Untitled Part 5

4 0 0
                                    

Chapter 5

Dismissal na. Normal day pa rin.Nothing special ang nangyari. Psh! Napapansin ko so far, puro bahay-school lang ata routine ko ah. And guess what, nag-aaral na ako. I even get a high score sa mga exams without copying. Haha. Kasi sa higschool, kung di ako papakopyahin nga classmates ko, I would always flunk.

Hindi kami sabay umuwi ni Eli ngayon. May lakad daw siya. Hindi naman sinabi kun ano o saan. Ano ba yan! I smell something ha. Hindi siya usually naglilihim sakin’.

Pagdating ko sa bahay, tinopak ako ng katamaran. Wala ako sa mood mag-aral kahit may exam ako bukas. Kaya nag OL muna ako.

*Doink*

L: Punta ka ba bukas?

Oo nga pala, Final Training Ceremony ng new batch ng applicants nung org. naminsa highshool. Tinatanong niya ako?Gusto niya akong makita dun? Ayun! Kung anu-ano na naman pinag-iisip ko. -_- Para tanong lang ee.

A: Ahhmm, Oo. Hihi.Ikaw?

L: Oo din. Dala ka ng unan ah?

Ano daw?Unan?Nga pala, overnight yun. Eh di naman ako sure kung mag o-overnight ako. Ano ba yan!

A: Unan? Manghiram ka nalang dun.Haha. Di ko kasi sure kung magste-stay ako ee. Magpapaalam pa ako.

L: Sus! Alam ko naming o-overnight ka eh.

A: Haha. We’ll see. Sige.J

L: See Ya! :-*

Teka, ba’t may kissmark na emoticon? Ayeee. Edi napatalbog naman yung puso ko bigla? Haha. Dream on Aiana.Malay mo ganun lang siya magpaalam. Tss.

6:00 PM na ng gabi, for sure, may mga alumni na din dun sa venue . Pauwi na ako, medyo late kasi natapos yung klase namin. Saktong nakapasa lang yung score ko kanina sa exam. Buti nga! Nag-ilusyon lang kasi ako kagabi sa kung ano ang mangyayari mamaya sa Training ceremony. Tsaka nakatulog na nakasubsob yung mukha sa libro.

When I was finally home,walang tao. San kaya sila? Gutom na ako. Wala man lang iniwang pagkain , ano ba yan.Hindi tuloy ako makaalis agad. Nanood nalang ako ng TV. 7:30 na. At last! Dumating na sila.

Nagmano ako kay papa, tsaka kay mama sabay tanong “San kayo galing?”

“Ay, birthday kasi ng apo ng Tita Marciana mo. Alam mo naman yun, limited kapag nag-imbita. Eh, biglaan, di’ nalang kita tinex kasi sabi mo gabi ka na rin uuwi. Eto” sabay abot ng paperbag na may tupperware sa loob.

“Pinabibigay ng tita mo. Kumain ka na.”

Uy cake, tsaka fried chicken.

“Eto lang? E, walang rice eh.” Yun.Nagreklamo pa talaga ako. Sorry. Gutom e.

“Kainin mo nalang kasi.Buti nga meron e.”

Sige na nga. Kesa naman wala.

“Ay ma. Training Ceremony nga pala ng SFC (Student Facilitator’s Club) ngayon.Ovenight ulit.Punta ako ah”.  Yun nga pala pangalan ng Club namin. Bale parang extension na rin ng Counselling Office sa school.

“Anong oras ka uuwi?”

Hello? Ma?.Overnight nga diba.Zz.

“Maa, overnight nga ee. Bukas na ‘ko uuwi.”

“Anong oras ka aalis?”

Ay? Pinapaalis na ‘ko agad? Mas excited pa yata sakin’ eh. Haha.

Stupid ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon