"As I've said, Sir, I want to help your company grow again. I've heard that you had experienced a trouble, before? And that trouble had a big impact on your business, so you're finding a new investor. And I'm willing to be your investor, Mr. Dunjeon." Nakangiti ako habang nagpapaliwanag ng nais kong mangyari. Medyo may kaba akong nararamdaman habang kaharap ang Daddy ni Rayden, dahil sa itsura pa lamang nito ay halata ng isrikto at sanay sa pagnenegosyo.
"Willing to be an investor huh? Okay! So, What thing do you want for exchange?" Hmmm...good question.
"Your Son." Maikli kong tugon habang nakakrus ang braso.
"WHAT!? Did I just heard it right?" Halatang gulat na aniya.
"You heard it right, Sir." Kinakabahan sabi ko pero hindi ko 'yon pinahalata.
"I have 3 Sons. Sino sa kanila?" Aniya na parang pinapamigay na ang isa sa mga anak niya. Mukhang nakukumbinsi ko na siya.
"The older one."
"Ryo?" Tanong niya.
Ryo?
"What? Who's Ryo?" Halos sumigaw ako dahil ang alam ko ay si Rayden ang panganay, sino ang isang 'yon?
"Rayden Yohann." Ang weird naman neto magbigay ng nickname.
"Oh, I see! Gaya nga ng sabi ko, mag-i-invest ako kapalit ang anak n'yo. Uh! Hindi ko naman siya kukunin, If that's what you think. I want him to be my bodyguard. That's all I want. Kung hindi mangyayari ang gusto ko, Well, I'll just find a new company to be partnered with." Kalmadong sabi ko na parang nakikipag-usap lamang sa taong kaedad ko.
"Mukhang magkakalabuan tayo dito, Miss Rodriguez," Sagot niya na ikinakunot ng noo ko. And why is that?
"Have you meet Rayden already? You should meet him, baka sakaling biglang magbago ang isip mo na siya ang napili mo sa mga anak ko. Walang siyang interes sa mga bagay-bagay, ang alam lang noon ay mambabae, I think,"
"Aww! Should we cancel the investment?" Kunwaring malungkot na sabi ko. I planned this before, I sure hope it will work. Malaki ang naging problema nila sa negosyo at I don't think na kaya nilang magdecline ng ganitong offers. Sana nga lang!
"Hindi ako sigurado na kung magwo-work ang nasa isip ko, pero susubukan kong kumbinsihin si Ryo. Pero teka, You said earlier that you want him to be your bodyguard, Why is that?"
"As a daughter of Mr. and Mrs. Rodriguez, I have receiving a death threaths." 'Yon na lang ang naisagot ko. Siguro naman makukuha niya.
"You want a protector, don't you? Isn't God enough to be your protector?" Hindi ko alam kung sarkastiko siya, pero naging ganoon ang dating para sa akin.
"Of course, he's more than enough. But I want someone to protect me, physically," sagot ko at tumaas ang gilid ng labi niya.
"Oh, okay! Bakit naman si Ryo ang napili mo among my three kids. Ay! 7 years lang pala ang bunsong anak ko, my bad! Ang pangalawa ay dalawa lang ang agwat sa edad ni Rayden. Bakit si Rayden ang napili mo? Halos magkapareho lang naman sila ng katawan, mas mukha pa nga na matured ang pangalawa ko na si Leonel."
Psh! I dont think na may mas matured pa kesa kay Rayden. Ang isang 'yon, akala mo isa nang ama kung kumilos.
"Hindi ko ho kilala si Leonel," sagot ko.
"At isa pa, ang sabi ng Daddy ko sa akin noon ay matalik kayong magkaibigan kaya kung may kailangan ako, malalapitan ko kayo. Hindi natuloy ang pag-invest nila dito dahil sa nangyari kaya ako ang magtutuloy noon,"
"Matalik na magkaibigan HAHAHA! By the way, nagkakilala na nga kayo ni Ryo?"
"Yeah. Sa isang Bar. Pumapayag na ba kayo sa deal ko? Marami pa po akong kailangang gawin, kung may gusto pa kayong linawin pwede pa tayong magkita next time para doon." Pagmamadali ko dahil may kailangan pa akong asikasuhin.
"Okay, Fine. Kakausapin ko muna ang anak ko, at ia-update ko kayo. O baka papuntahin ko si Ryo sa inyo. Any of the two." Tugon niya at tiningnan ang relo, mukhang may kailangan ding gawin.
"So it's a deal?" Tanong ko habang kinukuha ang gamit sa kabilang upuan.
"Not yet a deal. Kailangan ko pang mapapayag si Ryo." Nakangiting aniya.
"Okay. Do your best, Sir. And i will do the rest." Sagot ko patungkol sa pag-i-invest.
Inabot niya ang kamay sa akin kaya kinuha ko ito at nakipagkamay.
"It's nice to finally meet you." Makahulugang aniya.
"Yeah. Thank you and I have to go. Goodbye!" Tinalikuran ko na siya at lumabas sa mamahaling restaurant.
Pumasok ako sa loob ng SUV dahil may kailangan pa akong puntahan.
"Manong, Maxuel Hospital po tayo." Sabi ko sa comoany driver namin.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan na tumingin sa likod dahil naagaw ng pansin ko ang isang BMW na kanina pa nakasunod sa amin. Bigla akong nalamig dahil doon.
"Manong, Lumiko po tayo diyan." Tinuro ko ang kanang bahagi ng kalsada.
"Pero Ma'am, hindi po ba do---" pinutol ko na ang sinasabi niya dahil mas malapit na ang BMW sa amin.
"Gawin mo na, Manong." Halos sigawan ko na siya nang humarurot ang nasa likod namin, mukhang mag-oover take.
Napunta kami sa maraming tao kaya hindi ko na nakita pa kung nasaan na 'yong sumusunod sa amin.
"Okay lang po ba kayo, Maam? Babalik na po ba tayo?" Nag-aalalang tanong ng driver nang maoansing balisa ako.
"Hindi, Manong. Tuloy po tayo." Sagot ko na lang.
"Pero--"
"Natawagan ko na po ang ilang tauhan ko. Ayos na po 'yon." Pilit kong pinakakalma ang sarili ko.
"Sige ho, Maam." Aniya at nagpatuloy na sa pagmamaneho.
*Maxuel Hospital*
"Doc. Paul? Kumusta na ang lagay niya?" Tanong ko nang maabutan ang doctor ni Kiesha sa loob ng private room niya.
"Hindi kami nakakasigurado kung kaya niyang mag-survive kung magsasagawa kami agad ng operasyon. For now, ang ginagawa lang namin ay obserbahan ang pag-flow ng dugo niya. Mahihirapan ang bata kung ooperahan namin siya nang wala ang taong gusto niyang makita. Baka magcause pa ng big problem sa puso niya." Malungkot na tugon ng doctor.
"Sige, Thank you, Doc. Kakausapin ko muna siya." Sagot ko at dumiretso sa kama ni Kiesha.
"Kiesh, Andito na ulit si Ate Lanny. Kumusta ka na?" Nakangiting tanong ko sa batang si Kiesha, siya ay ang bata na nakita kong nakahandusay sa kalye kamakailan lang, kaya dinala ko sa hospital. Sabi ng doctor ay may heart problem daw ang bata at kailangan ng matagal na observation sa katawan niya. Sadly, hindi namin mahanap ang palagi niyang hinihiling na makita, ang nanay niya. Ang tangi lang niyang nakakasama dito ay ang Tita niya na araw-araw naman siyang binabantayan at minsan ay pumapalit ang ilan niyang pinsan. Ang kwento ng Tita niya ay umalis daw ang nanay niya at gustong gusto daw ni Kiesha na hanapin ito kaya kung saan saan siya napapadpad minsan. Kaya isang araw, hindi niya nakayanan at bumigay ang katawan niya dahil sa pagod at gutom.
Sa edad niyang labing-isa ay nakakaranas na siya nang ganito klaseng pagsubok sa buhay niya. Kaya simula noong dinala ko siya dito, palagi ko na siyang dinadalaw para kumustahin. At ang lagi niyang hiling ay, sana makita na niya ang nanay niya, kapag nangyari daw 'yon papayag na siya na gawin ang operasyon.
I feel pity on her!
___
I hope you're enjoying my story!
READS, VOTES, and COMMENTS are highly appreciated!
If you have noticed some grammatical errors, typographical errors, or some other errors in this story, you're free to message me and I'll try to edit once I finish this.
Give some feedbacks, guys. Maappreciate ko 'yon, positive or negative thoughts man 'yan, I'll try to make this story a good one! Thankyousomuch!
BINABASA MO ANG
The Guy That I Wished To Have
ActionShalanny Rodriguez, only wanted to have a guy in her life who will protect her, at all cost. And then, Rayden Montecillo came into her life, not noticing that, Rayden's a playboy who likes to play a girl's heart, plays a girl's heart for a reason. H...