Untitled Part 6

6 0 0
                                    

Chapter 6

Sembreak na, ang bilis nga panahon. Ganun ganun pa rin yung mga nangyayari. Hays! Ang boring sa bahay. Standby lang ako lagi. Naala ko tuloy yung Follow-Up Training ng SFC. Yun yung training na kasunod ng Final. Self-explanatory na yata eh. Kaya nga follow up yung tawag. Hihi.

*Flashback*

 *Doink*

L: Punta ka ba sa school ngayon?

A: 60-40 -_- Ikaw?

Ah, yung 60% kasi oo. Yung 40% naman hindi. Masama kasi yung panahon.

L: Ha? Punta tayo!

A: Nvm. Masama kasi yung panahon ee. Tsaka, may culmination kami bukas ng 6:30

Sa totoo lang, maaga culmination namin bukas sa beach  kaya medyo nag-aalangan ako pumunta.

L: 7am nga yung exam ko e! Pero overnight ako saka diretso na bukas, bahala na. Haha.

Pano yun?Zombie siyang magte-take nung exam? At ako naman, di makakaligo sa beach kasi puyat?Haha. Antinde ng batang to!

A: Seryoso? Haha.Tindi mo rin no!?Sige. Tingnan ko.

L: Naaah! L

Uhm teka parang may mali po sa reply niya. Haha. Ang OA. Totoo nga. E ba’t may sad face? Yiie! Ibig sabihin, gusto niya talaga akong pumunta?Nakaka-flatter naman.Hahaha. Makapunta na nga!

*End of flashback*

“Huy!”

Then I came back to life. Ano yun?Namatay saglit?Hahaha.

“Ano ba nginingiti-ngiti mo diyan sa ulap?” Si Eli. Teka ba’t siya andito?

“Wala namang something” Sabi niya habang sinusuri yung langit.

“Tanga!Teka, ba’t ka ba andito?”

“Ay , ano to tabuyan? Nakalimutan mo ba usapan natin? Yan kasi ee, Masyadong nagpapakabusog yang utak mo sa imahinasyon.  Hay naku! Wala ka naman napapala.”

Nga pala. Nagtext siya kagabi na pupunta siya dito ngayon kasi manonood daw kami ng movie.Alam ko rin yung pinagsasabi niya. Na ako lang yung palaging nga-iisip tungkol saming dalawa ni Lem. Teka, ‘saming dalawa’? May kami ba? Hahahaha.Eto na yung napapala ko kaka-isip ng mga bagay-bagay e. Actually, nagiging hobby ko na. Di ko kasi siya nakikita e.

“Ay oo nga pala. Psh. Sige tara nood na tayo” Iniwasan ko na lang yung mga tanong niya.

Second sem na. Okay lang naman yung grades ko. Nasa room kami ngayon, naghihintay ng teacher. At may bagong dumating na classmate yata namin. 9:00 yung nasa sched pero 9:45 na. Late siya! Buti nalang di pa dumadating yung teacher. Hindi ko nakita yung mukha niya kasi sa likuran siya umupo. May mga bagong classmates kasi kami. Siguro yung iba nagtransfer. Ilang saglit lang, dumatingna yung teacher tsaka nag-start yung klase.

“Goodmorning class. I’m sorry I’m late. I had a meeting kasi. Okay check attendance tayo”

Alivio

Amparo

Badilla

Encarnacion

Teka, parang mali ata yung listahan ni sir?

“Encarnacion, Lemuel Michael?” tawag niya ulit.

“Sir, present”

Tumingin ako kay Eli.Tumingin rin siya sakin’. Tiningnan ko siya na parang nagtatanong. At binigyan niya ako ng ‘Aba, malay ko’ look. Tsaka ako tumingin sa likod. Siya  nga. Hindi ako pwede magkamali.Classmates kami? Pano’ nangyari yun?Aba syempre, malamang edi nagtransfer siya.Haha.Gaga.

Nakatingin siya sa labas kaya di niya ako nakitang nakatingin sa kanya. Pero pagkatapos tawagin nung apilyedo ko, alam ko narinig niya.

Tapos na yung class. Nag-check lang si Sir Valdez ng attendance. Palabas na kami ng room. Alam ko nauna na siya kasi malapit lang yung pito sa kinauupuan niya kanina.

----------------------------

Stupid ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon