Online 2

72 4 0
                                    


7:44 PM

Lina: Hello. Gud eve Lady Blue.

7:50 PM

Lady Blue: Hi! Sorry late reply. Hehe.

Lady Blue: Ano pala maitutulong ko sayo, Lina?

Lina: Uhm... ano kasi. May problema po kasi ako sa sarili ko.

Lady Blue: Problema sa sarili mo? Ano naman yun?

7:54 PM

Lina: Singer po kasi ako. Musician din. Ang kaso, nahihirapan po akong magperform.

Lady Blue: Oh wait...

Lady Blue: Bago mo sabihin ang problem mo, kwentuhan mo muna ako tungkol sayo.

Lina: Ha? Kailangan pa po ba yun?

Lady Blue: Hindi naman. Na-curious kasi ako sayo dahil sabi mo singer at musician ka eh

8:00 PM

Lina: Don't tell me singer din po kayo?! (⊙o⊙)

Lady Blue: HAHAHAHA hindi noh! I love music but I'm not into singing. Pero pwede naman kitang kantahan kung gusto mo. Sana nga lang handa kang madepress sa boses ko.

Lina: Ah ano hindi na po pala hehe. Okay na po akong kachat ko kayo. No need ng kumanta ka Lady Blue.

Lady Blue: Jusko. Diretsuhin mo na lang akong ayaw mo akong kumanta.

Lady Blue: Pero kunsabay, pag kumanta ako lahat kau maiinlab. Kaya wag na lang.

Lina: Uhmm.. pwede ko na po bang sabihin ang problem ko?

8:05 PM

Lady Blue: Okey. Sige lang. Makikinig ako.

Lady Blue: -este magbabasa hehe

Lina: Gaya po ng sabi ko, singer at musician ako. Mahilig po akong kumanta habang tumutugtog ng gitara. At pangarap ko din pong sumikat balang araw dahil sa pagkanta. Gustong-gusto ko po talagang maging singer at maging kabilang sa isang banda. Or pwede ding soloist na lang.

Lina: Pero nahihirapan po akong magperform.

Lady Blue: Wat do you mean nahihirapan kang magperform? Stage fright?

Lina: Opo eh.

8:09 PM

Lady Blue: Oh. I see.

Lady Blue: Pero pwede bang sabihin mo sa akin kung ano ang exact na nararamdaman mo tuwing nagpeperform ka?

Lina: Uhmm... nangangantog po ang tuhod ko. Nanginginig ang mga kamay ko. Makita ko pa lang po yung stage na tatayuan ko, parang gusto ko na pong umatras.

Lady BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon