CHAPTER 5

67 39 17
                                    

Si Rayden!

"Sige na, Zoey. Ibababa ko na muna. Aayain ko na rin umuwi si Porshè." Paalam ko at kinawayan siya.

"Okay! Bye. Take care!" Aniya at binaba na.

"Why are you here...alone?" Nagsalita si Rayden.

"Dapat ba laging may kasama?" Mataray na tugon ko.

"Tss." Asik niya tapos kumuha ng bote at agad nilagok ang laman nito.

Napatitig na naman ako sa kanya habang umiinom siya.

"Hey, You're so annoying? Don't stare at me like that, baka maisip ko na pinagpapantasyahan mo ako haha," nabalik ako sa katotohanan

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa gwapong mukha niya. Napansin ko na mukhan nainis si Rayden. "Ano bang ginawa mo Sha?! Ang tanga mo!" Bulong ko habang nakatungo.

Naglakas loob akong mag-angat ng tingin sa kanya at muli kong napansin ang matipuno niyang katawan, mala Robin Padilla. Lakas ng dating!

Pwede siya ah

Pwede siya sa lalaking hinahanap ko!

'Yun ay kung papayag siya sa offer ko.

"Oops! My bad." Inartehan ko ang pagkakasabi 'nun at suminghal naman ito.

"By the way! Ano nga pala ang apelyido mo?" Tanong ko at kumunot naman ang noo niya.

Sabihin mo na! Gusto kong malaman!

"Montecillo." 'Yun lang ang sinabi niya at muling uminom.

What a coincidence!!

"I bet you're connected to Mr. Dunjeon Montecillo?" Tukoy ko sa dating bussiness partner ni Daddy. Binalak rin yata nina Daddy na mag-invest ng malaki sa negosyo nila.

I can use this, for sure.

I'll be needing him, as they needed me!

"He's my Dad." as i expected.

"That's great. Your Dad was my Dad's partner, before." Sabi ko at tumingin naman siya sa akin.

"Who are you?" Tanong niya.

Grabe naman magtanong 'to, nakakakaba.

"Shalanny....Rodriguez." Sagot ko at parang wala siyang pakeng uminom na lang ulit.

"Okay." Walang emosyong aniya.

Hanep ah!

"SHAAA!!!" Lumipat ang paningin ko kay Porshè na tumatakbo papalapit habang sumisigaw.

Pulang-pula na siya, at halatang lasing na.

"Sha! Inaantok na 'ko," papikit-pikit na sabi niya.

"Oo, at lasing ka na din. I think, we should go home," nilingon ko ang wrist watch ko.

11:36PM na, sana tulog na si Tita Miracle at Tito Roi. Paniguradong papagalitan nila si Porshè kapag nalaman na sobrang nalasing ang anak nila.

"Ayaaaw ko pa umuweeee! Sayaw pa tayo, ta--*HIK*" Sinisinok na rin siya sa sobrang kalasingan.

"No! D'yan ka lang, magpapaalam lang ako kay Cleo," paalam ko at dinaanan lang si Rayden saka pinuntahan si Cleo na halos mag-break dance na.

Nang makapagpaalam ako ay sabi nila ipapahatid na nila kami pero sabi ko ay may dala kaming sasakyan. Tinanong ako kung kaya ko daw magdrive at sabi ko naman ay may kasama kaming driver. Matapos kong kunin ang gamit namin ay inakay ko na siya palabas.

"Umayos ka nga, Porshè. Ang bigat bigat mo!" Naiinis na asik ko sa kasama ko. Nagulat ako nang lumapit sa amin ang isang kaibigan ni Piolo, si Cross ba 'yun? 'Yung nakausap ni Porshè kanina.

"Let me help you." Sa tingin ko ay kaunti lang naman ang nainom niya at hindi na ako umangal nang buhatin niya si Porshè, in a bridal style.

"Saan ba ang sasakyan n'yo?" Tanong niya kaya tinuro ko ang pinag-parkan namin kanina. Kinatok ko ang bintana at agad namang lumabas si Mang Berto nang makita kami. Inihiga nila si Porshè sa likod at hindi pa muna ako pumasok.

"Cross nga 'diba?" Tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin ako sigurado kung 'yon nga.

"Yeah." Aniya at ngumiti sa akin.

"Salamat ah?" Sabi ko at nginitian din siya.

"It's okay. Saka sabihin mo pala sa kasama mo, next time 'wag siya magsuot ng ganoong damit 'pag pupunta sa Bar," kunot noong aniya habang nakatingin sa bintana ng Van kaya tiningnan ko naman siya ng mapang-asar na tingin.

"Bakit?" Tanong niya nang mapansin iyon at umiling naman ako.

"Sasabihin ko na lang when she woke up. Sige mauna na kami. Salamat ulit, pasabi na rin sa kaibigan mo salamat sa pag-imbita." Nakangiting sabi ko.

"Sure thing." Aniya at bumalik na sa loob kaya pumasok na ako sa loob ng kotse.

Nagsimula nang magmaneho si Mang Berto at nasabi ko rin na huwag na niyang babanggitin kina Tita na ganito kalasing si Poshè at pumayag naman siya. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa kanila.

"Ako na po ang bahala, Mang Berto. Magpahinga na rin po kayo, salamat po." Nakangiting sabi ko at namaalam na rin siya.

Medyo may malay naman si Porshè kaya hindi ako nahirapan nang pag-akay sa kaniya hanggang makarating kami sa kwarto niya. Malaki naman ang kama, magkakasya kami. Dati na rin akong natulog dito eh.

Tinanggal ko ang heels niya at ganoon din ang akin. Nagpalit na muna ako ng damit, naghilamos at nagtooth brush bago humiga sa kama.

Palagay ko ay sobrang pagod at antok na ako kaya madali akong nakatulog.



Naalimpungatan ako sa malakas na kanta na nanggagaling sa kabilang kwarto, kumakanta na naman ang kapatid ni Porshè na si Shawn.

Kahit antok pa at nahihilo ay bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maghilamos at magsepilyo. Habang naghihilamos ay napatitig ako sa salamin.

Bakit sobrang pamilyar ni Rayden sakin? Pakiramdam ko hindi kagabi ang unang pagkikita namin. Have i met him before? But when and where?

Nagkaroon ba ako ng amnesia kaya nakalimutan ko?

Imposible namang nagka-amnesia ako. Tandang tanda ko pa nga noong 7 years old ako ay nahulog ako sa hagdan namin HAHAHAHA, ang daming baitang pa naman nung hagdan.

Sa lalim ng pag-iisip konay hindi ko namalayan nang pumasok si Porshè sa banyo at dumiretso sa toilet bowl, nagsusuka.

Ka-iinom mo 'yan.

"Ang sakit ng ulo ko, tangina!" Sigaw niya habang sinasabunutan ang sarili.

"Inom pa ghorl," asar ko at umirap naman s'ya.

"Tanggalin ko na kaya ulo ko 'noh? Pero panigurado mas masakit 'yon." Biro niya at nagsuka ulit.

Eeeew!

"Hoy, diring-diri? Kung uminom ka rin kasi panigurado gan'to ka din." Mataray na aniya at dumiretso sa kabilang sink para magtoothbrush.

"Uminom kaya ako. Mahina ka lang talaga pagdating sa inuman." Asar ko pa at saka s'ya iniwan.

"Gaga! Hard drinks kaya ang iniinom ko, tapos ikaw pachill-chill sa sa tabi-tabi. 'Di man lang nag-enjoy." Sabi niya habang naghihilamos.

"Dami mong sinasabi, ang sabihin mo, mahina ka kang talaga uminom." Tumawa pa ako bago lumabasa sa banyo.

"LOLO MO MAHINA UMINOM!!" Sigaw niya na rinig sa buong kabahayan.

The Guy That I Wished To HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon