Chapter 17- Selfless Love

5 1 0
                                    

His POV.

"What did you just say? Hindi kay Akiella galing yung mga letters na natatanggap mo dati? Pero nakita mo siya na maglalagay sana ulit ng sulat. Pano nangyaring hindi siya yun."

"Dahil may pangalan yung mga sulat na natanggap ko sa loob mismo ng envelope, y-yung hawak lang ni Akiella that time ang naiiba."

"Wow just wow, all this time mali pala yung akala mo. So sino yung sender?"

Matamlay ko siyang tinignan bago ininom ng diretso ang alak na nasa bote.

"Si Alexis, si Alexis yung sender Chase. Noon ko pa pala siya nakakasama at hindi ko man lang yun napansin. At ang masaklap pa ay nakatakda pala akong ikasal sa kanya pero tinakasan ko yun. Ang gago ko pre, matagal ko na pala siyang nasasaktan ng hindi ko man lang nalalaman."

Naiyukom ko ang sariling mga kamay habang nakatingin lamang sa akin si Chase. Naikwento ko sa kanya ang tungkol sa nalaman ko maliban na nga lang sa patay na si Alexis at yung nakasama kong Alexis ay isang Grim Reaper.

"Wait, sabi mo laging nakasunod sayo yung sender na yun which is si Alexis. Kaya pala pamilyar siya kasi nakita ko na siya dati. Oo tama natatandaan ko na. Nung gabing naglasing ka dahil nag-away kayo ni Akiella andun siya. Nabigla nga ako dahil bigla nalang siyang sumulpot at nag-offer ng tulong para dalhin ka sa sasakyan but you grab her arms and kiss her. You even called her Akiella."
Naistatwa ako sa kinauupuan ko ng marinig ko yun.

"I thought namamalikmata lang ako nung makita kong may pumatak na luha sa mata niya dahil lasing ako nun. P-pero baka hindi, baka talagang umiiyak siya nun."

Pabagsak kong inilagay ang boteng hawak ko sa mesa bago tumayo. Agad na umikot ang paningin ko dahil sa kalasingan pero isinantabi ko ito..

"I need to find her Chase. I need to find my Alexis."

---

Her POV.

Tulala akong napatingin sa puntod kung saan ko nakita si Chance kahapon at yung babaeng nagngangalang Sofia. Ang bigat pala sa pakiramdam habang nakatingin sa sarili mong libingan. Ipinapaalala nito sakin na patay na talaga ako.

"Kahapon ka pa andito ah. Hindi mo ba babantayan si Chance?"

Manager Oh suddenly appear beside me while holding a bouquet of flowers and place it above my grave.

"His fine now."

"Ayos nga ba talaga siya? Eh ikaw okay ka rin ba?"

"To tell you prankly Manager I'm not okay. Masaya naman ako sa trabaho ko dati eh, nag-eenjoy ako sa ginagawa ko at ang gaan sa pakiramdam na naihahalid ko ang mga kaluluwa sa itaas. I did my job well dahil baka pagginawa ko yun paakyatin na rin niya ako dun. But right now, all I wanna do is to stay beside him."

"Just like when you were living? Yung manatili sa tabi niya nang hindi niya nalalaman?"

Binalingan ko siya ng tingin at nakita kong seryoso itong nakatingin sa puntod ko.

"Ang manatili sa tabi niya, alam niya man yun o hindi."

"Pero alam mong hindi yan pwede hindi ba? After this day matatapos na ang misyon mo. Babalik ka na sa dati, well not totally kasi may naaalala kana."

"Alam ko po."

"What if ipapasundo ko si Chance sayo ngayon?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Hindi ko maibuka ang aking bibig at tila ba panandalian akong kinapusan ng hininga.

"As expected ganyan ang magiging reaksyon mo."

Hindi ako makasagot ni makatingin sa kanya ng diresto, namalayan ko nalang na naglalakad na ito papalayo sakin kaya agad ko siyang hinabol.

Stuck With An Evil Guardian Where stories live. Discover now