Chapter 16- It Was Her?

8 1 0
                                    

His POV.

Hi Chance, you did a great job yesterday. Ang ganda talaga ng boses mo at ang galing-galing mong tumugtog ng gitara. Sana balang araw kantahan mo rin ako but I know it's impossible kaya inisip ko nalang kahapon na para sakin yung kanta mo. Have a nice day po and don't forget that I am always here for you.

---

Nakita kita kanina, sobrang lungkot mo kaya nalungkot na rin ako. Please don't be sad, kung ano mang problema mo sana maayos na yan. Keep smiling po.

---

Isa-isa kong binasa ang mga sulat na natanggap ko noon habang walang tigil ang pagpatak ng mga luha sa mata ko. Dati napapangiti ako ng mga sulat na'to but right now I feel so down.

Nahagip ng mgs mata ko ang kahong iniabot sakin ni Sofia bago ito umalis kaya kinuha ko ito saka binuksan. I saw some letters inside at kagaya ito sa mga natatanggap ko dati.

"Kahit na naging kayo na ni Akiella nagsusulat parin siya ng letters para sayo. Hindi niya nga lang magawang ibigay sayo dahil ayaw niya kayong guluhin. Pero alam kong gusto niyang makuha at mabasa mo to. Sana ngayon ay nalinawan kana at sana alam mo na ngayon kung sino ba talaga ang minahal mo Chance. And when you do please tell her, nakikinig siya, palagi ka niyang binabantayan."

Isa-isa kong binasa ang laman ng kahon at paramg dinudurog ang puso ko dahil sa labis na sakit at panghihinayang. Hindi ko alam na may nasasaktan na pala ako ng di sinasadya. May napapaiyak na pala ako ng di ko man lang nalalaman.

---

Hi Chance. Ang daya-daya talaga, ako yung nangarap na sana kantahan mo ako sa harap ng maraming tao pero bakit ganun sa iba natupad. Pero okay na lang din yun kasi alam ko namang masaya ka sa kanya. Ako sana yun eh kaso naunahan na ako eh. Kaya ayon sana mapasaya ka niya, yun lang naman ang gusto ko.
---

Hi Chance. Nakita ko kayo kanina, kasama mo yung girlfriend mo. Ang saya-saya ko dahil nakita kitang ngumingiti at tumatawa pero ang weird din ng reaction ko kanina. Nakangiti kasi ako habang pinagmamasdan ka pero panay agos naman ng mga luha ko. Para silang mga gripo at ayaw nilang tumigil. Pero ayos lang masaya ka naman eh. Ngumiti ka lang hah, para hindi ko maramdamang pagmamay-ari kana ng iba.

---

Grabe ang experience ko ngayong araw. Sinundan ko kayo buong maghapon kasi nag-aalala ako baka may mangyaring masama sayo kaya ayon nakisali ako sa date niyo kahit di mo napapansin na andun ako. Ang saya nga eh kasi ang saya mo, kaso lang nakakainis si Akiella alam niyang nandun ako at masasaktan ako kaya hinalikan ka niya sa harap ko. Ginawa niya pa akong photographer at kinunan kayo ng litrato. Pero okay na lang din yun, atleast may picture mo na ako na ako mismo ang kumuha, gugupitin ko nalang ang mukha ni Akiella para masaya tas ipapalit ko yung sakin. Ano bayan, sorry Chance hah basa yung papel at pangit yung sulat kamay ko. Nanlalabo na kasi yung paningin ko kasi ayaw na naman tumigil ng mata ko sa kakaiyak.

---

Chance okay kalang? Nakita ko kanina na nakasimangot ka. May problema ka ba? Gusto sana kitang lapitan kaso natakot ako na baka hindi mo ako pansinin kaya hindi nalang ako lumapit. Napagalitan din kasi ako ni Sofia kasi para daw akong timang na nakasimangot habang nakatingin sayo. Ewan hobby ko lang talagang tignan ka. Sana maging okay kana. Smile lang palagi.

---

Hi Chance, may kakaiba akong nakita kanina. Alam mo ba may nakita akong naghahalikan sa library kanina. Isusumbong ko na sana ito pero natigilan ako ng makita ko ang mukha nung lalaki, tapos bigla nalang akong naiyak. Kamukha mo kasi yung lalaki, hindi naman ikaw yun diba? Namalikmata lang siguro ako dahil ikaw lang kasi ang lagi kong naiisip kaya siguro pati yung lalaking may kahalikan ay napagkamalan kong ikaw. Hayst ang sakit parin talaga Chance.

---

"I love you my Alexis, my one and only guardian. Salamat sa pagmamahal, na kahit nasasaktan kana minamahal mo parin ako. Sorry kasi sa gagong tulad ko ka pa nagkagusto. Pakiramdam ko tuloy hindi ako deserving sa pagmamahal mo. Thank you for guiding me, mula noon hanggang ngayon. Sana makasama ulit kita, and when that time comes, I will give you the love you truly deserve. Yung hindi si Akiella yung makikita ko sayo kundi ikaw mismo. Yung Alexis na minahal ko kahit na sa mga sulat lang, yung Alexis na naging guardian ko sa sandaling panahop, at yung Alexis na patuloy kong mamahalin. I love you my evil guardian."

Naramdaman ko ang unti-unting pagbuhos ng ulan kasabay ang walang tigil na pagpatak ng aking luha. Ayoko sanang tumayo at umalis sa puntod ni Alexis pero kailangan dahil mas lumakas ang pagbuhos ng ulan. Iningatan kong hindi mabasa ang mga sulat sa loob ng dalawang kahon na hawak ko kaya hindi naging madali sakin ang pagtakbo.

Nang makarating ako sa kotse ay agad kong pinunasan ang mga kahon ng tuyong tshirt na dala ko, buti nalang at water proof ang mga kahon na iyon kaya hindi nabasa ang mga sulat sa loob. Binaybay ko ang basang daan papunta sa building ni tito at agad na nagtungo sa penthouse sakto lang din ang pagtila ng ulan kaya agad akong bumaba sa sasakyan at pumasok sa loob.

Agad akong natigilan ng may nakita akong babae na nakaitin na drees na nakaupo sa upuan kung saan madalas nakatambay si Alexis. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sakin pero sa tipo ng pananamit nito ay nasisigurado kong si Alexis ito. Agad ko itong nilapitan at niyapos ng mahigpit.

"I didn't know na miss na miss mo na pala si mama anak. Pero san ka ba nanggaling bata ka? At bakit ang basa-basa ng suot mo?"

Reality hits me upon hearing my mom's voice. Hindi ito si Alexis, akala ko bumalik na siya. Akala ko lang pala.

Agad akong napabitaw kay mama at napaupo sa sahig. Naihilamos ko nalang ang dalawang kamay at nag-umpisa na namang tumulo ang aking mga luha.

"Anak ano bang nangyari sayo? Bat ka umiiyak?"

Naramdaman ko ang pagyapos ni mama sa akin kasunod ng paghaplos nito sa likod ko.

"Mom I miss my Alexis."

"Alexis sino siya? Bagong girlfriend mo?"

Walang sagot na nakuha sakin si mama kaya hinaplos na lang niya ng paulit-ulit ang likod ko at hinayaang akong umiyak. Nang kumalma na ako ay inalalayan niya ako papasok sa loob.

"Binisita kita dito kasi sabi ni Chase sa amin na parang wala ka raw sa wisyo kanina. Ano ba talagang nangyari anak? At sino si Alexis?"

"Mom kamusta kayo ni dad?"
Pag-iiba ko sa topic dahil ayokong pag-usapan yun sa ngayon.

"Okay lang naman kami. Matapos mong hindi sumipot sa dinner at maglayas sa bahay hindi na rin namin nakita si Mr and Mrs Santilian. Nabalitaan nalang namin na naaksidente ang anak nila nung papunta na dapat ito sa dinner natin and aside from that ay wala na kaming natanggap sa balita. Buti nalang at may nakausap kaming kliyente kaya naging maayos ulit ang kumpanya natin. Your dad wants to talk to you kasi gusto ka na niyang bumalik sa bahay."

"Mr and Mrs Santilian?"

"Yeah sila yung mga magulang nung babaeng ikakasal dapat sayo, hmmm ano nga ulit ang pangalan nun."

"Alexandra Ellise Santilian?"

"Yeah siya nga yun. Kilala mo ba siya?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Siya, si Alexis ang dapat papakasalan ko?

Stuck With An Evil Guardian Where stories live. Discover now