Chapter 14- Doubt

8 1 0
                                    

His POV.

"Chance tumayo ka na nga dyan. Anong oras na oh, hihilata ka na naman ba dyan buong araw hah."

I heard a familiar voice echoing in my room dahilan upang mapamulat ako ng mata. Galit na pagmumukha ni Chase ang sumalubong sa akin hila-hila ang kumot na nakabalot sa katawan ko.

"Pwede ba Chase ang aga-aga alis."

"Chance ano ba, wake up. Ilang linggo kanang ganyan. Sisirain mo ba talaga yang buhay mo hah."

"Matagal ng sira ang buhay ko Chase. Kailan nga ulit yun? Ah yeah, simula nung nagising nalang ako isang araw wala ng Alexis sa tabi ko."

Babalik na sana ako sa pagtulog ngunit naramdaman ko ang mga kamay ni Chase sa mga paa ko at kasunod nun ang malakas na pwersang humila sakin dahilan upang mahulog ako sa kama. Agad akong napabangon saka siya inambahan ng suntok at ganun din ang ginawa niya sakin.

"Akala mo ba napapasaya mo si Alexis sa ginagawa mo? Sinisira mo yung buhay mo pati yung sarili mo. Maghapon kang nakakulong sa kwartong ito tapos magdamag ka namang umiinom mag-isa. Ilang linggo kanang ganyan Chance, ni hindi mo na nga alam kung anong araw ngayon. Wake up bro, babae lang yun."

Nagpintig ang tainga ko dahil sa huling sinabi niya kaya muli ko siyang sinuntok dahilan upang magdugo ang gilid ng labi niya. Agad din naman niya akong ginantihan kaya napahiga ako sa sahig. Ilang beses akong nakatanggap ng suntok mula kay Chase bago ito lumayo sa akin. Ramdam ko ang hapdi na dulot nito pero walang-wala ito kumpara sa nararamdaman ko ngayon.

"Do you think it's easy? Madali lang para sayo na sabihin yan kasi hindi ikaw ang nawalan ng minamahal ng dalawang beses. Nawala sakin si Akiella ng dalawang beses at anong gusto mong gawin ko? Magpaparty?"

"Are you telling me na si Akiella at si Alexis ay iisa? Hibang ka na nga pare. Oo sinabi ko noon na tha way you look at her is the same on how you look at Akiella before, but they're different Chance. Patay na si Akiella, matagal na siyang wala ay yung Alexis na yun wala na rin siya. Pero ikaw Chance andito ka pa. Wag mong sayangin yung buhay mo."

Natigilan ako sa narinig saka ko naalala ang sinabi sa akin noon ni Alexis dahilan upang marealise ko kung aning ginagawa ko sa sarili ko ngayon.

'Kaya ikaw wag mong sasayangin ni isang oras sa buhay mo at dalhin mo ang lahat ng ala-alang naipon mo dito sa pagpanaw mo.'

That scenario flashed on my mind at nakita ko ang kalmadong mukha ni Alexis while glazing at the stars. Yung mukha niyang natatamaan ng liwanag ng buwan ay nanatili sa isipan ko. What she said brought me back to reality. Hindi ko dapat sinayang ang mga araw na nagdaan, hindi ito ang gusto niya.

Kahit na pagod na pagod ang katawan ko dahil sa mga suntok na natanggap ko mula kay Chase ay nagawa ko paring maglakad palabas ng kwarto at naramdaman ko naman ang pagsunod ni Chase.

"Every corner of this place reminds me of her."

I roam my eyes around at muling bumalik sa alaala ko ang nangyari after my birthday.

Nung umagang yun ay agad kong minulat ang aking mga mata ng maramdaman kong wala si Alexis sa tabi ko. She said she wanted to sleep beside me pero wala siya sa tabi ko. Lumabas ako ng kwarto para hanapin siya dahil baka nasa kusina na naman siya at naghahanap ng pagkain pero wala akong naabuatang Alexis. Hinanap ko siya sa bawat sulok nitong penthouse maging sa cr pero hindi ko talaga siya nakita. Maging sa labas kung saan kami madalas nakatambay ay wala din ito kaya dumoble ang kabang naramdaman ko nun.

Hinintay ko siya ng ilang oras hanggang ang ilang oras na yun ay naging araw hanggang naging linggo pero walang Alexis na bumalik. Sinubukan ko ring hanapin siya pero kahit anong isip ko ng mga posibleng lugar na puntahan niya laging sa penthouse ang bagsak ko.

Stuck With An Evil Guardian Where stories live. Discover now