Online 19

22 2 0
                                    


2:30 PM

Kath: ikaw po ba si lady blue? ito po ba ung totoong acc nio?

Lady Blue: Yep! Ito nga yung totoong account ko.

Kath: ok po. naninigurado lang.

Lady Blue: Sanay naman na ako HAHAHA lahat nga yata ng taong kumakausap sa akin online, tinatanong muna kung ako ba talaga ito.

Kath: marami na po kasing peyk sa social media. buti na lang nahanap ko po agad ung totoo.

2:32 PM

Lady Blue: Swerte mo kung ganon. Anyway, ano pa lang maitutulong ko sayo?

Kath: kailangan ko po ng advice tungkol sa isang bagay.

Lady Blue: Isang bagay? Okay okay. Spill mo na yan girl.

2:35 PM

Kath: elementary pa lang po ako eh ramdam ko na pong malaki ang expectations sakin ng mga tao lalo na po ang parents ko. both teachers po kac ang mga magulang ko at puro successful lahat ng relatives namin. wala naman po akong choice kundi sumabay o sundan ang mga yapak nla. Lagi po akong nangunguna sa klase at class president din. kapag walang teacher, ako ang umaaktong teacher sa classroom namin. ako din po palaging leader sa mga groupings at kapag may problema ang mga kaklase ko, sakin po cla palaging lumalapit.

Kath: madami din po akong achievements sa skul. siguro po sa lahat ng competition na available, sinisigurado po nlang kasali ako. maraming nagsasabi na matalino at talented po ako base sa mga performances na pinapakita ko. naniniwala naman po ako sa kanila at masaya din po ako dahil naaappreciate nla.

Kath: ang kaso lang po, nakakapagod din.

2:40 PM

Lady Blue: Saan ka napapagod?

Kath: sa lahat po siguro?

Kath: nakakapagod pong umaktong perpekto dahil lang sa may image kang pinapangalagaan. nakakapagod umakto na alam mo lahat, na matalino ka. nakakapagod maging leader, maging class president, maging school asset. Alam nio po ba ung pakiramdam na akala ng mga tao na nagagawa mo lahat? Na kaya mong manalo sa kahit ano? na sobrang bait mo na pwede kang lapitan kung may kailangan sila? Ung ikaw lagi ang inaasahan? Ung laging pangalan mo ang binabanggit sa tuwing may kailangan ung mga teachers at mga kaklase mo?

Kath: tapos kapag nagsabay sabay lahat ng kailangan mong gawin dadagdag pa ung mga kaklase mo. ung tipong kailangan mo pang mapaos para lng sumunod at tumahimik cla. tapos pagkauwi sa bhay, ikokompara ka ng mga magulang mo sa kung sino dhil lang sa isang maliit na pagkakamali. ung buti pa si ganito ganyan.

Kath: ano bang tingin nila sakin? Perfect? robot?

Kath: nakakapagod din po lady blue. nakakasawa din.

2:43 PM

Lady Blue Oh. Ang hirap naman nyan. Pero tanong ko lang, anong grade mo na?

Kath: grade 8 po.

Lady Blue: Whoa. Ang bata mo pa pala. Anyways, anong eksaktong advice ang kailangan mo? May ideya na ako pero gusto ko sanang manggaling mismo sayo.

Lady BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon