CHAPTER 4

56 40 18
                                    

"Sorry ah?Ngayon lang dumating 'yung mga inorder naming pagkain eh!" Nakangiting sabi ni Cleo at nilapag nila sa table ang mga pagkain.

Dami ah?!

Bibitayin yata kami pagtapos nito!

"No it's okay! Hindi pa rin naman kami gutom."

Ikaw lang, ako gutom na gutom na.

"Here, kumain na kayo. Babe, call your friends na kakain na tayo." Sabi ni Cleo sa boyfriend niya.

Bale tatlong table ang occupied naming lahat dito. Kami ni Porshè ay kasama ang magjowa at yung iba pa ay sa kabilang table kasama na si Rayden dun.

"Kumusta naman ang business, Shalanny?" Tanong ni Cleo.

"Okay naman. Everything's fine with it." Ngumiti ako.

"That's great. How about you Porsh?How's life?" Bumaling siya kay Porshè

"I'm enjoying my teenage life hehe. Unlike Shalanny," Tiningnan ko si Porshè at nagpeace sign naman siya.

"Aw! You should enjoy too, Sha. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa kompanya n'yo." Nakangiting sabi ni Cleo.

"I'll try."

"Pagkatapos natin kumain, sayaw tayo?" Suhestiyon ni Cleo

"I'm in. Ewan ko lang dito sa kasama ko." Turo sa akin ni Porshè

"Dito na lang ako."

"No! Lahat tayo ay magsasaya kaya dapat kasama ka namin doon." Tinuro ni Piolo ang dance floor.

"Oo na sige na hahaha. Birthday boy na ang nagrequest eh!" Umiling ako matapos sabihin 'yon.

"So kapag kami ni Cleo ang nag-aya hindi ka papayag?" Mataray na tanong ni Porshè.

"Hindi. Kayo ba ang may birthday?!"

"Ay! Daya mo!" Si Porshè.

"HAHAHAHAHA ang lapit niyo sa isa't isa niyo?Kami kasi ng mga pinsan ko hindi nagpapansinan eh." Sabat ni Cleo habang nakatingin sa amin.

"Happy birthday to you!~"

"Happy birthday to you!~"

"Happy birthday!~"

"Happy birthday!~"

"Happy birthdaaaaay to youuuuu!"

Nabaling ang paningin ko sa mga kaibigan ni Piolo nang kumanta ang mga ito.

"Happy birthday, bro!" Sigaw nung Andree na may hawak na baso at tinutuktok ng tinidor at sunod sunod nang bumati ang lahat.

"Ginulat niyo naman kami. Salamat sa inyo!"

"Okay! Let's all dance!" Sigaw ni Cleo at nagsipagtayuan naman sila.

"Akala ko ba sasama ka?" Tanong ni Porshè at hinila ang braso ko.

"Ang dami nila dun eh! Masyadong crowded." Pagdadahilan ko dahil ayaw ko talagang sumayaw.

"Mga palusot mo Shalanny!" Sabi niya at hinila na ako nang tuluyan sa gitna.

"Wait! 'Yung purse ko!" Hinila ko siya pabalik at hindi man lang siya nadala.

"Wala namang kukuha nun, yung sakin din nandoon eh." Wala na akong takas!

"Whooooop Partyyyy!" Sigaw nung mga babaeng kasama nila habang talon ng talon.

Para kayong mga tipaklong! Tsk!

Nagsimula na ring sumayaw si Porshè kaya gumaya na din ako. Talon dito, talon doon, ganyan lang ang ginagawa ko. Hindi kasi ako sanay na magpunta sa Bar. Maya-maya ay nag-aabot na sila ng mga inumin habang nagsasayawan kaya kinuha ko na rin at uminom na lang at parang tuod na nakatayo sa gitna. Bumaling ang paningin ko kay Porshè na may kasayaw nang lalaki, ayun todo giling na rin siya. Nilingon ko si Rayden at nakita ko siya na nandoon pa rin sa katabi ng bar tender.

Madaling lumipas ang oras at palagay ko ay medyo may tama na rin ako kaya natagpuan ko na lang ang sarili kong gumigiling na rin kasabay ng iba na paniguradong lasing na din. Nakaramdam ako ng pagod kaya bumalik na lang ako sa table namin at mag-isang umupo.

"Wuhoooooo!" Naghihiyawan na sila.

"Bakit umalis ka na doon?" May biglang nagsalita sa harap ko. Nagtataka ko siyang nilingon at mukhang nakahalata naman siya na hindi ko siya kilala.

"I'm Thirdy! Thirdy Saniel. And you're Shalanny Rodriguez, right?" Sa itsura niya mukhang kaunti pa lang ang naiinom niya.

"Left."

"Huh?" Slow.

"Yep! I'm Shalanny." Maiksing pagpapakilala ko at kumuha ng isang bote at nagsalin sa wine glass.

"Hindi ka sanay uminom ano?"

"Yeah! Actually, This is the second time that i drinked." Sagot ko at tumango-tango naman siya.

"Pero ang lakas mo uminom eh kahit hindi ka sanay HAHAHA!"

Mas malakas ako sumuntok kung hindi ka pa titigil kadadaldal sakin.

"K." Maikling sagot ko saka kinuha ang cellphone ko at nagkunwaring busy.

"Hmmm! You're a silent type of girl."

"Yeah?" Tanong ko nang hindi siya nililingon.

"Bihira sa mga babae ang ganyan HAHAHA!"

Grabe naman ang Thirdy na 'to. Masyadong feeling close, ayoko sa lahat ay 'yung ganun. Sarap batukan!

"Okay!"

"HAHA I'll just go there." Tinuro niya ang lugar kung nasaan ang mga kaibigan niya." Mukhang ayaw mo ng kausap eh hehe," kumamot siya sa ulo at kumaway pa.

"Ge! Nice meeting you. I enjoyed your company." Nginitian ko siya. Pero hindi totoong ng-enjoy ako.

"Kakilig naman 'yan," kumamot siya sa batok niya matapos sabihin 'yon.

"Ha?" Sinasabi nito?

"Halabyu HAHAHA just kidding. Bye!" Umalis na din siya kaagad noong hindi ko na siya nililingon.

Halabyu!?Eh kung batukan ko kaya siya!

*TING*

Nagulat ako sa biglaang pagtunog ng messenger ko.

Zoey Montreal Kim is video chatting you on messenger

Sinagot ko ito at mukha agad ni Zoey, Friend ko, ang tumambad sa akin.

"Hi Sha! I miss you!" Tumili siya nang makita ako.

"Waeyo?" *why?*

"Anong waeyo? Syempre ma-mimiss kita, matagal pa akong makakauwi d'yan eh." Malungkot na aniya.

"Buti naman."

"Hoy anong buti naman? Hindi mo ako namiss?" Parang na siyang batang nagta-tantrums at nakapout.

"HAHAHA miss you too." Tumawa ako.

"Nasaan ka?Bakit ang ingay, nasa Bar ka ba?"

"Oo eh! Niyaya ako ni Porshè kasi birthday nung boyfriend ng kaibigan namin, si Cleo."

"Oh si Cleo? 'Yong kinukwento niyo ni Porshè sakin?"

Kami kasi ni Cleo, we're not in good terms, before. Dati kaming nagkaaway n'yan dahil inagaw ko daw ang dati niyang boyfriend. Kasalanan ko bang dikit ng dikit sa akin ang maharot niyang ex? Pero nagkabati na naman kami bago kami magkahiwalay sa highschool, lumipat kasi siya. Pero ngayon, I don't know, but i still felt the competition between us. Pati kasi sa acads. naging kakompetensya ko siya.

"Yup! How's your stay in there?" Tanong ko dahil matagal na rin siyang doon nagstay sa Korea.

Iniba ko ang usapan!

"It's fine, as well." Sagot niya at habang kumukuha ng pagkain sa Ref.

"That's good!"

Mga ilang minuto pa kaming nag-uusap nang may umupo sa upuang kaharap ko.

The Guy That I Wished To HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon