Prologue

107 11 36
                                    

Her POV

Bahagya kong tinignan ang aking relo habang nilalaro ko ang aking mga daliri sa ibabaw ng manobela ng aking kotse.

10 minutes.

Dali-dali kong binuhay ang makina saka pinuntahan ang di kalayuang tulay. I stop my car saka ninamnam ang magandang tanawing nakikita ko mula sa loob ng kotse.

It was 11:25 pm at wala nang gaanong sasakyan ang dumadaan. Kung meron man ay pawang mga nastuck ito sa traffic at naghahabol ng oras na makauwi. But not that girl na nakikita ko ngayon.
Umiiyak ito at tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa ang itsura. Sobrang lasing nito at nagmimistulang tanga na nagsisisigaw.

Muli kong tinignan ang aking relo at nakita kong tatlong minuto nalang at masasaksihan ko na ang pinakamagandang tanawing hinihintay ko.
Muli kong pinaglaanan ng pansin ang babae at nakita kong naghahanda na itong tumalon pababa.

What a pathetic human.

Napailing na lamang ako at agad-agarang lumabas ng kotse. Isang malamig na hangin ang humampas sa aking balat kasabay ang pagtangay nito ng itim at mahaba kong buhok. Nag inat-inat muna ako bago ako nag-umpisang humakbang patungo sa kinaroroonan na babae.

"10, 9, 8."

Nag-umpisa akong magbilang habang unti-unti kong nilalapitan ang babae na may ngiti sa aking labi.

"7, 6, 5, 4, 3-"

Napahinto ako sa paglalakad kasabay ng paghinto ko sa pagbibilang. Naiyukom ko ang aking magkabilang kamay at kasunod nun ay ang pagtunog ang aking relo hudyat na tapos na ang oras.

Inukulan ko ng masamang tingin ang isang lalaking umepal, isang lalaking hindi lang isang beses na umabala sa ginagawa ko.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Napalingon ang dalawang tao sa harapan ko matapos akong nagpakawala ng nakakabinging sigaw ngunit agad akong bumalik sa aking sasakyan at pinaharorot ito.

"You jerk, ikaw na naman? When will I get rid of you."

Madiin kong inapakan ang preno at malakas na hinampas ang manubela.

"Ano bang meron sayong lalaki ka at hinahadlangan mo kami? Humanda ka sakin, inuubos mo talaga ang pasensya ko hah. Tignan natin."

Stuck With An Evil Guardian Where stories live. Discover now