Online 12

25 3 0
                                    


6:33 AM

Vitto: Hello. Good morning.

Lady Blue: Gud mornibg

Lady Blue: morning* hehe

Vitto: Kailangan ko ng advice niyo, lady blue.

Lady Blue: ok ok. Tungkol saan?

6:35 AM

Vitto: About sa family namin. Medyo personal kaya kung pwede sana, huwag niyo na lang po itong ipost sa website niyo. Ganon din po ang gagawin ko.

Lady Blue: No worries. At isa pa, hindi naman ako nagpopost doon. Yung mga humihingi ng advice sakin ang nagpopost doon kasi sila din naman ang gumawa eh

Vitto: Thank you

Lady Blue: Story time na brother ^‿^

Vitto: Bale sa family namin, apat kami. Ako, kapatid kong babae at parents namin. Graduating na ako pero kinailangan kong tumigil para sa kanila. Kailangan ko kasing kumita ng pera para sa gamutan ni tatay at ni ate.

Lady Blue: May sakit ba sila?

6:38 AM

Vitto: Rape victim po ang ate ko. At si tatay, may tumor po sa utak.

Lady Blue: teka sorry hindi ko alam

Lady Blue: Pero kung okay lang, pwede ko bang malaman kung paano nangyari? Pero kung masyado ng personal or sobra, okay lang kahit hindi na.

Vitto: Okay lang.

Vitto: Graduate na sa college ang ate ko. Pero dahil sa hirap ng buhay, wala siyang nakitang magandang trabaho. Kaya binalak niyang mag-OFW. Lumuwas siya ng maynila para doon ayusin ang mga papeles niya at para makalipad sia kaagad papuntang ibang bansa. Pero ayun na nga po, ginahasa siya ng mga tambay na malapit sa inuupahan niyang bahay doon. Ilang buwan daw po kasi ang aabutin bago maayos ang mga papeles niya. Pero nalaman din namin na scammer pala ang naging employer ng ate ko. Lahat ng pera na nagastos namin para doon, napunta sa wala.

Vitto: After that, natrauma po ang ate ko. Naconfine sia sa hospital. Tuwing gabi, nagwawala siya. Sumisigaw siya at humihingi ng tulong. Umiiyak siya at pinipilit na makalabas ng hospital kasi ang akala niya, sasaktan din siya ng mga tao doon. Wala na kaming naging choice kung hindi ang ipasok siya sa isang mental hospital. Iyon din kasi ang advice ng mga doktor.

6:40 AM

Vitto: Dahil sa gamutan ni ate, kinailangan naming ibenta ang dati naming bahay at lumipat sa mas maliit. Ginamit namin yung pera para sa pagbabayad ng abogado para maipakulong ang mga nanggago sa ate ko at para din sa gamutan niya.

Vitto: Nakulong sila dahil may sapat na ebidensya. Pero kahit ganon, nagdusa pa din ang ate ko. Halos araw araw siyang umiiyak, nagwawala at sumisigaw ng tulong habang nandon siya sa asylum. Segu segundo siyang pinapatay dahil sa naranasan niya at wala kaminh magawa. Kung pwede nga lang sanang kunin na lang lahat ng sakit, ginawa ko na.

Lady BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon