Jian's POV
This is my second POV and kung sa unang POV ko, masaya ako. Ngayon hindi ko alam kung masaya pa ba ako? May dapat ba akong ikasaya? Dapat bang masaya ako ngayong nalaman kong may boyfriend na si Ei. Masakit! It's like 'end of the world' yung feeling.. Wala naman akong ginawa ah.. Dahil nga ba sa wala akong ginawa kaya ganito?? Pero bakit ganun? Nauna bang nanligaw yung Mark kesa sakin? Bakit siya sinagot ni Ei? Bakit hindi sinabi sakin ni Ei na may nanliligaw na pala sa knya? Pinaasa niya lang ba ako? Ano ba?? Paano ko nalaman yung tungkol kay Ei at kay Mark?... Pero bakit sila nagbreak? A-anong dahilan? Bakit?
*Flashback..*
SUNDAY, June 23, 20**
Wala naman magawa! Ano ba yan?! Badtrip kasi, wala akong load. hindi na ko pwedeng lumabas ehh!...
*bzzt.. bzzzt..*
From: Unknown
Si Ei na daw tsaka si Mark?
Huhh?? Para sakin ba 'to? O na-wrong send lang? Pero ano daw? Si Ei?? As in si Eisha Chandrielle Sy?? Sila na ni Mark? Mark ng 3-Therese? Sure ba 'to?
*bzzzt.. bzzt..*
From: +63935*******
Nililigawan mo pa ba si Ei?
'*'*'*'*
Sila na daw ni Mark ng 3-Therese ahh..
So, sila na nga? Hindi nga namali yung unang text sakin. Pero bakit? Di ba nililigawan ko si Ei? Bakit? Bakit si Mark ang naging Boyfriend niya?
Kinabukasan.. sa school..
Pagpasok ko sa room .. Nakapalibot yung mga classmate ko malapit sa upuan niya.. Oo ni Ei.. Nasasaktan pa rin ako eh.. Maraming bakit sa utak ko ngayon.. Oo aaminin ko, may tampo ako sa kanya..
Bago ako dumating, sasagutin na ata niya yung mga tanong ng mga classmate namin pero nung nakita niya akong pumasok ng room, bigla siyang natahimik.. Naguilty siguro, pero dapat lang sa kanya yun.. Pinaasa niya ko eh..
Halos maghapon akong tahimik.. Di ko din sinagot mga tanong ng mga classmates ko. Kasi anung mapapala ko kung sagutin ko man? Mababago ba nila, na si Ei na at si Mark? Magiging kami ba pag sinagot ko mga tanong nila? Hindi naman di ba?
2nd to the last class bago mag-uwian..
Napatingin ako sa pwesto ni Ei.. Nakita ko siya.. hawak niya yung cellphone niya.. katext niya siguro yung BOYFRIEND niya.. Hayy naalala ko ganyan kami noong una, magkatext kahit anlapit lang namin sa isa't isa. Kasoo.. parang naiiyak ata si Ei. Anung nangyari? Anu kayang tinext ni Mark?
Tuloy pa rin yung klase pero hindi ako makapag-focus.. Patingin tingin ako kay Ei.. Parang wala siya sa focus.. Hindi siya nakikinig.. Natapos yung klase ng hindi siya nakinig.. Bihira para sa kanya yun lalo na subject yun ng tita niya..
Dumukdok si Ei.. Gusto ko siyang lapitan pero ayaw lumakad nung mga paa ko.. Napansin ko umiiyak na siya.. Anung gagawin ko? Pero wala akong ginawa.. Pero gusto kong malaman kung bakit? Kung anong nagyari?
Tumayo siya.. Akala ko kung san siya pupunta.. Lumipat lang pala siya ng pwesto papunta sa harap. Pero nakita ko na umiiyak siya kasi tumutulo yung luha niya habang naglalakad siya papunta sa harapan.. Tapos dumukdok ulit siya.. Sumisigaw siya habang nakadukdok parang gusto niyang magwala.. Para siyang naiinis.. Bakit kaya? Anu ba kasi laman nung text ehh?
Lumapit mga barkada niya sa kanya.. Tapos tinanong nila kung bakit..
"Anong nangyari?
"Bakit ka naiyak?"
"break na kmi." ..
" basta break na kami.." yun yung sagot niya.. Break na sila? Bakit? anong nangyari? Pero dapat di ba masaya ako? Kasi break na sila, may pag-asa na ulit ako.. Pero bakit hindi ako masaya? Siguro kasi paano ako magiging masaya kung nakikita ko siyang nahihirapan at nasasaktan.. Paano ako magiging masaya sa lagay niya ngayon.. She was so devastated.. Kailangan niya ko..
*End of Flashback..*
Ayan.. Pero hanggang ngayon hindi pa rin malinaw yung mga tanong ko.. Hayaan ko na lang.. Malalaman ko din pagdating ng panahon.. Ang mga sagot sa mga Bakit ? ko..
BINABASA MO ANG
My JUNIOR Love (ON HOLD)
Non-FictionIsa lang naman akong transferee sa school na 'yon. Incoming 3rd year student. Ayos na sana eh. Pero hindi ko inaasahan na sa paaralang iyon ko unang mararanasan ang pakiramdam ng pagiging in love. Doon ko naranasang, maging mapagbigay, mapagparaya...