Introduction

28 1 0
                                    

Hindi ko maintindihan, kung bakit buwan buwan ang babae kailangan magdanas nito.

Matapos ka magbuhos ng dugo, sasaktan ka pa, na halos hindi kana lalabas sa lungga mo, magmumukmok at hirap gumalaw.

Nagtataka ba kayo, sa pinagsasabi ko? Hayaan niyo. Nagdradrama lng ako. Dumating kasi yung dalaw ko ngayon.

Makahanap nga ng boyfriend para may mautusan akong bumili ng pads. Ahh buhay!

Buti na lang walking distance lang yung 7/11 samin.

"Takbo!"

"Yung anak ko!"

"Tabi umali kayo jan!"

Nagulat na lang ako, at maraming nagtatakbuhan sa paligid. Nagkakatarantahan, at ako ito nakapako, sa kinatatayuan ko.

Teka saglit! Parang may sumigaw ng bomba ah!

Gagalaw pa lang sana ko, kaso nadamay na ko sa malakas na pagsabog.

"Ah! pambihira, maghahanap pa lang ako ng majojowa juice colored. Bakit niyo po ko nikuha agad.?"

At the age of 25, me a beautiful girl, magiging virgin maski kiss wala!.

Sana pala, hindi ko sinapak yung nagtangka magnakaw ng halik sakin nun.

What a life! Hirap talaga pag full of regrets.

Im dying na, pero andami ko pa din kuda. Pero seriously, ansakit na ng buo kung katawan.

Rinig ko ang mga yabag, at ang ring tune ng ambulansya sa paligid.

—————

May naririnig ako na ingay sa paligid.

"Napaka gandang bata"

"Nakaka-awa naman at namatay ang madam pagkasilang sa kaniya"

"Wala din ang heneral, para malaman ang pangyayaring ito."

"Sshhh~ huwag kayo maingay. Baka marinig kayo!"

Teka? Bakit may mga bubuyog na bulong ng bulong sa paligid.

Tsaka bakit andilim? T-teka! Ay! Nakapikit pala ko.

Pagkamulat ko, may apat na babaeng nakapalibot sakin. Naka pang maid outfit din sila.

Kailan pako naging rich? At may maid.

"Uwaa."– (sino kayo?) Eh! Boses ko ba yun? Bakit boses baby?

T-teka! Bakit anliit ng mga kamay ko.? Tsaka nasa kuna bako?

"Lady Yara Quarantina Usha."

Yara Quarantina Usha, Kapangalan ko pa ah. Pero saglit? Hindi ba yun yung isa sa character na binasa ko sa isang novel? Yung maagang naulila sa ina. Tapos yung ama, nagdala ng bagong asawa, tapos dahil sa kulang sa gabay at agura.

Naging masama ang ugali? Yung matapobre, bayolente, pero mahina naman sa pisikal at utak?

Tsaka kung hindi ako nagkakamali. Ito din yung may powers at may kakaibang creatures!

Kyaaahh! Exciting!

Ay wait! Hindi pala. Sa pagkaka alala ko, maaga din namatay yung character na yun. Kasi 'kontrabida' po siya, hinamon nya yung babaeng original na lead dun sa story at dahil maraming knights in armor yun. Na deds ako!

No! No! No! Hindi ako papayag, na mangyari yun! Kakasilang pa lang sakin, at marami pang chance na mabago yun. Tama! Be positive!


So, this woman will strive for my life, live for long and change my route! Ready for more adventurous day!


Author's Note: Comment and Vote. What do you think of this story?

Rebirt: In The Other WorldWhere stories live. Discover now