Epilogue.

15 2 0
                                    

This would the end of the story.
Sana ay nagustuhan niyo ang takbo ng kwento nina Chance at Alexis.

Breyahnn

---

His POV.

Ang gusto ko lang naman dati ay makilala at mapasaya ang babaeng nagpapasaya sa akin. But it turns out the other way around. Nasaktan ko siya ng sobra ngunit sa kabila nito ay minahal niya parin ako ng buong puso.

I was blinded by lies and deceived by the shadow of selfishness but then she brought me back to light.

Tinuruan niya akong mahalin siya sa kung sino at ano man siya at ipinaramdam niya sakin ang klase ng pagmamahal na hindi nakasentro ang sarili. She thought me how to love unconditionally and she made me realize na ang love hindi lang palitan ng nararamdaman. Hindi ka dapat mag expect na dahil nagbigay ka ng pagmamahal ay kailangan ka ring makatanggap nito pabalik. Pwede ka rin palang magbigay ng pagmahahal without asking for an exchange.

Most of us may have a selfish type of love but what she gave me is a Selfless love. Yung tipo ng pagmamahal na ibinigay ng Diyos sa atin.

Hayst how I miss my Alexis.

Eksaktong dalawang taon na mula nung mangyari ang aksidenteng iyon. Marami ng nangyari sakin at marami ng nabago sa buhay ko. Nakapag-usap na kami ni papa at bumalik na rin ako sa bahay, pero madalas parin akong nasa penthouse at nagbabakasakali. Nakagraduate na rin ako at kasalukuyang namamahala na ng sarili kong restaurant. Si Chase naman ay ayun, inlove na inlove kay Sofia. Nasabi ko na rin pala sa dalawa ang tunay na pagkatao ni Alexis. Nagulat nga sila lalong-lalo na si Sofia eh. So far masaya na naman sila, while me? Still waiting for her.

"Nsmimiss na kita, sana naman wag mo na akong paghintayin ng matagal."
Nakatingalang sambit ko.

Biglang umihip ang malakas na hangin as if binabalot ako nito at niyayakap. Muli akong napatingin sa puntod habang may matipid na ngiti.

"Alis na ako, mag gagabi na."

Nag-umpisa akong maglakad papalayo at nagtungo sa aking kotse. Binuhay ko ang makina ng aking sasakyan at binaybay ang daan papunta sa lugar kung saan nakaimbak ang sandamakmak naming alaala. I guess dun na naman ako matutulog ngayong gabi.

Nang makarating ako sa building na iyon ay agad akong sumakay ng elevator at nagtungo sa penthouse. When I take the last step papaakyat ay nakita ko ang lugar kung saan kami madalas nakatambay ni Alecis tuwing gabi. Dumaloy na naman ang mga alaalang iyon sa aking isipan kaya napagpasyahan kong umupo dito.
Muli akong napatingala sa langit habang patuloy parin ang pagdaloy ng mga alaala.

I miss her, I really miss her.

"Ulaambon na pala, di ko man lang namalayan."
Sambit ng makaramdam ako ng tubig sa aking pisngi

Dali-dali akong pumasok sa loob ng apartment ko ngunit napahinto ako dahil sa aking nakita.
Kagaya ng una naming pagkikita ay may babaeng nakaupo ngayon sa sala ko ngunit kagaya ng dati ay nakatalikod ito sa akin kaya di ko mawari kung sino ito.

Ayokong umasa, baka masaktan lang ako dahil baka pinaglalaruan na naman ako ng aking paningin kagaya ng dati.

"Who are you and why are you here?"

Unti-unting tumayo ang babae at dahsn-dahan itong humarap sakin kagaya parin ng dati.

"Hellow there Mr. Chance Colminares."
Sambit nito ngunit walang mababakas na reaction sa mukha nito. Nakasuot ito ng itim na bistida na abot hanggang tuhod habang may nakakabit na shoulder bag sa kanyang balikat. May hawak din itong wine glass sa kanang kamay at may lamang itong red wine katulad na katulad noon.

Stuck With An Evil Guardian Where stories live. Discover now