Chapter 4- Heart Made of Stone

14 4 0
                                    

His POV.

"Hi Jannica, ito nga pala ang kaibigan kong gustong magtrabaho dito sa restaurant niyo. This is Chance Colminares my bestfriend and Chance this is Jannica Salvador anak ng may-ari nitong restaurant na pagtatrabahuan mo."

Tipid kong nginitian ang babaeng ipinakilala sa akin ni Chase saka ako nakipagkamay dito. She gave me a flirty smile na may kasama pang pagkindat.

"Hi Chance, hindi ko inakalang ganito ka pala kagwapo."

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya at agad na binawi ang kamay kong ayaw ng bitawan.

"So when will I start working?"

"You can start now para naman may inspirasyon akong manaliti dito ngayon."

Bahagya akong napailing dahil sa sinabi niya lalo na dun sa malanding pagkagat niya ng kanyang labi. Natawa namang si Chase sa nakita.

"Oh pano bro una na ako. Ikaw na ang bahala dito hah."
Inilapit ni Chase ang bibig niya saking tenga habang kunwaring tinatapik ang balikat ko.
"Mukhang type ka pa ata ng anak ng magiging boss mo. Paniguradong hindi kana maaalis sa trabaho mong ito basta pormahan mo lang to ng bahagya bro."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Naglakad na ito palayo samin kaya agad namang humakbang si Jannica upang mas makalapit sakin.

"Hhmm san po ako maasign ma'am?"

Magalang na tanong ko habang nanatiling nakatayo lamang kung san ako nakatayo kanina. Idinikit niya ang kanyang sarili sakin kaya amoy na amoy ko ang pabango niyang masakit sa ilong sa sobrang tamis.

"Sakin ka maaasign."

"Ma'am san po ba dito ang locker ko."

Agad na naagaw ng isang babae ang atensyon namin at ganun na lamang ang pagkagulat ko ng makita na naman ang babaeng pilit punapasok sa buhay ko.

"Diba nasa-, wait bakit ka andito?"

"I will worked here. Kakatanggap lang sakin kahapon diba ma'am?"

Nakita kong kumunot ang noo ni Jannica dahil sa sinabi ng babaeng ito pero agad din nsman itong nabura at bahagyang tumango.

"Ahh yeah, Alexis right?"

"See, so san na nga ang locker ko dito ma'am."

Napatitig ako sa kanya dahil sa suot niya. Para siyang hindi trabahador sa porma niya dahil mas maganda pa ata ang suot niya kaysa sa anak ng may-ari eh. She's wearing a black dress na hanggang tuhod, tingin ko ay backless ito ngutin natatakpan naman ng mahaba ngunit kulot niyang buhok ang kanyang likod. May nakaipit pang shades sa buhok nito at isang bag naman ang nakasabit sa kanang braso niya. Nakasuot pa ito ng sapatos na may mahabang takong kaya wala talagang bakas na kapos ito sa pera.

"Ituturo nalang sayo ni Adrian ang locker room at ang pwesto mo dun. Don't disturb me again, I'm bussy."

Iniyapos nito ang mga braso sa aking beywang kaya agad ko itong kinalas.

"Sasama na po ako sa kanila para makapag-umpisa na ako sa pagtatrabaho."

Nakita kong sumimangot ito dahil sa ginawa ko ngunit nabaling ang tingin ko sa baliw na babaeng bumubulong sa tabi.

"Sus gusto rin naman, ayaw pang maexpose ang kalandian niya."

Imbis na makipagtalo ay sinamaan ko nalang siya ng tingin. Dumating na yung Adrian na tinutukoy ni Jannica kaya sumunod kami sa kanya.
Panay ang tingin nito sa baliw na babae hanggang sa makarating kami sa kung saan man namin dapat ilagay ang mga gamit namin. Magkasunod ang locker namin ng baliw na babae kaya napailing na lamang ako.

Stuck With An Evil Guardian Where stories live. Discover now