linis. Habang binubuksan ang box ay napatingin ako sa likod ng pancake mix. May instructions pala dun 'no future hubby?
Nasayang ang load ko, ang haba pa naman nung video na pinanood ko, ASMR pa daw kaya nag earphones ako, full volume! Muntik nang masira eardrums ko nung may sumigaw ng 'MA YUNG UTANG MO DAW KAY ALING MYRNA, SINISINGIL NA!'.
Naging maayos naman ang paghahalo-halo ko ng ingredients. Medyo nagkaaberya lang nung may apoy nang involved. Pero don't worry future hubby, konting-konting paso lang naman, malayo sa bituka.
At kung kakamustahin mo ang nagawa kong pancakes... Medyo... Uhm... Siguro? Okay naman sila. Maghahanap nalang ako ng tyan na pwedeng paglamnan nito, napadami yung gawa ko eh. Magsheshare nalang ako sa kapitbahay o kung gusto mo punta ka dito future hubby, para matikman mo ang lasa ng luto kong---ginawa ko with love at konting-konting-konting-konting sunog---na araw-araw mong matitikman for the rest of your life!With my heart and soul,
LuLuMuPS. Sana marunong kang magluto, future hubby. Kasi kung hindi, kailangan mong maghanda ng malupit-lupit. Sabay nating sanayin ang mga tyan natin na kumain ng over na over pa sa overcooked!
PPS. Di ako sure kung matatawag mong love letter 'to. Sorry, first time ko kasi eh.
── 💌 ──
;;;

BINABASA MO ANG
Dear Future Husband
RomanceSi Lulu ay isang hopeless romantic twenty-five-year-old na nagsesend ng love letters at qualifications ng ideal man nya sa isang online dating app na Dear Future Husband. Will she finally find her ideal future husband?