Untitled Part 3

3 0 0
                                    

Chapter 3

 

“Sa umaga’t sa gabi sa, bawat minutong lumilipas

Hinahanap-hanap kita, hinahanap-hanap kitaaaa

Sa isip at panaginip, bawat pagpighit ng tadhada

Hinahanap-hanap kita. Hinahanap-hanap kita

Kumakanta yung buong klase .Wala pa kasi yung teacher namin.

 

“Aiana, si Fred oh, ayiieeee” pangungulit ni Eric sakin’. Anong meron kay Fred? Pinu-push nila ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya, at yung tingin niya na parang kakainin ka? Haha. Lakas ata tama ng batang to e. May topak kung tumingin. Urrrgh! Nakakapangilabot. Maya-maya lang, dumating na yung teacher namin. Pagkatapos ng klase, sabay kami lumabas ng classroom  ni Eli. Nag lunch kami together sa lounge. Since 30mins.lang yung break namin, bumalik kami agad. At sa hindi inaasahan, nakita ko si Lem. Naramdaman kong nag stretch yung mga labi ko. Gumaan yung pakiramdam ko. Shet naman oh.Bakit kasi ganito. Nag smile lang siya sakin’. At BOOM! Wala na. Alam nyo na yung feeling na yun. Haha.

Dumaan yung mga araw at paunti-unti, nagpaparamdam sakin’ si Fred. Hanggang sa di tumagal, umamin na siya sakin. Totoo nga. Kaya pala feel na feel niya yung panunukso ng mga classmate namin .

*Flashback*

Sa kalagitnaan ng conversation namin sa text

F: Yan, pwede magtanong?

A: Yuh, ano yun?

F: May boyfriend ka ba ngayon?

A: Boyfriend? Haha.Aral muna ako.

F: Ah, pwede ba manligaw? Mahal kasi kita Yan.

Kinilabutan ako sa nabasa ko. Mahal?Ew with that Mahal. Haha. Bitter lang eh. Nagreply ako

A: Mahal agad? Haha. Iba ka rin mag joke noh.

F: Hindi ako nagbibiro, mahal kasi kita. Can I have chances for you Yan?

Ano daw?Chances?Natatawa ako masyado.

A: Wag mo na ituloy. Wala kang mapapala sakin’. Friend kita at ayoko magka-ilangan tayo sa school.

Naisip ko si Lem. Pano’ kaya kung siya yun? Sasagutin ko kaya? 4 years ko na rin kasi siyang crush at never kaming nagkaroon ng closure not until that time na sumali ako sa organization nila. Fourth year kami nun, bago pa lang nagstart yung schoolyear at nakita ko yung advertisement nila na naghahanap nga bagong members. Naisipan kong sumali kahit senior na ako. Alam ko medyo kalokohan pero napagdesisyunan kong sumali kasi naisip ko, last year na naming to na mag-schoolmates at di ko na siya makikita everyday sa school. Wala na akong ibang naisip na paraan para mapansin man lang niya ako. Though alam kong narerecognize niya ako everytime na magkakasalubong kami pero ramdam kong hindi sapat yon’. “Hindi ako papayag na gagraduate na wala kaming closure”. Sabi ko sa sarili ko. Kaya ayun. I tried to influence some of my classmates pero almost majority ng class, hate yung organization na sasalihan ko. I know medyo different talaga yung panig ko sa kanila. Pero I don’t care. Meron din naming limang boys sa klase naming na sumubok din. Kaya atleast may kasabay na ako. Ako lang yung girl pero desidido akong makapasok kahi alam kong mahirap. Known kasi yung organization in many negative ways. Kaya maraming nag cri-criticicize at the same time marami rin naming fans.Ye, I don’t care. Almost 3months of training, I finally became a member. Medjo matagal. In that 3 months, go lang ako ng go. Pero sa aming magkakaklase na sumali, ako lang yung nagstay. Trip lang pala nung mga kumag na sumali e. Psh! Naapektuhan din yung grades ko. Medyo mababa talaga than usual.Nasa organization na kasi yung attention ko. kaya ayun, napabayaan ko yung pag-aaral ko.Marami rin naman akong naging new friends. And I should admit na in that 3 months, may konting closure na kaming dalawa.Achievement yun. Napaiyak ako sa sobarng tuwa nung final ceremony na magiging official members na kami. From that day on, napapansin niya na ako finally. At nagsi-smile na siya sa sakin everytime na magkikita kami. There is always that spark lalo na sa moments na magkausap kami kahit tungkol lang lahat sa org. Gumraduate kami pero never kaming naging super close.

Nasa room na kami habang naghihintay sa teacher and nararamdaman ko yung mga nakaw-tingin sakin’ ni Fred. Ang awkward tuloy.Nasa iisang classroom lang kami tapos pinipigilan ko yung sarili kong magkatagpo o magkasalubong kaming dalawa. Feeling close kasi siya.

“Uy, Yani. MU ba kayo ni Fred?” tanong ni Nick sa tabi ko na kaibigan din ni Fred. Ugh! Lord, please send me somewhere else.

“Ha?” nabigla ako sa tanong niya. “Pano’ mo nasabi?”

“Suus! Aminin mo na kasi. Gusto mo rin siya diba?”

Maygad.Nakakasuka yung tanong niya pramis.

“ANO!?Pano mo ba natatanong sakin’ yan? Eh, hindi nga kami close. Hindi kami nagpapansinan” medyo tumaas yung boses ko.

“Malay ko, baka nahihiya lang kayong ipakita”

“Alam mo, gulo mo mag-isip.Psh!”.Oo.Sa totoo lang naiinis ako sa mga tanong niya. Masyado kasing immature. Palabas na kami ng classroom, tinapik ako ni Eli.

“Uy! What’s with the face ?” she asked me.

“Huh? Wala naman. Si Nick nakakainis”

“Ba’t naman?Upakan naten?”

“Wag na. Baka makakita ako ng flying human” Ang payat kasi ni Nick.

“Ansaya kaya nun. Hihi, bakit ano ba ginawa niya sayo?”

“Haha. Oo nga no?kinukulit niya 'ko tungkol kay Fred. Tinanong ba naman kung MU daw kami? Baliw ata ee”

“Si Fred? Pano’ niya naman natanong yun sayo?”

“Di ko nga alam e. nag.confess na rin kasi si Fred sakin.”Nagbago yung expression ng mukha niya.

“Seryoso? Ba’t ngayon kolang nalaman? Paano?Ansabe niya?”

“Dami mo naming tanong, basahin mo nalang” Ipinasa ko sa kanya yung phone ko. Pinabasa ko yung convo namin . Di ko pa dine-delete.

“Uugh” Narinig ko yung reaction niya sabay tingin sakin’. At tingin pa lang niya, alam ko na ibig sabihin niya.

“Yeahryt”  Intinding-intindi naming yung isa’t-isa. “Tara na nga lang” Sabay na kaming umuwi.

Stupid ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon