Chapitre Quatre

363 227 48
                                    

Chapter Four

Behind

Iniuwi nako ni Jonas sa bahay. Naabutan ko si Nanang na humahangos parin dulot ng kakaiyak.

I feel bad. I am bad.

"Nang," I hugged her. "I'm very sorry. Nadala lang po ako. Hindi ko po kasi maintindihan ang lahat. Patawarin mo po ako."

She hugged me back. "Saan ka ba galing? Kanina pa ako nag aalala sa'yo, akala ko nawala ka na eh di mo naman kabisado ang lugar namin. Buti nakabalik ka"

"Nang, gusto kong malaman ang lahat. Ikwento niyo po" bumuntong hininga siya.

"Tabihan mo'ko."

Tinabihan ko si Nanang.

"Diba sabi ko nakita ka namin sa bangka? Dalawang taon na ang nakalipas anak nang mangyari yun" alam ko nakikinig na din sila saamin pero wala akong pake.

"Isinugod ka kaagad namin sa hospital. Kasi hindi ka naman gumigising anak eh, natataranta na rin ako at ang Tatang mo" napapaisip ako, 2 years ago yun.

What if mas matagal pa pala ako nagpalutang lutang sa dagat? Nakakatakot at nakakaawa naman self.

"Tinignan ka ng Doctor, nakita doon na naaksidente ka. Nabagok ang ulo mo kaya ka walang malay sa bangka. Natuyo na din ang dugo sa utak mo, himala nga daw at tumutugon pa din ang katawan mo. Kinakaya ang pangyayari" gusto kong mag hysterical. Umiyak lang ako habang nakikinig kay Nanang.

"Alam mo nak, wala naman talaga kaming pera eh. Mahirap lang kami tapos isa't kalahating taon kang natutulog doon sa hospital. Hindi kakayanin ng konsensya namin na may mangyaring masama sayo kaya ginawa namin lahat. Ibinenta namin ang mga bagay na may pakinabang pa."

"Hindi niyo naman po kailangang gawin yun Nang."

"Huwag mo nang alalahanin yon, ano ka ba. Tsaka wala naman kaming mapagbibilinan ng gamit namin pag nawala kami. Mabait din yung Doctor mo kasi tumulong din siya sa pagbabayad" malaki na ang nasakripisyo nila para saakin.

"Sabi ng Doctor dapat daw buwan buwan kang tignan para makita kung may pagbabago ba, masama or mabuti man anak dapat matignan pa rin iyan" wala tayong pera Nang, tama na.

"Tiya Ester, sagot na ho namin ang pagpapa check up kay Marie" sabi ni Kuya Eric.

"Po? Nakakahiya po. I'll work na lang para kumita ng pera pampatingin po."

"It's fine Marie, don't argue" sabi ni Jonas.

I looked at him with my eyebrows furrowed. What is wrong with this guy?

Bigla naman akong niyakap ng kambal. Nakita ko din na umiiyak si Joanna sa tabi ng magulang niya.

"Ang sweet niyo naman Jonah at Noah, kung may kapatid ako gusto ko din kambal" I hugged them both.

"Joanna? Halika ba't ka umiiyak?"

"It's nothing, don't mind me" I shrugged it off. Baka din naman kasi na hindi yon para sa'kin.

"Jonah, Noah baka hindi na makahinga ang Ate Marie niyo" pagsusuway ni Jonas.

"No, it's fine. I like kids"

"You sure do like kids.." I looked at Jonas. It's a whisper and I'm not sure what I just heard.

"Pinapasakit mo naman ulo ko Jonas" pagbibiro ko.

"Then we'll have to go to the Doctor right now."

"Then we'll have to go to the Doctor right now, let's see if she or he's healthy"

Nahihilo ako, ang dami dami kong iniisip. Binitawan na ako ng kambal. 

Darkness reigns.

Nang magising ako, napansin kong di pamilyar ang silid na ito.

Eto siguro ang Hospital? 'Wow nagka amnesia lang naging ignorante na'

Kompleto ang lahat bukod kay Tatang at kasama na si Pia.

Siya agad ang unang nakapansin sa paggising ko.

"Friend ano ka ba! Tinakot mo naman ako eh, mas nakakatakot pa to kesa dun sa muntikan kong pagkalunod"

"Kuya si Ate Marie" pag anunsyo ni Joanna.

"Ate Marie!" dinumog agad ako ng kambal. Hindi na nakalapit si Jonas kaya nginitian niya lamang ako.

"May I come in?" ito siguro yung Doctor na nagchecheck sa'kin.

"Hi Marie, how are you?"

"I'm okay, I guess" I don't even know.

"Hmm don't be so gloomy, today is a beautiful day. Beautiful like you. Isn't it people?" madaldal pala tong Doctor na to.

"Lols joke. Anyways, Marie, I know madalas na sumasakit ang ulo mo. Oops huwag mo na ideny, kasi nakikita ko rin naman eh" Doc? Tubig gusto mo? Baka kasi gusto mong malunod.

"So yun nga po, ang nadagdag lang talaga is ang pagiging mas madalas na pagsakit ng ulo niya. Which is good and also bad. Good kasi baka she's remembering something or maybe may natitrigger kaya paunti unti may naaninag siya kahit papaano. Bad naman kasi nakakasama sakanya, Why? It's because even though she's progressing, the progress she's been making is also hurting her. Maaaring magdugo ulit ang mga sugat sa ulo niya, nalinis naman natin yung sugat niya diba Nay Ester?" tumango naman si Nanang.

Ang taas ng sinabi ni Doc, hindi ba nanunuyo lalamunan nito.

"Yun lamang po at maraming salamat. If you have questions just go to my office. Have a good day!" habang palabas si Doc eh kumakanta pa ito ng "lalalala" parang bata.

"Friend, ano daw?" tumawa ako sa sinabi ni Pia. Ang haba ng sinabi niya di ko na masummarize.

"Nang, si Tatang?"

"Kinakabahan nga din ako dahil diyan sa Tatang mo eh sobrang tagal niyang nakauwi. Baka may nangyari nang masama doon oh baka di niya nabasa yung sulat sa lamesa, mag isa lang yun doon sa bahay nak"

"Relax po Tiya, uuwi na lang kami ni Angel kasama ng mga bata. Kukuha din kami ng mga gamit, check na din namin si Tiyo Roberto" ang babait niyo naman.

"No, I'll stay po... pa. Pakidala na lang ng mga gamit ko Joanna. Jonah at Noah, bawal mga bata dito"

"Eh kuya, gusto namin kay Ate Marie"
"Oo nga kuya, ang damot mo naman"

"Makinig kayo sa Kuya niyo, inaalala lang niya ang health niyo. Tsaka lalabas naman na ako bukas" I patted their heads. I wish I have siblings.

Kahit na umaangal ay sumama na lang ang kambal kasama si Joanna sa mga magulang nila. Sumama na rin pauwi si Pia para makapagpahinga, hindi din daw siya kasi nakapagpaalam sa Tatay niya.

"Kumain ka muna nak, nagugutom ka ba?"

Umiling ako. Wala akong gana.

"Aba hindi ako papayag, kakain ka. Halika susuboan ka ni Nanang" kahit na feeling ko ang malas ko sa pamilya ko, ang swerte swerte ko naman sa bagong pamilya na kumupkop sa'kin.

"Salamat po Nang ah, babawi po ako sainyo."

"Ay huwag mo nang isipin yan. Tinuturing ka naming anak ng Tatang mo kasi wala kaming anak. Hindi kami magkaanak eh" kaya pala. Sobrang mahal nila ako. Kahit tulog ako noon, inaalagan nila ako. Panigurado.

Habang sinusuboan ako ni Nanang, nahihiya naman akong tumingin kay Jonas kasi puro titig siya habang nakatayo sa sulok.

He looks like slenderman. Is he older than me?

Behind What Seems (Completed)Where stories live. Discover now