Online 11

26 3 0
                                    


9:45 AM

Hailey: Hello, Lady Blue.

Lady Blue: Hello! Anong maitutulong ko sayo?

Hailey: Advice po sana tungkol sa friendship namin ng mga kaibigan ko.

Lady Blue: Oh friendship. Sige. Kwentuhan mo ako at titignan ko kung anong maitutulong ko.

Hailey: Sige po.

9:47 AM

Hailey: Nong pasukan po, okay naman po kami. Okay po ung bond naming magkakaibigan. Palagi po kaming magkakasama, nag-uusap, nagtatawanan. Pero nong bakasyon na po, parang lahat sila naging famous na. Kapag nagchachat po ako sa group chat namin, palagi na lang po silang seen.

Hailey: Hindi ko po alam kung anong dapat kong maramdaman, Lady Blue. Flinaflood ko sila at baka sakaling mainis at magchat pero wala. Chat ako ng chat ng good morning o gudnyt pero halos wala pong nagre-reply.

Hailey: Siguro po muka na akong tanga sa ginagawa ko.

Lady Blue: Masama ba ang loob mo?

Hailey: Hindi naman po. Pero minsan, hindi ko din po maiwasan. Ang hirap po kasi ng ganon. Yung sa online na nga lang po kmi pwedeng magusap-usap, hindi pa sila nagchachat.

9:50 AM

Lady Blue: mahirap nga yan.

Hailey: Ano pong gagawin ko?

Lady Blue: Hmmm... ang masasabi ko lang siguro is intindihin mo na lng.

Hailey: Intindihin po? Ang hirap din naman po yata nyan. Ilang linggo... ah mali. Halos umabot na po yata ng buwan ang ginagawa ko. Para po akong nanunuyo ng mga taong hindi marunong makiramdam.

Lady Blue: Pero alam mo ba kung bakit? Bakit nila ginagawa yun? Bakit puro lang sila 'seen'? Snob?

Hailey: Hindi po. Mahalaga pa po ba yon?

Lady Blue: Partly, yes. You don't know the current happenings in their lives dahil nga bakasyon at hindi kayo magkakasama. You don't know what they feel right now. You don't know the thoughts inside of their heads.

Hailey: Pero kaya nga po dapat na matibay ang koneksyon namin kahit online lang po diba? In that way, malalaman po ntin ang ginagawa ng bawat isa.

9:52 AM

Lady Blue: You have a point though. But remember Hailey, everyone has privacy. May mga bagay na hindi maaaring sabihin sa iba dahil sobrang personal ng mga bagay na yon. There are thoughts that meant to only stay inside of your head.

Lady Blue: Pero kung iisipin, mas marami ang mga bagay na pwedeng sabihin sa iba. Hindi ko alam kung anong meron sa mga kaibigan mo at ganon sila umasta, gaya ng sinabi mo. Alam ko ding mahirap yan dahil para kang bumubuhay ng patay. Sa case mo nga lang, isang naghihingalong gc na ang binubuhay mo.

Lady Blue: I told you to understand their situation even if you don't even know kung ano talagang nangyayari sa kanila. That's the best way you can do for now. But it also doesn't mean that you will just let them do that. Everyone has their limits.

Lady Blue: If they finally reached the peak of your patience, then rest. Magpahinga ka muna at ikalma ang sarili mo. In that way, you can think better. Isipin mo kung ako pa ang pwede mong gawin to keep in touch with your friends. There are so many possible ways to solve different problems. But only the person who has a peace of mind can think thousands of them.

9:55 AM

Hailey: Kung ganon, dapat po muna akong magpahinga?

Lady Blue: If you are getting tired, then yes. But don't stop. Just rest. Because believe me, once you stopped from doing anything to revive a dying relationship, you can get it back but it will never be the same.

Lady Blue: Awkward. Forced laughs. Fake smiles. The bond you had with them before you lost them will never be the same bond you will have after having them back. Magkakaroon at magkakaroon yan ng pagkakaiba at mararamdaman mong kulang na yung saya. So at the end, may tendency na mawala ulit sila sayo. Why? Because your relationship with them is no longer as it was before.

Lady Blue: At alam kong ayaw mo namang mangyari yon.

Hailey: Opo.

10:03 AM

Lady Blue: Nararamdaman kong malapit na nilang maabot ang limitasyon mo. Hindi ka naman hihingi ng advice sakin kung hindi eh. Magpahinga ka muna at pahabain pa ang sintas mo. Para sa oras na mabuhol ang ilang parte nito, you will always have an extra.

Hailey: I understand. Thank you po.

Lady Blue: :)

•°•°•

Maligayang araw ng kalayaan sa inyong lahat! :)

Please vote and comment. Thank you!

—M.

Lady BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon