Chapter 6- Calm

11 3 0
                                    

His POV.

Mag-iisang linggo na simula nung dumating sa buhay ko ang baliw na si Alexis at mag-iisang linggo na ring sira ang buhay ko. Pano ko nasabi? Inaraw-araw niya ang pambubulabog sa mahimbing kong pagtulog tuwing madaling araw dahil gutom siya, taga sunod ako at ginawang tagaligpit ng kalat ng mga pinagkainan niya, tuwing trabaho naman ay di niya ako kinikibo kaya medyo ligtas sko pero laging nakasunod yung mata niys sakin. Sinusundan niya ako kahit san ako magpunta and everytime nag-aatemp akong iligtas ang kung sino man ay bigla-bigla nalang siyang sumusulpot at hinihila ako sa kung saan niya maisipang pumunta, kagaya nalang ngayon.

"Ano ba Alexis bitiwan mo ako. Kawawa naman yung ali pag hindi ko siya tinulungan."

Hila-hila ako ngayon ni Alexis upang hindi ko masundan at mailigtas ang aling nahawakan ko kanina. It was a terrible death para sa kagaya niya, tinambangan siya ng isang lalaki at pinagsasaksak kaya gusto ko sana itomg tulungan pero biglang sumulpot si Alexis at hinila ako.

"Mas maawa ka samin Chance nagugulo kami ng dahil sayo."

"Sino ba kasing kayo ang tinutukoy mo hah?"

"Kami, yung poniraryang sinasabi mo hahahahaha."

"Ano ba Alexis hindi ka na nakakatuwa hah,"

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at agad akong naglakad pabalik dun sa Aling sinusundan ko kanikanina lanf. Akala ko ay tuluyan na akong tinantanan ng baliw na babaeng yun dahil makakailang hakbang na rin ako pero nagulat ako ng bigla ko nalang narinig ang mga hikbi nito na agad nakapukaw sa attensyon ng maraming tao sa paligid namin.

"Ang sama-sama mong lalaki ka 'snf' gusto lang namang naming makasama ka ng magiging anak natin pero bat ayaw mo? 'Snf' dahil ba sa babae mo Chance? 'Snf' mas maganda ba siya o di kaya'y mas bata? 'Snf' da-dahil ba buntis ako at pangit na ako tignan kaya basta-basta mo nalang ako iiwan at ipagpapalit 'snf'."

Napatingin ako sa mga tao na ngayon ay nakapaligid samin at nagbubulong-bulang dahil sa tindi ng pag-arte nitong babaeng to kaya nasapo ko nalang ang noo ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakaupo na ito sa kinatatayuan niya kanina at nag-iiyak.

'Sayang, ang gwapo pa naman nung lalaki pero napakairesponsable.'

'Kawawa naman si ate, kung ako sakanya iiwan ko nalang yung walang hiyang lalaking yan.'

'Ang sama-sama niya. Hindi siya bagay na maging ama.'

'At nagawa pa talagang mangaliwa kahit na nakabuntis na.'

Dinig na dinig ko ang pangungutya ng mga tao kaya wala akong magawa kundi ang sabayan ang trip nitong babaeng to upang maisalba ang imahe ko.

Lagot ka talaga sakin Alexis, pahirap ka talaga sa buhay ko.

"Ilang ulit ko ba dapat sabihin na mahal kita at wala akong babae? Ang hirap sayo kunting galaw ko lang binigbigyan mo na agad ng kahulugan. Mahal kita at ang magiging anak natin kaya lang hindi ko naman kaya yung pagiging demanding mo. Kailangan ko lang naman dumistansya muna upang pakahinga at makapag isip-isip pero iniisip mo na agad na may babae ako. Ano ba talaga ang dapat kong gawin para maniwala kang ikaw lang talaga?"

Natawa ako sa itsura ngayon ni Alexis, gulat na gulat ito sa ginawa ko. Hindi ito gumalaw kaya lumakad ako papalapit sa kanya at bahagyang umupo para makapantay siya saka ko siya inakap bago binulungan.

"Wag mo na tong uulitin dahil hindi na nakakatuwa Alexis."

Pagkatapos nun ay kinalas ko ang mga braso ko sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya habang sjya ay nakatitig parin sakin at hindi parin makapaniwala sa ginawa ko.

Stuck With An Evil Guardian Where stories live. Discover now