CHAPTER 2

70 42 17
                                    

Tiningnan ko ang wrist watch ko at ilang minuto na lang ay makakaalis na ako.

Hay salamat!

"Miss Sha?Mauuna na po kami," paalam ng employee ko nang dumating ang alas otso.

"Hmm sige, ingat kayo."

"Sige po, salamat po." huling sabi nila at pumasok na ng elevator. At ako naman ay nag-ayos muna ng mga nakakalat kong papel sa aking table.

*1 message recieved*

From: Porshè panget

Andito na kame sa baba Miss President haha*laughing emoji*!

To: Porshè panget

K. Magpapalit lang ako ng damit.


Kumuha ako ng damit sa aking closet dito sa opisina. May closet ako dito para kapag may lakad ako at hindi na ako makakauwi pa sa bahay dito na lang ako magbibihis. Minsan, dito na rin ako natutulog dahil parang condo ko na rin ito, may bed and couch, mini kitchen, bathroom, closet, and even appliances meron din. Kapag tinatamad akong umuwi dito na lang ako nage-stay, maganda kasi ang view dito. Kita ang mga naglalakihang buildings, ilang mga park at kapag gabi amaze na amaze ako sa buong lugar kasi sobrang ganda ng mga lights galing sa mga bahay bahay. Feeling ko nasa Korea ako kapag ganun, charot haha.

"Tagal mo ha?" Bungad sa akin ni Porshè pagbukas nung driver nila ng pinto sa likod.

"Mainipin ka lang talaga. Sino nga pala ang may birthday?"

"Si Piolo, 'yung boyfriend ng kaibigan natin noong highschool. Si Cleo, tanda mo?"

"Ahhh! May communication pa pala kayo nun?"

"Oo naman! Hindi naman nawala," nakangiting pilit na sagot niya.

"Bar ba?" Tanong ko dahil hindi ko talaga alam kung saan na kami patungo.

"Yep! Okupado nila ang buong bar. Big time eh."

"Pwede bang umuwi na rin tayo agad?"

"Ano ka ba! Try to enjoy your teenage life kaya. There's no problem with that. Besides, hindi mo naman mapababayaan ang studies and work mo dahil lang nakainom ka for the second time." mahabang sagot niya.

"May kailangan akong gawin bukas eh. Baka mapuyat ako."

"Duh! I'm here kaya, I can help you with that. Tommorow is your free day, Sis! C'mon, Just for tommorow, please forget your company muna. Don't let yourself be a prisoner of that work of yours." Nakakunot noong sabi niya habang nakatingin sa bintana.

"Okay, Fine." maikling sagot ko.

"Hoy Sha?Gising na! Nandito na tayo." Nagising ako sa mahinang pagyugyog ni Porshè sa balikat ko.

Lumabas na kami ng Van at nag-make over pa muna siya bago ako hilain sa loob.

Artehan

"Be Right Bar?Anong name ng bar 'yan?" Nagtatakang tanong ko kay Porshè.

"Oo HAHA! Astig 'diba? Mas kilaka bilang BRB hehe parang Be right Back 'diba? Pero Be right Bar talaga HAHAHA!" humahalakhak niyang tugon.

Ansama ng name ng bar nila HAHAHA chos!

"You've been here before?Bakit alam mo 'yun?" Tanong ko at napakamot siya sa batok.

"Uhm yeah! Kasama ko 'yung ex-boyfriend kong mukhang bulok na patatas. Niyaya ako dito eh, edi sumama ako. Marupok ako dati eh, 'di ko matiis." Natatawang aniya.

"Don't tell me, dahil marupok ka sa kanya dati. You two did the...uhm what d'you call that?Make up? Make out? Yeah! Make out,"

"Anong make up?HAHAHA. Syempre hindi 'noh! Simula pa lang kasi alam ko na magloloko kaya hindi ko hinayaan na gawin namin 'yun. Bibigay ko lang ito sa future hubby ko hahaha!"

Harot talaga!

"Simula pa lang pala alam mo nang magloloko, bakit pinagpatuloy mo pa?"

"Mahal ko eh," maikling sagot niya na nakapagpatigil sa akin sa pagtatanong.

Iba magmahal ang Porshè haha!

Mula sa malayo ay natanaw ko si Cleo na papalapit sa amin kaya kinalabit ko ang kasama ko at tinuro si Cleo.

"Oh you're here, Porshè. Oh you too, Shalanny. Thanks for coming." Ngumiti sa akin si Cleo kaya gumanti ako ng sampal, joke haha! Ginantihan ko naman siya ng ngiting pang-Miss Universe.

"Syempre pupunta kami. Namiss ko ang gan'tong bonding natin. Sayang nga at wala si Charizia eh!" Si Charizia ay ang isa pa naming kaibigan sa high school pero tulad ko busy din siya sa business nila sa Cebu.

"Alam mo naman ang babaeng 'yon, parang si Porshè rin. Business ang inaatupag, but that's good for you two. Atleast at your ages alam niyo na kung paano magpatakbo ng negosyo. Kumusta naman, Shalanny? You look pretty na!"

And you look like a frog, ambitious frog as well.

Am i not this pretty before?Psh!

Ang happy makipagplastikan!

"I'm good! You look pretty too. Where's the birthday boy? We'll give him some gift eh." Oo may regalo din ako para sa may birthday, binilhan ako ni Porshè para pareho daw kaming may dalang regalo. Alam daw naman niya na wala akong time para bumili pa ng regalo.

"Uh yeah, thank you by the way. Nandoon nga pala sila sa VIP room, so tara?" Yaya niya at sumunkd naman kami.

"Improve your acting skills pa hehe," pang-aasar na bulong ni Porshè.

"Halata bang fake?" Sarkastikong tanong ko.

"Kinda!" Maarteng tugon niya.

"Hey girls! You made it. Come here, sit." bumungad samin ang boyfriend ni Cleo na medyo payat kaya umupo kami sa couch, sabi eh.

Gawin ba naman daw kaming aso?

'Come here sit' nyenye! Mukha kang asong hindi kumain ng isang taon!

"Sure thing! Basta kayo hahaha!" Nakangiting sabi ni Porshè.

"Happy birthdayyyy! Here's my gift." Inabot ko sa kanya ang dala ko at nginitian siya.

"Thank you!" Nilagay niya iyon sa tabi niya na may iba pang regalo.

"And..here's mine. Happiest birthday!" si Porshè

"Thank you!" Ngumiti ito.

"Uh guys! This is Porshè and Shalanny, my girlfriend's friend in high school, Girls, This is Andree, Mayko and his girlfriend Jelliane, Rio, Choy at Drew. May iba pang darating, hintayin lang natin."

"Hi?" Nginitian kami nung Jelliane at nag-abot ng kamay para sa Shake hands.

"Hello! It's nice to meet you!" Magiliw na sabi ni Porshè at pagtapos niya ay nag-abot ito ng kamay sa akin.

"Hi Shalanny?"

"Hello, it's my pleasure to meet you, Jelliane." Tugon ko at nakipag-shake hands kaya ngumiti naman siya.

Lumipas ang ilang minuto ng pagkekwentuhan, at ang iba pa ay nagsasayawan na. Dumating ang iba pa nilang kaibigan, halos lahat ay lalaki at ang ibang babae ay mukhang mga clown. Kapal ng make up eh!

Kapag merong may birthday, dapat may clown din, kaya nandito sila HAHAHAHA

The Guy That I Wished To HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon