Chapitre Cinq

352 216 51
                                    

Chapter Five

Mourn

"Jonas, baka ika'y nagugutom. Bibilhan kita ng pagkain ah, bantayan mo muna si Marie" Nang? Bakit? Bakit mo'ko iiwan sa lalaking to? Nakakatakot siya Nang. Maawa ka.

"Thank you po nay" umupo siya sa upuan na nasa gilid ko.

My gaze is at the ceiling. Ayokong tumingin kahit saan. Ayoko din magsalita. Baka kasi pagagalitan ako ng lalaking to.

Bakit nga ba ako takot sakanya? Eh okay naman siya kanina ah. His aura, there's something in it.

"How did you know that your name is Marie?"

With my eyes stayed on the ceiling, I answered. "Sabi ni Nanang, may nakita daw sila sa wallet na hawak hawak ko. There's a name written on it"

"And is it Marie? Where's the wallet?"

"Hmm, ang nabasa lang talaga is 'Mari'. Walang E sa dulo pero ang nilagay na nila sa mga papers is may E na. Yung wallet naman, ewan ko baka nasa kwarto ko lang."

Biglang bumukas ang pinto. We looked at Kuya Eric. He looks like he's been chased by a lion.

"What happened? Ang bilis niyo namang makabalik pa?"

"Si Tiyo Roberto.."

"Anong nangyari kay Tatang?" bahagya kong iniangat ang katawan ko. Inalalayan naman ako ni Jonas.

"Pag dating namin sa bahay, maraming tao ang nakaabang doon pati na din sa may dalampasigan. Nalunod daw si Tiyo Roberto kanina pa, nagpalutang lutang na lang daw ito sa tubig" napatakip ako ng bibig sa narinig.

"Oh Marie, anak kantahan mo nga ako. Malay mo maganda pala boses mo, pang Tawag ng Tanghalan"

"Marie, anak paturo naman ng mga Ingles para dagdag pogi points sa Nanang mong masungit"

"Kahit hindi ka namin tunay na anak, mahal na mahal ka namin Marie. Tandaan mo yan ah"

"Lalabas na'ko dito" pinipigilan ako ni Jonas. "Ano ba?! Bitawan mo'ko gusto kong puntahan ang Tatang ko"

"You're not allowed to go out."

"Wala akong pake, palabasin mo'ko dito."

He hugged me. I cried.

"Oh anong nangyayari dito? Bumalik lang ako kasi kulang pala ang pera ko. May masakit ba anak?" napatingin si Nanang kay Kuya Eric. "Oh Eric, ang bilis mo namang bumalik. Tsaka ikaw lang? Saan si Roberto."

Humagulgol ako. Nang, si Tatang. Wala na si Tatang.

"Tiya.."

Huwag mong sasabihin!

"Nalunod daw po si Tiyo kanina."

Nabitawan ni Nanang ang bitbit niyang pitaka.

Nang, ang puso mo.

Biglang natumba si Nanang na nakahawak sa dibdib niya.

No..

Nilapitan agad siya ni Kuya.

"Jonas! Help Nanang" saka pa lamang niya pinuntahan si Nanang.

Ano bang nangyayari?

"Tulong! Nurse! Doc!"

Isa isang pumasok ang Nurse at Doctor.

Napasandal ako sa hinihigaan ko. Nanghihina ako sa mga pangyayari. Bakit parang ang bilis naman ata? Bakit kinuha agad saakin? Sila na lang ang meron ako.

Behind What Seems (Completed)Where stories live. Discover now