Chapter Twenty-four

131 3 0
                                    

Maaga akong nagising at naligo upang puntahan si Sebastian sa kwarto niya. I knock three times and turn the knob to the left. Ipinasok ko muna ang ulo ko para tingnan kung natutulog pa siya o ano pero pagtingin ko, wala nang tao sa kama niya.

Asan na 'yon?

Bumalik ako sa guestroom upang tingnan ang cellphone ko kung may text na iniwan si Sebastian pero wala rin.

My lips formed a thin line while walking down the stairs and I can hear Lianne's voice talking to Tita Beatrice.

"Ma, kailangan nga!" pilit na sigaw ni Lianne habang nakasunod sa Nanay niyang naghahanda ng mesa.

"Lianne, hindi nga. Ke-bata-bata mo pa ta's sasama-sama ka sa overnight na 'yan? Naku, Lianne huh. Hindi."

I saw irritation on her face at aalis na sana sa kusina nang makasalubong niya si Tito Franco.

"Tito, ayaw akong pasamahin ni mama." Sumbong niya na nakanguso pa pero Tito Franco just tousled her hair and chuckled.

"Lianne, tama ang mama mo. Grade nine ka pa nga. Hayaan mo, kapag college ka na, papayagan ka na namin."

"But Tito, matagal pa 'yon!" she stomp her left foot at ginulo-gulo na niya ang buhok niya.

While doing it, I saw Sebastian's younger brother walks down the stairs at nakatingin sa akin. I made my poise at ningitian siya.

He smile a little pero bago pa niya ako maunahan pababa, I hold his arms at napatingin naman siya dito.

Agad ko namang binitiwan ang pagkakahawak sa kaniya. Wari ko mas malala pa 'to kay Sebastian eh. Ma-attitude.

"Ah, gusto ko lang sana itanong kung nasaan ang kuya mo?"

Lumingon-lingon siya bago sumagot. "Ewan, ngayon pa lang naman ako nakababa."

Oh.

I just nodded my head at him at nakita ko siyang pumasok sa kitchen. Sumunod naman ako sa kaniya habang patingin-tingin sa paligid.

Baka kasi nandoon lang pala si Sebastian.

Tita Beatrice greeted me and so does Lianne. I look at Tito Franco but he just gave me a timid smile.

What is his problem?

"Umupo na kayo," imbita niya sa amin. Nilingon naman niya si Lianne na nakakunot ang noong nakaupo, "Lianne, ayus-ayusin mo 'yang mukha mo. Nasa hapagkainan tayo."

Nilingon siya ni Chester — iyong nakababatang kapatid nila Sebastian — at nilagyan siya ng kanin sa plato.

"Kumain ka. Naiirita na ako sa iyo."

Napanganga naman ako sa narinig. Tita Beatrice look at me with apologetic smile so binalewala ko nalang ang dalawa. Mukha namang nakasanayan na nila ang pag-aaway eh and even Tito Franco is just looking at the both of them.

I ate my last spoon of rice at naglakas-loob na nagtanong sa kanila Tita at Tito. "Ah, Tito," I called his attention at agad naman siyang tumingin sa akin at uminom muna ng tubig.

"Hmm. Anong atin, iha?"

I played the spoon and fork on my plate at napatingin sandali kay Chester na kumakain lang, "Ah, pwede po bang mag tanong kung nasaan si Sebastian? Wala kasi siya sa kwarto niya at hindi siya nag-iwan ng text."

Mukha namang nagulat si Tita at tumingin kay Tito. I followed Tita's gaze to Tito na parang may binubulong. "His mother called him earlier, it's all about their company yata." He simply said at tumango lang ako.

Borrowing Sebastian [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon