Untitled Part 7

4 0 0
                                    

Chapter 7

“Aiana!”

“Ay Kabayo!” Napaatras ako sa gulat. Magugulatin kasi talaga ‘ko. Nakasunod pala si Eli sa likuran, natapakan ko siya, at sa kasamaang palad, nawala yung balance ko, pero nagulat ulit ako sa nangyari. May humila sa kamay ko bago paman ako tuluyang madulas. Tsaka napayakap ako sa lakas ng pagkahila niya sakin’.

“Okay ka lang? Sorry nabigla kita” tiningnan niya ako.

Siya nga. Sinalo niya ‘ko?. An’baaet ni Lord! Haha.Thankyou for the gift of today po.Hahaha.

“A-aah ahm, O-Oo, okay lang” Ayan na . Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napapautal na yung pagsagot ko.

“Pasensya na ulit” tinanggal niya yung pagkakahawak niya sa beywang ko. Nakaramdam siguro siya ng hiya.

“Ah, okay lang. Hihi. Kundi dahil sayo, baka napilayan pa ko’.”

“Ahm. Hehe” naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko.

“Ahm Aiana”

“Bakit?” Nakatitig lang ako sa mukha niya. Ang gwapo niya pala kapag malapitan.

“Uhm, yu-yung kamay mo”

“Ay hala. Sorry.” Di ko namalayan, nakakapit pa rin pala ako sa batok niya. Saka dali- dali kong tinanggal.WAAAAAAAAAA! Spell NAPAHIYA? Capital A-I-A-N-A. Ang tanga ko talaga! Uggh! Lampa na nga , tanga pa.

“Okay lang”

“Uh, sorry talaga. Ah, nga pala, may kailangan ka ba sakin’? Para kasing hinintay mo kaming lumabas kanina ee.” Iniba ko agad yung atmosphere para hindi ako lalong mapahiya.

“Ahm, guys Excuse muna ah, CR lang  ako. Yan, sunod ka ah.Bye”Sabay alis nii Eli. Nakalimutan ko, magkasunod lang pala kami. Tinakasan niya yung sitwasyon.Iniwan niya ako? Walangya talaga.Hinarap ko ulit si Lem.

“Ah, wala. Gusto ko lang sana sumabay”

Ano daw? Ah Lem, pwede pakiulit yung huling sinabi mo ?Haha. Joke lang. Di naman po ako binge. Syempre gusto niyang sumabay, e ako lang naman ang kilala niya dun ee. Tutal, transferee din naman siya, Psh! Ilusyunadaaaa!

“Ah.Okay. Nga pala, ba’t ka nagtransfer?” Tanong ko. Curious lang.

“Para classmates tayo”

“HAA!? ” Ano daw?Ay nagbiro si pagmamahal. Tumalbog naman yung puso ko. Ahihi.

“Este, kasi ano. Dream ko kasi talaga tong course nato eh. Kaya pinagbutihan ko talaga yung 1st sem”

Gusto niyang maging entrepreneur tulad ko? Wala ata sa hitsura e. Hihi. Sorry po.

“Ah, talaga?Buti naman. Congrats. “

“Hmm. Thanks!”

“So ibig sabihin, classmates na tayo sa lahat ng subjects diba?” tanong ko ulit.

“Uhm parang.”

“Ah.” Bakit ‘parang’ pa?Di ba siya sure? Sana nga lahat ng subjects. Hihi. Assume assume din.

“May vacant pa tayo diba?Gusto mo kumain?”

Teka , si Lem ba talaga tong kaharap ko? Inaaya niya akong kumain?Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, anlayoo ditto sa kausap ko e.

“Ahm, busog pa ko eh” Yun oh! Nagawa ko pang tumanggi? Ano nga ba kinain ko kanina? Parang hindi nga ako nag-breakfast e.

“Busog na busog sayo.” bulong ko. WAAAAAA! Joke lang po. Hihi.

“Ano ulit?May sinasabi ka?”

“WALA!Hihi.Nagutom ako bigla, tara puntahan nalang natin si Eli.” Pag-aaya ko.Buti nalang di niya masyadong narinig.

Kumakain kami sa cafeteria ng school. The usual tambayan namin ni Eli.

“Kamusta naman kayo?” Si Lem. Parang ang weird talaga. He’s trying to make a conversation.

“Okay la..”

“Aysus!Tinanong mo pa. Okay pa sa okay noh.” Sinapawan ako ni Eli. Saka tumingin siya sakin at binigyan ako ng ‘balato mo na to sakin’ look.

“Ah, pasensya na kayo ah. I guess simula ngayon, palagi na akong makikisabay sa inyo. Kayo pa lang kasi kilala ko eh. Okay lang?”

“OO NAMAN! Ay naku. Walang problema, kami bahala sayo” Si Eli ulit.ang lakas ng boses.. Hala sige, kayo nalang mag-usap.

“Aiana, okay lang ba?” tinatanong niya ako.

“Umm, oo naman hihi” Napangiti lang ako. Like this -à ^_^

----------------------------

Stupid ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon