Chapter 9
“WAAAAAAAAAAA! Maygad, Omaygad! Totoo bes? Ano pa? May nangyari na ba? Nag-kiss na ba kayo? Hinawakan niya ba yung kamay mo?Ano pa, Ano pa?” Ayan na naman siya na parang earthworm na nilagyan ng asin kapag kinikilig.
“Teka , e ba’t parang mas kinikilig ka pa sakin?” Ang gulo ng babaeng to.
“Ah eh, Hihi.Ano na ngaa?”
Kinuwento ko sa kanya lahat. Nakita niya pala kami sa mall, kaya niya alam. Ugh!
“Buti na lang pala, hindi ako kasama mo, kundi hindi mangyayari yung lahat ng kinuwento mo sakin’ Yieee!”
“Oo nga no?” I said with a sarcastic grin. “ So ano gusto mo, pasalamatan pa kita? Psh!”
“Bes naman ee, sinabi ko na naman sa’yo diba”
“Watevs, Forevs!”
Monday na ulit. Nakangiti akong pumunta ng school ngayon. I greeted anyone I know na nakakasalubong ko sa daan.
Pagdating ko ng room, nakita ko si Lem na nakikipagtawanan kay Steph. Yung chinita na maganda kong classmate na maraming nagkakagusto. Saka, parang ang saya-saya naman nila.Seems like they’re both having a good time.
Nilagpasan ko lang sila. Napansin ako ni Lem.
“Uy, Aiana, Hi” bati niya sakin’.
I just gave him a plastic smile.Alam ko OA pero parang masakit lang sa mata na tignan silang dalawa. Never ko kasi nakita si Lem na ganun nung highschool kami kahit may kasama siyang ibang girls.Siguro advantage din noon na alam kong classmates at friends lang niya yung mga nakakasama niya. Ganun din naman ngayon, magkakaklase naman kaming tatlo ni Steph, pero kasi famous siya.Maganda, matalino, exciting. Hindi malayong magusthan siya ni Lem.
The day went by normally. Sabay pa rin naman kaming nag-lunch ninaEli at Lem sa cafeteria. Etong Eli naman, nginingitian ako. I just simply smile back at her pero alam kong pansin niya na pilit lang yun.
Sabay rin kaming tatlo umuwi, si Eli at Lem lang yung nag-uusap.
“Diba Yan?” Eli turned to me. Ewan ko bas a pinagsasabi niya, pero tumango at nag smile lang ako.
Nasa sakayan na kami ng jeep ni Eli. Nag-bye na si Lem saming dalawa.
“Huy! Kanina ka pa lutang ah?” tanong ni Eli.
“Bumagsak ako sa long quiz sa Math kanina” palusot ko.
“Ba’t mo alam? Eh, hindi naman tayo nag-checking?” Crap! Mag-iisip na nga lang ng palusot, palpak pa. Stupida Aiana.
“Alam ko lang” I said without lookin’ at her.
“Ganun? Magaling ka na manghula ngayon? E ako kaya? Hmm, naipasa ko kaya yun?” Shunga tong babaeng to’.
“Mas bagsak ka pa sakin’” I joked.
“Bes naman e! Ano ba! Niloloko mo naman ako ee.”
“Syempre di’ ko alam, hindi naman ako mag-che-check ng testpaper mo . Gaga! pano’ ko malalaman?”
“Eh bakit yung sayo, alam mo?”Ang gulo niya talaga.
“It’s called INSTINCTS . Wala ka kasi nun, kaya di mo alam” sabi ko sa kanya.
“Ouch bes, ansakit” sabay lagay ng kamay niya sa dibdib saka nag-change ng expression na parang nasaktan. Ang shunga talaga.
“Hayaan mo, normal yan”
“Oo nga normal nga. Normal nga na makipagtawanan si Lem kay Steph kanina at OA yung reaction mo at pinagloloko mo na naman ako” Woah! San’ galing yun?
“Alam mo kasi bes, ang laki ng mundo, may ibang mundo rin naman si Lem. Hindi pwedeng ganyan na lang palagi yung reaction mo everytime na may makikita kang ibang babae NA MAS MAGANDA na umaaligid sa kanya” Ayan na naman yang mga expert wannabe na mga advice niya.
“Natural na may mga bago siyang makikilala.Saka malay mo one day, tayong dalawa na lang ulit magkasama. Nag-aadjust siya sa paligid, and knowing different people around him is a part of the process. Kaya wag kang OA kasi kung masakit ngayon, may sasakit pa jan. Sabi mo nga NORMAL yan!”
And from that, I was speechless. Sabagay, may point naman siya. Siguro assuming lang ako sa nangyari samin’ kahapon. Well I guess, normal din naman yung ganun ah. Tsk! Siguro nga ganun lang din siya ka.sweet sa mga babaeng nakikilala niya. Siguro ganun lang talaga siyang klaseng lalake.
Napaisip ako habang nakahiga sa kama, while staring at the ceiling. Hindi ko namalayan, nakatulog pala ako.
Nagising ako. I checked my phone. It’s 1:30 AM. Woah! 45 messages. 5 missed calls. Yung tatlong missed call was from Eli. The other two was from Lem? .Wala naman siyang message. Si Eli kinakamusta lang ako. The rest were just group messages.
Di man lang ako ginsing ni mama for dinner. Ugh! I heard my stomach rumbled. Hala, even my clothes were’nt even changed. Psh! Nagbihis ako, then I went to the kitchen. I just grabbed cookies in the ref then made a tuna sandwich for myself. Hindi na ‘ko makatulog ulit.
Umilaw yung phone ko. May nag-text? At this point of time?Wew.
1 message. His name displayed on my screen.
‘Goodmornight! Up so late. Off to bed.
@Steph: Thanks for the time. Had a great one’
That special mention thing. I messaged him.
Me: Hey! I woke up and saw your missed call. Sorry, nakatulog ako ng maaga. Sup’?
Lem: Yo! Ba’t gising ka pa? Ah, nothing important. Tatanungin ko lang sana if may number ka ni Steph.
Me: Can’t sleep back. Ah ganun ba? Seems like you had another source. Sorry ulit. Sge, goodmornight.
Lem: Yeah! Got it from one of our classmates.Sige ah. Una na ‘ko.
Me: Go ahead. JSweetdreams.
Di’ na siya nagreply.Ba’t niya naman ako naisipang tanungin? Mukha ba akong Phone Directory? Awsh. Makatulog na nga lang ulit.
BINABASA MO ANG
Stupid Chances
FanfictionAiana Salazar, a typical girl who is crazy in love with Lem Encarnacion. A normal but a handsome guy that is sweet and charming which made Aiana fall inlove for him more as they found each other more closer at college. Aiana couldn't be more happier...