Online 5

25 2 0
                                    


7:32 PM

Snow: Gud eve Lady Blue.

Lady Blue: Hello. Gud evening din.

Snow: hihingi po sana ako ng advice tungkol sa boyfriend ko

Lady Blue: Okay. Tell me your story then.

7:34 PM

Snow: Simple lang naman po eh. Nagbreak kami dahil sa isang online game na kinaaadikan nia

Lady Blue: Woahhhhhh! Online game? Yung nangyari ba is ung parang kanta na Dota o Ako?

Lady Blue: Anong pipiliin mo? Dota o ako? Sinong mas gusto mo? Tuwing kasama ka yan ang nasa isip.... oh wait. dko alam kung tama lyrics ko HAHAHAHA

7:37 PM

Snow: Hallah. Bumagyo po.

Lady Blue: Di pala kta matutulungan. Balakajan -_-

Snow: Joke lang po. Hindi naman po kasi Dota yung kinaaadikan nia eh

Lady Blue: Eh ano?

Snow: Mobile Legends

Lady Blue: ML? Di na ako nagtaka. Madami ng naaadik dyan eh

7:40 PM

Snow: Oo nga po eh. Ang problema ko po is nawawalan na sia ng oras sakin dahil sa kakaML niya. Palagi siyang babad sa selpon nia. Pati yung pera na ipangde-date na sana namin, pinanglo-load nia.

Snow: Nakakainis naman po kasi yung gago na yun.

Snow: Akala mo naman mamamatay kapag namatay din yung hero nia. Abnormal.

Snow: Nakakawalang gana din po siang kausap madalas. Para na nga siang adik sa lalim ng eye bags nia eh.

Lady Blue: Triple Kill XD

Snow: Ano pong gagawin ko?

Lady Blue: Simple lang 'yan eh. Tapon mo 'yung phone nia. Tignan natin kung makaML pa sia

7:43 PM

Snow: Madali nga po. Pero kapag ginawa ko yan, magagalit sakin yun

Lady Blue: Kumuha ka ng martilyo. Tapos daan ka sa gilid nia. Magkunwari kang nadulas atsaka mo basagin ung phone nia.

Snow: Baka mahalata po nia

Lady Blue: Bayaran mo na lang lahat ng naglo-load sa lugar nio para hindi nila loadan yang bf mo

Snow: Wala po akong sapat na pera

Lady Blue: Sapakan na lang kaya kayo? Kung sinong manalo, siya ang masusunod.

Snow: Sure lose po ako

7:45 PM

Lady Blue: Mag-ML ka na lang din.

Snow: Ha?

Lady Blue: Ayaw mo naman lahat ng suggestions ko eh. Edi makipaglaro ka na lang din sa bf mo. Gayahin mo yung ginagawa nia. Magpakaadik ka sa ML at tignan natin kung hindi yun mangulila sayo.

Snow: Oo nga noh?

7:50 PM

Lady Blue: Baka kaya naglalaro yang bf mo kasi may hinahanap siyang fun na nakikita niya lang o nararamdaman niya sa tuwing naglalaro siya ng ML. Kung nawawalan siya ng oras sayo dahil dyan, edi makipaglaro ka na lang din sa kanya. Sabay kayong maglaro at gawing bonding niyong dalawa.

Lady Blue: Pero kung sa tingin mo ay sobra na at hindi mo na kayang tagalan yung ganong ugali nia, then kausapin mo. Kung kinausap mo ng kinausap pero hindi nagbago o nakinig sayo, hiwalayan mo na. I'm not saying this to break your relationship with him. Sinasabi ko ito dahil hindi din maganda iyong ganong ugali ng boyfriend mo.

Lady Blue: If he really loves you, he'll choose you over that game. Kausapin mo siya at sabihin mo na ayaw mo yung ganong ugali nia. Pero syempre, hindi naman ibigsabihin non na patitigilan mo sia sa paglalaro. Sabihin mo lang na kailangan niya ding limitahan iyon dahil nakakasira iyon sa relasyon niyo at maging sa kalusugan nia. And like what I said, you can both turn that addiction into bonding. Pero syempre may limitation din.

7:52 PM

Snow: Nice. Ganda ng advice nio. Thank you po.

Lady Blue: Baka magulat ako isang araw na mas adik ka na pala sa bf mo ah

Snow: Hindi yan. Lilimitahan ko gaya ng sinabi po ninyo.

Snow: Thank u Lady Blue

Lady Blue: :)

•°•°•

I hope you learned something.

Please vote and comment. Thank you!

—M.


Lady BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon