Untitled Part 8

4 0 0
                                    

Chapter 8

Mas naging madalas ang pagsasama namin ni Lem. Si Eli naman, palaging may mga lakad. Ewan ko ba, or maybe she’s just making those excuses to leave me alone with Lem.

It’s Sunday. Papunta akong church, mag-isa . Si Eli kasi di ko ma-contact. Wala naman sa bahay nila. Ewan ko ba dun. Buti nalang pagdating ko ng simbahan, hindi pa nagsisimula. Umupo ako sa right edge ng seat malapit sa entrance.

“Excuse me, may nakaupo ba dito?” I heard a male voice.

Umiling lang ako, without facing him coz’ I was busy composing a message to Eli. I felt him sat beside me. Nagstart na yung mass, kaya, I kept my phone iside my bag then faced front. Ayokong ma.distract everytime ako lang mag-isa  magsimba. Kapag kasama ko kasi si Eli, ang daldal.Hindi ako makapag concentrate. The mass went on.

“Peace be with you” sabi ng pari. I bowed with him , the turned to my right para mag bow rin sa katabi ko. I looked at him then imbes na mag-bow ako , I was shocked when I saw Lem smiling at me.

“Hi. Peace be with you” sabay tango. Napatango na lang din ako in response,.

Like seriously? Ba’t di ko namalayang siya yung katabi ko the whole time? At tsaka, based on his reaction, seems like, he knew na ako yung katabi niya kasi parang normal lang naman yung reaction niya pagharap niya sakin. Argh!

Natapos na yung mass, I turned to him and said “Ooy! Ikaw pala yan, di ko namalayan” sabay tapik sa balikat niya.

“Eh, looks like ayaw mong ma-distract ee. Ang seryoso mo pala pag nagsisimba” he said with a smile. Gaaah! Lem, stop it! I’m drowning.

“Ay, ang daya. Haha.Oo nga, kaya nga di kita napansin ee. Um, ikaw lang din mag-isa?”

“Yup! I prefer being alone kasi, e ikaw?”

“Ah, loner ka pala” I said.

“Hindi ah, minsan lang. Ikaw ng dyan eh” he chuckled.

“Ah, si Eli kasi may lakad. Kaya, ako nalang”

“So, san tayo’?” Huh?  TAYO?As in kaming dalawa?

“HA?” I replied with a confused expression.

“Oo. I mean, pareho naman tayong mag-isa, so naisipan kong, ba’t di nalang natin samahan ang isa’t-isa diba?”

“Ah, hehe” yung lang ang nasabi ko. WAAAAAAAAA! DugDug! DugDug! DugDug! Edi kinikilig naman si Manong Heart. Hahahaha! Parang date?Magkasama kami? KAMI lang? Waaaaaaa!

Namasyal kami sa mall. Nanood kami ng Transformers: Age of Extinction. Libre niya! Woah! Fan daw kasi siya ng Transformers, saka, ayaw niya naman daw panoorin mag-isa kaya nilibre niya ako.Ang galiiiing talaga. Bonus na nga yung makatabi ko siyang magsimba kahit di ko namalayan, tapos nanood pa kami ng sine na kami lang dalawa? Talaga nga naman.Haha.

Ang ganda nung movie, hanep yung effects! While nanonood kami, walang imikan. Kung gano kasi ako ka-seyoso magsimba, ganun dun naman siya kaseyoso kung manood lalo na kapag favorite niya yung movie. Kaya, pasulyap-sulyap na lang din ako pag may chance. Ayiieee! Haha. Ano ba! Minsan lang naman kasi mangyari yung ganung eh. Malay ko din ba kung may susunod pa.

Pagkatapos namin manood, sinabi kong uuwi na ako kasi dumidilim na. Ayokong gabihin sa daan.

“Ah, sige. Hatid na kita” Woah! Last bonus, hatid niya daw ako?Hahaha. Grabe na to’!

“Ha? Ah, wag na. Kaya ko naman ee. Besides, mas malayo yung sa inyo. Baka gabihin ka lalo.”Pa ayaw-ayaw effect naman ako.Haha.

“Okay lang, hindi naman tayo gagabihin kung di kita pinilit manood ng sine eh”  sabi niya.

“Ay hindi, okay lang talaga ,promise” Gustuhin ko man, hindi pwede. Ayoko rin kasing pag-chismisan ng kapitbahay saka umabot kay Dad.Patay ako dun.

“Kulit mo naman, sige na nga. Ganito nalang, hatid nalang kita sa sakayan, siguro naman, papayag ka na?”

“Hmm, okay. Better.” Then I smiled at him.

Pagtawid namin ng daan, I felt his right hand encircled my waist. Woah! Ang gentle niya naman. I felt secured ng ginawa niya yun. Tinanggal niya naman nang makatawid na kami. Before ako sumakay ng jeep, he faced and thanked me. I thanked him backed, saka sumakay then waved goodbye. He waved back.

Pagdating ko ng bahay,I headed to my room. Patalon-talon pang dumaan sa sala na parang walang nakita. Then,

“Huy! “Napatigil ako.Hala , si Dad. Hidi pa pala ako nakakapag mano tsaka nakakapag beso.

“Ba’t ginabi ka?” seryosong tanong niya.

“Ah, Hi dad.”Sabay mano, saka beso. “galing po ako church, sorry po. Nagkita kasi kami ng classmate ko, hindi ko naiwan agad”

“Ganun ba, sige, kumain ka na jan”.

“Ay sige po, tapos na ‘ko, bihis lang po ako” then I went to my room.

Pagkabukas ko ng pinto, “Hoooy! Ba’t ginabi ka?”

“Aaaaaaay! Kabayong bakla! Ano ba Eli, ginugulat mo naman ako e. Tsaka, teka, ba’t ka ba andito?”

Tinawanan lang ako ng bruha, palibahasa ako yung ginulat. Walangya!

“Ha ha ha, Eh kasi bes, I wanted to surprise you! Nga pala, sorry talaga, di kita nasamahan sa church, si mama kasi ee. Sinamahan ko” Paliwanag niya.

“Ewan ko sayo”. Nawala yung excitement sa mukha ko.

“Bes naman eee” ayan na naman yung OA nyang tono kapag naglalambing.”Sorrry na puh-leeeaase!” She said to my face with blinking eyes. Yak talaga parang pusa.

“OA na ‘to ah, Sige na kwento ka na” sabi niya.

Teka, ba’t niya alam?

Stupid ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon