Chapter Three
Comfort
"I love you..."
I can hear Tatang's rooster waking me up. Nagsisilbi talaga itong alarm clock namin sa umaga. I love you? Who said that?
Inayos ko ang aking sarili bago lumabas, who knows baka mapahiya na naman ako sa kadugyotan ng mukha ko.
Paglabas ko, wala na si Tatang at si Nanang ang kasama ng mag asawa ang kanyang kasama na nangangape. Pansin ko rin si Jonas na nakaupo sa makalumang sofa habang nakatitig sa sahig.
Tumikhim ako, "Magandang Umaga po Nanang, Kuya Eric at Ate Angel" tinignan ko din si Jonas at binati.
Tinitiginan niya lamang ako. What is it? Oh God, don't tell me I look like a mess.
Nanghilamos ako sa banyo at hindi ko talaga tinigilan na hilamosin ang mukha ko ng hindi ako ma satisfied.
"Anak? 'Di ka pa ba tapos riyan? Mag aagahan na tayo" Nang no, I don't want to go out.
Relax Marie, it's fine. Ang OA mo naman ata. Huwag ka na lang magsalita.
"Oh Marie, basang basa ang damit mo ah. Magpalit ka kaya muna" si Ate Angel.
"Ay nanghilamos po kasi ako tapos di ko nadala ang towel ko" huwag niyo kong kakausapin please lang.
Inabotan ako ni Jonas ng towel. Tinitiginan ko muna ito bago tinanggap at ipinunas sa mukha.
"Uy si kuya nagbibinata" sabay ulit ang kambal. May script siguro tong mga 'to.
"Shut up" ani ni Jonas at pinanlakihan ng mata ang kambal.
"Nilalakihan mo naman yang mata mo eh, ang liit liit nga niyan" pambabara ko kay...
I laughed. Suddenly, all eyes are on me. Pati si Nanang.
"Bakit po Ate Marie?" si Joanna.
Hindi ko siya pinansin, "Nang, may bigla po akong naalala."
"Ano iyon anak?" hindi ko maipaliwanag. Ano ba yon?
"Hindi ko alam Nang, hindi masakit sa ulo pero masakit sa dibdib. Para bang sobrang lapit saakin ang taong nagsabi non"
Naiiyak ako. Ano ba 'to? Ang sakit. Ang sakit sakit sa dibdib na walang maalala. Feeling ko hindi ako tao. Walang saysay na ang pamumuhay ko. Bakit? Bakit kailangang mangyari to? Masama ba akong tao? Hindi ba ako naging mabuting anak? Kumusta na kaya ang mga magulang ko? Kung meron man ako non. Sana nag aalala sila saakin.
"Marie!" pinunasan ni Nanang ang mga luhang tumakas sa mga mata ko.
"Anong nangyari sa'yo Marie? Pwede ka bang magkwento?" umupo nako para kumain.
"A-ano po k-kasi..."
"Ako na anak" pag boboluntaryo ni Nanang.
"May Amnesia kasi itong si Marie, nakakaawa nga 'tong batang to noong unang nakita namin to" hindi ko pa din mapigilang umiyak.
"Palutang lutang lang to sa dagat, habang nakahandusay sa loob ng bangka. Buti nga't hindi to nahulog sa mga alon ng tubig."
Tinitiginan ko ang platong nakahanda sa harapan ko. Alam kong nakatitig pa rin sila saakin, pero yung titig nila hindi yung titig na hinuhusgahan ka. Ito yung titig na may kasamang pagmamahal, ang sarap sa pakiramdam... pero mas nagwawagi ang pag aalala nila. Lalo na't alam na nila ang kwento ko.
"Kailan niyo po siya nakita?" pagtatanong ni Kuya Eric.
Tumingin muna saakin si Nanang, parang nag aalinlangan na sagutin ang tanong ni Kuya.
"Dalawang taon na ang nakalipas" para akong nabingi. Nawalan ng pag-asa.
"Po?" dalawang taon? tatlong buwan pa nga noong huling...
Napatakip ako sa bibig ko,
...gising ko.
"Nagkakamali ka po Nang, tatlong buwan pa. Tatlong buwan ko pa nga lang ginagawa ang araw araw na pagtingin sa mga diyaryo diba? Huwag kang ganyan Nang" tumayo ako at lumabas sa bahay.
Tumakbo ako ng tumakbo, kahit na sumasabay na saakin ang mga buhangin wala akong pake basta tatakbo ako ng tatakbo.
Dalawang taon? Hindi pa din ako nahahanap? Dalawang taon na ang nakalipas ni wala man lang nagbubuwis ng buhay para mahanap ako? Anong ginawa ko sa dalawang taon? Natulog lang?
Humahagulgol na ako dito sa ilalim ng puno. Napakasakit. Nakakagalit.
Am I not that important?
Sinasaktan ko na sarili ko. Sinusuntok ko ulo ko. Slapped my face.
Stupid me, walang maalala. You're nothing but a mere dead woman.
"Are you okay?"
Di ko na kailangang lumingon para tignan kung sino yon.
I know it's him. It's always him. I've known every inch of him. It's on my mind and heart.
"Jonas" tumayo ako. Pumunta siya sa harapan ko, he's towering over me. He's so tall. How did he find me? Ang layo na nga ng natakbo ko.
He didn't respond. "Do we know each other?"
He stared at me. I'm hoping he'll say yes.
He smiled. Maybe yes?
"No, sorry." it made my heart hurts.
"Oh okay." bumalik ulit ako sa pagkakaupo.
"Bakit ka biglang lumabas? Hindi mo ba alam na dalawang taon kanang andito?" umiling ako. Syempre, magugulat ba ako kung alam ko.
"Pagkagising ko kasi nasa hospital ako. Si Nanang at Tatang ang unang nakita ko. Nagtaka nga ako kung sino sila. They said, I will not remember everything temporarily and also they said na nakita lang daw nila ako sa dagat. Di ko naman akalain, mahigit dalawang taon na'kong natutulog" I fake laughed.
"Ano bang naiisip mo?"
I just shrugged. Ewan. Wala.
"I don't know what you're going through but your Nanang and Tatang will always be there for you. She's crying when you walk out of the house. Trust me, magiging okay din ang lahat."
"Diyos ka ba? Hindi naman natin alam ang mangyayari sa susunod. Matanda na sila, natatakot ako baka pag gising ko wala na sila. Mag isa na ulit ako."
"Hmm, let's see. Tsaka ano ka ba, ang strong nga nila eh. Hindi ka nila iiwan hanggat hindi nagiging maayos ang lahat."
"Kung mawawala din naman sila pag okay na'ko, wag na lang" napamahal na din sila saakin.
"Hays, edi both. Magiging okay ka at okay din sila. Goods?" nag thumbs up pa siya.
"Goods yan babe!" he said while raising his thumb.
"Oh ang berigud naman ng baby ko, keep it up babe"
"Ang corny niyo ate"
Napahawak ako sa ulo ko. Hinawakan ako ni Jonas. I hear him cursed.
"Are you okay? What happened? Did I say something wrong?"
Bakit ganon? Hindi naman pala kami magkakilala pero bakit parang ang dami naming alaala?
YOU ARE READING
Behind What Seems (Completed)
عاطفيةJewel Amari Arcias lost in the place she's not familiar with. Nobody knows her and she became a nobody. She's longing for care from a family. She feels empty but then they completed her. Even if she's in pain, they are always taking her pain away. O...