Chapitre Un

588 283 106
                                    

Chapter One

Futility

Tinabihan ako ni Nanang sa gilid ng puno, tanaw ang di kalayuang dagat na pinangingisdaan ni Tatang.

"Nak tulala ka na naman, siguro malalim na naman ang iyong iniisip at sasakit ulit ang ulo mo."

Alam na alam na nila ang kilos at galaw ko, mga tatlong buwan pa nga lang ako dito sakanila eh.

"Nang, minsan gusto ko na lang maging tubig" sabi ko habang nakatanaw pa rin sa dagat.

"Bakit naman anak?"

"Kasi ang tubig, may pakinabang sa lahat ng bagay. Binubuhay nila tayo pero sila 'di nila tayo kailangan. Napaka independent nila sa ganoong aspeto. They are also free."

Niyakap ako ni Nanang, "Anak, huwag mong iisipin na wala kang pakinabang at mas lalong huwag mong iisipin na pabigat ka saamin ng Tatang mo kasi blessing ka saamin."

Ngumiti lamang ako, bakit ganon? I sighed at the futile thoughts.

"Nang pwede po ba akong maligo sa dagat?"

"Oo naman nak, huwag kang uuwi ng madilim ah. Magpakasaya ka" Nanang kissed my forehead then she smiled at me.

I removed my clothes leaving only my color navy blue two piece swimsuit. Siguro suot ko to noong.. huh? ewan.

I walked on the shore. Ang init ng buhangin at ang tirik ng araw.

For the three months I've stayed here, naaadopt ko na ang language and way of pananalita nila.

"Marie! Jusmiyo ang sexy mo namang babae ka!" lumapit sa'kin si..

I gave her an apologetic look.

"Oh hmm, si Pia to. Nakalimutan mo na naman, nakakatampo ka."

I just smiled slyly to her.

"Sasama ako sa pagligo mo pero samahan mo muna ako sa pagpili ng susuotin."

Pumasok kami sa bahay nila at dumiretso sa kwarto niya. Mag isa lang ata siya ngayon.

"Ano ka ba Pia maliligo lang tayo, bat kailangan mag ayos" ewan ko ba sa babaeng to.

"Syempre sissy, dadalhin kita doon malapit sa isang beach resort no. Kasi maraming AFAM doon bakla"

"Malandi ka talaga" she just winked at me.

Pinili ko yung terno niyang undergarments, wala din pala tong swimsuit. Kesa naman magsuot siya ng normal lang na bra at panty eh ang baduy tignan.

I stopped,

"May problema ba Marie?"

I sounded like a brat.
Umiling ako.

"Oh etong color red na bra at panty mo, it's perfect for your white and fair skin."

"Friend, bat ka naman nag eenglish. Di kita maintindihan" sabay tawa.

I also laugh with her but when my eyes landed on her sunblock lotion, I immediately applied some for my skin.

"Hala marie, lotion pala yan? Di ko yan magamit gamit. Padala ni mama eh, di ko alam lotion pala yan. Tsaka para saan ang lotion na yan?" i gave her the 'wtf' look.

"It is used to block the sun...?" oo yun na, para less explanation. "Sunblock, block the sun."

"Ahhh yun pala yun" tumango tango pa siya bago nag apply ng sunblock.

Lumabas na kami ng bahay nila. We go to the place that she mentioned kanina. Ngayon pa lang ako nakapunta dito.

Ang ganda at ang dami ding tao. Sobrang sikat siguro ng Resort nato.

'Hot Summer Resort' I suddenly feel like it's a song or something. Nevermind.

"Oh marie ha, hindi tayo pwedeng pumasok diyan. Dito lang tayo sa dagat at dalampasigan maghahanap ng fafabols."

Tumango lamang ako. Sobrang namangha ako sa designs ng Resort and Hotel. They also have some boats.

Hinila ako ni Pia para makaligo na.

It feels good to take a swim. Kahit sobrang init but the water is cold. It still feels good. Watching the kids with their rubber ducks and salbabida. Their nanny or their mom is there to look for them. I can see the "hot fafabols", if Pia would describe them, here.

Couples also are here, naglalandi. Pitong bilyon ang tao sa mundo, at single ako? Nakakasaya naman.

Well, I can live withouts having a partner. I guess?

Anyways, I'm just gonna appreciate the scenery here. If only I could bring my Polaroid and Sunglass, life would be so much easier.

Sinapo ko ang ulo ko, ano na naman ba tong iniisip ko.

"Marie? Masakit ba ulo mo? Uwi na ba tayo?"

"No, may naisip lang ako but I'm fine" i smiled at her.

"Sigurado ka ah, magsabi ka pag may masakit sayo."

"Okay lang ako Pia, tara racing tayo."

"Oh nanghahamon, sige ba."

Nagsimula na'kong lumangoy palayo sa mababaw na parte ng dagat.

Pansin kong wala nang sumasabay sa'kin na lumangoy.

Did she go to the deepest part?

Narinig kong parang may nag gagagalaw sa tubig. Tiningnan ko ito sa ilalim at nakita ko si Pia. Hawak hawak ang kanyang paa at nakapikit.

Dali dali akong lumangoy pababa para masagip siya, inabot ko ang kanyang kamay. Even though she's slight heavy, i still managed to get her to the shore.

Some staffs are rushing to us, also their... costumers. Nakakahiya naman.

"Ma'am, is everything okay?"

"Does she look okay to you? Help us!" i shouted.

I'm pissed at the same time scared. I pumped her chest.

"Ako na miss, Nurse ako" he looked okay though the girl beside him is shocked at pinipigilan siya. I went to Pia's foot and I massaged it while the "Nurse" is doing the CPR.

He kinda looked familiar.

Pia coughed and water comes out from her mouth.

"Pia!" niyakap ko siya ng mabuti.

"What the hell pia! I'm so scared, I should have not announced that racing thingy" she just laughed.

"Ano ka ba, wala akong maintindihan sa sinasabi mo."

Pansin kong marami paring tao ang nakapaligid saamin.

"What? Go already, this is not some kind of drama you should watch all day. Mind your own business--" tinakpan ni Pia ang bibig ko.

"Maraming salamat po sa pag aalala at sorry po sa abala. Oh at maraming salamat po Sir---" lumingon si Pia sa lalaking nag CPR sakanya. Yes. I know what will happen next.

"Sir, maraming salamat po. Huhu, Sir hulog ka ng langit. Ah, kargahin moko Sir" niyakap niya lang naman yung lalaki not minding his girlfriend.

"It's okay Miss" he laughed.

Congrats Pia, u have a lovelife now. Love triangle nga lang.

"I'm really sorry for her behavior, she's just so thankful and... a flirt. Anyways, we'll go now. Pia halika na"

"Oh you're not from here? I mean you're not staying at the resort?"

Hinila ko na si Pia, feel ko isusumbong niya kami kaya kinurot ko na si Pia at dali daling umalis sa harapan ng lalaking yon. Naririnig ko pa nga ang sigaw ng girlfriend niya 'Why are you ignoring me infront of them?!'

Behind What Seems (Completed)Where stories live. Discover now