Chapter 2- You're my What?

23 4 1
                                    

Her POV

"ANO NA NAMANG NANGYARI HAH. ANG DAMI NIYO DUN PERO WALA MAN LANG KAYONG NADALA NI ISA SA HARAP KO."

Umalingawngaw ang tinig ni Manager Oh sa loob ng silid kung saan kami nagtipon-tipon dahil sa nangyari. Malaking gulo ang ginawa ng lalaking yun sa trabaho namin kaya ganun na lamang ang galit ni Manager Oh sa amin.

"Wag niyong sabihin sa akin na si Chance Colminares na naman ang dahilan. SIYA NA NAMAN BA?"

Walang sumagot saamin pero dinig ko ang mga bulong ng kasamahan ko ng banggitin ang pangalan ng pakialamerong lalaking yun. Kunti lang saamin ang nakakaalam sa pangingialam ng mortal na yun. Pawang mga nakatataas lang, pero dahil sa nangyari naging tanlad ang pangalan ng pangahas na mortal na yun.

"Magpapadala na ba tayo ng tao para iligpit siya?"

Gusto ko sanang marinig na umoo si Manager Oh sa tanong ng isa sa mga nakatataas pero gaya ng inaasahan ay tumanggi ito

"Hindi natin kuntrolado ang buhay at kamatayan ng isang tao, kaya hindi natin siya maaring galawin"

Patamad kong tinitigan ang reaction ng mga kasamahan ko habang nakikinig lamang sa isang sulok. Ayoko makialam kahit na may karapatan pa ako dahil pareho lang din naman ang gusto kong mangyari sa tinanggihang payo ni Manager Oh.

"Oo naiintindihan namin na hindi natin pwedeng galawin ang buhay ng mga taong humihinga pa, pero kailangan na tayong gumawa ng aksyon. Hindi na natin pwedeng palagpasin ang ginawa ng mortal na yan. Kung tutuusin ay nararapat lamang na kamatayan ang ipataw sa kanya."

Marami ang sumang-ayon sa tinuran ng aming kasamahan at maging ako ay sang-ayon dito.

"Wala yan trabaho natin. Wag kayong mag-alala, may naisip na akong hakbang upang maisaayos ito. Hindi magiging madali ang gagawin natin sa mga susunod na araw dahil sa pagkagulo ng schedules natin kaya kailangang doblehin natin ang ating sipag ngayon. Ikaw naman Alexis, sumunod ka sa akin at may ipapagawa ako sayo."

Nagulat ako sa pagturo niya sakin pero sumunod na lamang ako sa kanya. Kung ano man ang ipapagawa niya sakin, alam kung tungkol ito sa mortal na yun.

Gusto kong ngumiti sa mga posibilidad na namumuo sa aking isip ngunit nanatiling walang expresyon ang mukha ko.

Wait for me Mr. Colminares. I' m ready to hunt you down.

---

His POV.

"Alam mo bro hindi ko alam kung anong meron at bakit nagpapakabayani ka."

Tinignan ko si Chase habang kampante itong nakaupo sa tapat ko.

"I also don't know what's in me pero kilala mo naman ako Chase. I-"

"Hindi mo maatim na may buhay na napapahamak gayung alam mo naman na may magagawa ka."

"Exactly, tao lang ako Chase. Nakokonsensya rin ako."

"That's it bro. Ikaw na rin ang nagsabi na tao kalang. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong makialam sa buhay ng iba Chance, hindi ka Diyos."

"Kung ikaw ang nasa kalagayan ko I'm sure na gagawin mo rin ang ginawa ko."

"Buti nalang at wala ako sa kalagayan mo. Pero pano na yan.? Your jobless again."

"Tutulungan mo naman ako hindi ba? Saka kunti nalang matatapos ko na rin ang pag-aaral ko. After that makakakuha na rin ako ng disenteng trabaho."
Tinitigan ko ang basong hawak ko ngayon bago tinungga ang alak na laman nito.

"Bakit ba kasi ayaw mong bumalik nalang sa inyo hah? Edi sana hindi kana naghaharap ng trabaho para lang makapag-aral hindi ba."

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya kaya bahagya itong natawa.

Stuck With An Evil Guardian Where stories live. Discover now