12:24 AMZL: Hoy.
ZL: Hoy.
ZL: HOY!
ZL: HOY BABAENG ASUL!
12:26 AM
Lady Blue: Bakit mo ba ako sinisigawan?! Bakit ba palagi ka na lang hoy ng hoy?! Labag yan sa netiquette!
ZL: Para ka din kayang naninigaw gamit yang mga exclamation points
Lady Blue: Ano bang kailangan mo at binubulabog mo na naman ako?
Lady Blue: Kung about yan sa kapatid mo, huwag mo ng ituloy. Wala akong balak na imeet siya.
ZL: Change topic agad kasi nabalik yung binuga XD
Lady Blue: Bugahan kita ng apoy gusto mo?
ZL: Sige ba. Edi magkikita tayo?
Lady Blue: Hindi. Nagtanong lang naman ako eh
ZL: Tsk. Tsk. Bakit ba kasi ayaw mo? Kapatid ko lang naman ang kikitain mo
12:29 AM
Lady Blue: Sinabi ko na diba? Hindi ako nagpapakita sa mga taong di ko kilala. Pati na sa mga nagtatanong sakin ng advice. Ulyanin. Lolo ka ba?
ZL: Hindi ako ulyanin. Hindi ko lang talaga maintindihan dahil ang gulo mo kausap.
Lady Blue: Aish. Alam mong pwedeng pwede kitang iblock diba? Kaya tigilan mo akong asungot ka.
ZL: Oo. Pero bakit hindi mo ginawa? At isa pa, ang gwapo ko namang asungot.
Lady Blue: Akala ko kasi matino kang kausap. Hindi pala. At isa pa, mabait ako noh.
Lady Blue: Wag ka ding magsinungaling. Walang gwapong hinayupak.
ZL: Hoy! Kanina asungot ngayon naman hinayupak?
Lady Blue: Anong gusto mo? Shokoy?
ZL: Kung ganito kapoging shokoy ang nangungulit sayo, iba-block mo pa ba?
Lady Blue: (´ー`)
Lady Blue: Pogi? San banda?
ZL: Magkita tayo para malaman mo
Lady Blue: Hindi ka talaga titigil noh?
ZL: Hulaan mo.
Lady Blue: Babye then.
You can no longer reply to this conversation.•°•°•
Happy father's day!
Please vote and comment. Thank you!
—M.
BINABASA MO ANG
Lady Blue
General FictionSomething's bugging you? Having a hard time in making decisions? Don't know what to do in your life? Well, Lady Blue is here to save your day.