Chapter 12- Am I Akiella?

11 1 0
                                    

Her POV.

Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang sandaling yun ngutit hindi mawalawala sa isip ko ang mga nangyari. Yung mga sinabi niyang tumagos sa buto ko lalo na ang halik na yun.

Napahawak ako sa sariling mga labi habang nakatingin sa aking sarili mula sa salamin. Malinaw kong nakikita ang pamumula ng aking pisngi habang nakahawak parin ako sa aking mga labi. That kiss was different from before, hindi ito bunga ng pagkataranta o no choice, di gaya ng nauna. Muling nagwala ang aking puso ng maalala ko ang sinabi niya

"You are not deatth for me. You're my evil guardian right and I am your property."

Inaamin ko na I was relieve upon hearing those words. Sobrang saya ang naramdaman ko dahil hindi siya galit sakin, hindi niya ako kinamumuhian at hindi siya takot sa presensya ko. Pero ako yung natatakot sa sarili ko, ako yung natatakot sa nangyariri maging sa nararamdaman ko ngayon sa kanya. Natatakot akong magtuloy-tuloy ito pero mas natatakot akong matapos ito.

Hindi kasama ang pagkakaroon ko ng puso at ganitong pakiramdam sa trabaho ko. I shouldn't feel this way but I don't know how to stop this, I don't know if I want to stop this.

Napagpasyahan kong lumabas na ng kwarto dahil baka hinahanap na ako ni Chance. Napagpasyahan kasi naming kumain sa labas dahil pareho kaming tinamad magluto, pero wala akong nakitang Chance.

"Nainip na siguro yun sa paghihintay kaya nauna ng bumaba."
Napailing na lamang ako saka lumabas ng unit niya.

Agad akong napako sa kinatatayuan ko pagkalabas ko as my eyes glued on the person standing infront of me. May dala-dala itong gitara na nakasabit sa balikat niya habang nakaipit sa kanyang mga labi ang stem ng isang black rose. Humakbang ito papalapit sakin kaya bahagya akong nataranta at agad na napaatras hanggang sa naramdaman ko nalang ang paglapat ng aking likod sa nakasarang pinto kaya napalunok ako. Isinandal niya ang magkabilang kamay sa gilid ng ulo ko upang hindi ako makawala.

Inilapit niya ang sariling mukha sa akin na para bang hahalikan ako kaya mas lalong hindi ako makagalaw. Parang kinakapos ako ng hininga dahil sa ginawa niya kaya napapikit na lamang ako. Nakaramdam ako ng paglapat ng isang bagay sa labi ko ngunit hindi ito kasinglambot ng mga labi niya. That thing inserted between my lips dahilan upang mapamulat ako ng mata.

Dun ko lang nakuha ang gusto niyang iparating sakin. He wanted me to get the flower using my mouth kaya dali-dali ko inipit ng mahigpit ang stem sa mga labi ko saka niya ito binitawan. Bahagya siyang umatras bago nagpakawala ng malakas na tawa kaya agad na nag-init ang pisngi ko.

"You stupid human. How dare you play a stupid trick on me."
Sambit ko pagkatanggal ko ng bulaklak sa aking bibig .

"What? Ibibigay ko lang naman talaga yan sayo. Kasalanan ko bang iba yung pagkaintindi mo."
Lalo itong natawa kaya ihahampas ko sana yung bulalak sa kanya pero agad niya akong pinigil.

"Wag mahal yan."

"At sino naman kayang nagsabi sayo na bumili nito. Eh mahal pala to bat ka pa nag-aksaya ng pera."
I glared at him pero nakangiti lang ang loko.

"Mahal nga yan pero mas mahal naman kita."

Muling nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya pero hindi na ito dahil sa pagkainis ngayon kundi dahil sa kilig. Matapos ng sandaling iyon ay naging vocal na si Chance tungkol sa nararamdaman daw niya sakin. Hindi niya rin mapaliwanag ng maayos pero ang sabi niya baka ako daw si Akiella. Hindi ko alam nung una kung maiinis ba ako o matutuwa dahil si Akiella ang nakikita niya sa akin pero may part sakin na natutuwa.

"San mo to nakuha? Walang black rose sa pinas kaya san mo to nakuha?"
Itinapat ko ang bulaklak sa aking ilong at isang matamis na amoy ang sumalubong sa akin.

Stuck With An Evil Guardian Where stories live. Discover now