CHAPTER 1

87 42 26
                                    

"Maam Shalanny?May naghahanap po sa inyo sa labas. Papapasukin ko po ba?" Tanong ng Personal Assistant kong si Tramelia.

Inikot ko ang swivel chair paharap sa pinto at tinanguan si Tramelia. Maya-maya ay pumasok ang aking pinsan na si Porshè.

Anong ginagawa neto dito?

"Hi, Miss President?" Sarkastikong tanong niya. Buti naman at sanay na ako sa pagiging sarkastiko ng babaeng 'to.

"Oh?Napadalaw ka, Miss Sarkastika?" Biro ko sa kanya

"H-Hoy! Sarkastika ka d'yan? Hindi ako sarcastic, ganun lang talaga ang dating sa inyo," nag-rolled eyes pa siya.

"Nge! Ganun rin 'yon!" Tugon ko sa sinabi niya.

"Hindi nga po ganun 'yon. Psh! Sadya na akong ganun magsalita hindi pa ba kayo sanay?"

"Sanay na ako sayo 'noh?Sanay na sanay. Oh baket napadalaw ka nga?" Tanong ko.

"Timang ka! Anong dalaw?! Mukha ka bang may sakit?!" Mataray na sabi niya.

"Hindi, pero mukhang may masasaktan mamaya dahil sa katarayan,"

"Hehe joke lang, 'to naman!" Napakamot pa siya sa ulo niya.

"Napadaan lang ako para kumustahin ka. Hindi ka ba nabuburyo dito? Maghapon ka ng nakaupo d'yan sa upuang 'yan at maya't maya kang pumipirma ng mga...Tch! Ano ba 'tong mga 'to?!Papel ng mga estudyante at nilalagyan mo ng checked by?!" Napatawa ako sa sinabi niya.

"Napadaan ba talaga? If I know...miss mo lang ako eh kaya sadya kang pumunta dito," pang-aasar ko at sinundot sundot pa ang tagiliran niya.

"Nye! Ano ka?! 'Di kita miss 'noh?!May pinuntahan lang talaga ako malapit dito."

"Oh tologo bo? Sige nga, saan ka nanggaling bago ka pumunta dito?" Tanong ko at nag-iwas siya ng tingin.

Deny deny pa siya HAHAHA

"D-DYAN SA RESTAURANT SA BABA!" Sigaw niya.

"Eh baket ka naninigaw?!"

"Epal mo kasi!" Mataray na aniya.

"Weh?Ako pa ang epal? Patapon kaya kita sa Bermuda Triangle?!" Biro ko at umirap lang siya.

"Makakabalik pa rin ako for sure BWAHAHAHA. Tapos ikaw 'di na binalikan hehe!" At nang-asar pa nga amp!

"Atleast hindi na-ghost." Deretsong sabi ko, biktima kasi ito ng mga ghoster. Sabi pa nga niya, Ang taray mang-ghost eh mukha namang bulok na patatas sa palengke. O' diba? mapanlait hahaha!

"Nyenyenye!" 'Yan ganyan ang sign na pikon na siya haha.

"By the way high way, may gagawin ka mamayang gabi?" Tanong niya at napaisip naman ako.

"Sa tingin ko ay wala naman. Bakit?"

"Saan ka uuwi?"

"Sa bahay namin. Saan pa ba ako uuwi? D'yan sa bangketa?" Sarkastikong tanong ko.

"Try mo sige! Uwi ka sa bangketa, at doon ka na rin tumira!" Taray sis ah!

"Sige, basta kasama ka," tugon ko.

"Aba daw! Isang milyonarya, papayag na tumira siya sa bangketa HAHAHA. Try natin 'yon minsan sis? Magkukunwari tayong pulubi tapos dahil magaganda tayo may magkakagusto sa atin na gwapong mga lalaking mayaman tapos iuuwi tayo sa bahay nila at aayusan tapos ia-arrange marriage tayo. Hay nako! Kanonood ko 'to ng Kdrama eh HAHAHA!"

"Daldal mo pa rin. Tsk! Oh! Bakit nga tinatanong mo kung saan ako uuwi?" muling tanong ko.

"Yayayain sana kita lumabas eh, birthday party kasi nung isa kong kaibigan isama din daw kita para naman makapagenjoy ka rin 'noh! Suggest ko sana na sa bahay ka na matulog. 'Diba Sunday naman tommorow?" Pagdadaldal niya.

Kapag Linggo kasi ay hindi ako pumapasok dito sa kompanya tapos kapag weekdays naman ay pumapasok, syempre nagaaral din ako noh?! Mag-aaral ako sa umaga 7:00AM-1:00PM, tapos sa pahapon ay pumapasok ako sa opisina, hanggang gabi na 'yon 8:00PM. Oo! Sobrang hirap ng schedule ko pero keri naman. Mas matagal pa nga ang pag-stay ko dito sa opisina kesa sa University namin. Kaya ko naman.

"Hoy ano na!"

"Okay, sama ako," sagot ko at nagtatalon siya sa tuwa.

"Wushu! Ganyan ba ang hindi ako miss?HAHAHA" Biro ko at napabalik siya sa kinauupuan niya kanina.

Hindi siya showy sa mga salitang lumalabas sa bibig niya pero sobrang halata sa mga galaw hahaha. Ang hilig magdeny! Si Porshè ang pinakaclose kong pinsan, halos lahat ng secret ko alam niya. Parang kapatid ko na talaga siya. At saka isa pa, kahit kelan hindi ko naisip na pera lang ang habol niya, hindi gaya nung iba kong kamag-anak na feeling close sa akin mula nung mawala sina Mommy't Daddy.

"Hindi kita miss! Tse!"

Talaga ba Porshè???Talaga ba???

"Kfine," maikling sagot ko.

"Hala! Nagtext si Mommy, pinapauwi na ako Shalanny eh," aniya habang nakatingin sa cellphone niya. Maiiwan na naman ako sa opisinang ito. Jusko!

"Sige na. May gagawin pa rin ako eh," sabi ko.

"Okwey! Teka, kumain ka na ba?"

"Pa-fall ka ghorl?" Tanong ko at humagalpak naman siya ng tawa.

"HAHAHAHAHAHA ang cute mo doon Sha! HAHAHA!" Tawang tawa pa rin siya at nakahawak na siya sa tyan niya.

"Bago 'yan ah HAHAHA mas okay kapag 'di ka sobrang seryoso. Kapag serious ka kasi mukhang Mommy ang datingan hehe! Peace!" Biro niya.

Paano naman naging mommy ang dating noon?!

"Psh! Umuwi ka na nga, baka hanapin ka ni Tita."

"Hinanap na nga eh," mataray niyang tugon.

"Nyenye! Bye na. Text mo ako mamaya ah?Magpapahatid ako sa driver ko."

"No Need! I'll pick you up na lang. Huwag ka na umuwi pagkatapos mo dito. May damit ka naman sa bahay eh. Saka kumain ka na din kung 'di ka pa kumakain,"

"K." sagot ko.

"Ang attitude talaga!" Bulong niya na narinig ko naman.

"Sus! Dinig ko ha?" Sabi ko at umirap na naman siya at dumiretso na sa pinto. Kumaway muna siya bago magsarado ang pinto.

Haaaay!

"Mom! Dad! Nakakapagod pala yung trabaho niyo dito. Grabe! Pero kakayanin ko po ito at hindi ako magpapatalo sa mga kakompetensya ko sa negosyo." sabi ko sa isip ko at huminga ng malalim.

"I miss you so much Mom and Dad!" malungkot kong bulong at nakaramdam ako ng kaunting init na humaplos sa balat ko. Buhay naman ang aircon.

Waah! Walang ganyanan Mommy, Daddy. Miss ko kayo pero natatakot ako hehe!

Nagugutom na ako!

Tumawag ako sa mga tauhan ko at nagpadala ako ng pagkain. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na agad ang pinahanda kong pagkain.

Pasta, Chicken, Bacon at isang buong Pizza na may
kasamang Gatas at Tubig.

Yummmmmy!!

May gatas pa? Haay! Si Nay Amelia talaga, binibaby na naman ako.


Pronounciations:

Shalanny-( Sha-la-ni)
Porshè- (Por-shey)

The Guy That I Wished To HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon