Chapter Four

199 4 0
                                    

Nakatingin lang ako sa dalawa habang nag-uusap kasama sila Nanay at iba pa naming mga kamag-anak. I stared at the both of them, the man is holding Tita Beatrice's waist and he is staring at her like she is just the only person in this world, with the fact na nasa harapan pa sila ng pamilya ni Nanay at Tita. He just stared at her like she'll disappear kapag nilubayan niya ito ng tingin.

I crossed my arms on my chest while still looking at them. A smile plasters on my face when I realized something — like kailan kaya dadating iyong lalaking para sa akin? — iyong tipong 'he is the one' already. No break-ups, no complications. But I bet hindi mangyayari ang hinihiling ko. I read lots about good novels, they always show the readers that love, damands to be felt, and so does pain. It comes next when you started loving. Kasi kapag hindi ka raw nasasaktan, then there is no love in between. You are just simply, loving the idea of falling in love.

I am still staring at them when Niko called my name at nakatawag ito nang atensyon ng mga bisitang nandoon. And that includes Tita Beatrice and her lover. I gave them an awkward smile bago nilingon si Niko.

"Ate, nadumihan po ako, patulong naman sa paghubad nitong pantalon ko. Ang sakit kasi sa kamay." He uttered while raising his arms and agad naman akong lumuhod upang buksan ang pants niya.

"There," I said and I tousled her hair. "Nasaan si Kim?" I asked dahil hindi ko pa nakikita ang batang iyon mula noong nakauwi ako.

"Nasa loob po. Ayaw lumabas, pinagalitan kasi ni Tatay kanina. Inaway niya po si Thea."

I just nodded my head and agad naman akong napabuntong hininga. Iyong batang iyon talaga, inaaway lahat ng mga batang nakakasalamuha. Kaya walang naging kaibigan at palagi nalang dikit nang dikit sa kakambal niya.

Tatalikod na sana ako nang tinawag ako ni Tita Beatrice. I looked at her and she signaled me to come over but I shook my head. Wala pa nga akong bihis at naka-uniporme pa lang ako. Nakakahiya naman sa mga bisita.

Nilakihan niya naman ako ng mata habang tinuturo ang upuang nasa gilid niya lamang mismo. She kept on waving her hands to make me come and sit with them but I shook my head again. I showed her na I'm still wearing my uniform but she remained still. Gusto niya na talaga akong paupuin kasama sila.

I knotted my forehead dahil ayaw ko talaga. I need to change first before facing them. Ang dugyot ko pa and I am still wearing a green pencil skirt dahil ito ang uniform ng university namin.

Ngunit sa hindi inaasahan, lumingon iyong manliligaw ni Tita and he immediately smiled at me and muling hinarap si Tita. He said something at tinugunan naman ito ni Tita Beatrice.

Muli itong tumingin sa akin at tinawag ang pangalan ko, "Kirsten, samahan mo kami dito." Paanyaya niya. Agad naman akong napakamot sa ulo. Damn, sana pala dumiretso nalang agad ako sa loob ng bahay kanina. Ang baho ko pa naman dahil sa pawis kanina mula sa aking paglalakad.

Lumapit ako sa kanila at inisa-isang nilapitan ang lahat ng mga kamag-anak namin upang magbigay galang. Pagkatapos ay umupo ako sa bakanteng upuan sa pagitan nina Tita Beatrice at Tita Medel.

"Paano ba ang kasal na gusto mo, Beatrice?" Tanong ni Tito Erik na katabi ang asawang si Tita Mylene.

Tita Beatrice and her lover — Franco — looked at each other first before answering Tito's question. "Sa simbahan nalang eh. Para hindi na dodoble ang gastos." Tita uttered.

"Sinabihan ko nga siya, na beach wedding nalang eh total, pangarap niya talaga iyon. Pero itong kapatid niyo, ayaw pumayag." He explained. Agad namang bumungisngis sila Tito dahil kunyari pa raw si Tita Beatrice na nagtitipid eh gusto rin naman pala. Napuno siya nang pang-iinis mula sa mga kapatid niya kaya napuno ng tawa ang mesa.

Borrowing Sebastian [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon