"Ate.. ate, gising ate nananaginip ka" narinig kong paggising sakin ng kapatid kong nag aalala dahil sa mahina kong pag iyak.
"Ano baaa! Hindi ako nananaginip, masakit yung braso ko sobra. Hayaan mo na ko matulog ka na lang uli." sabi ko habang nakatalikod ako sa kanya.
Huhubels ang saket talaga, wari ko'y madaling araw pa lang dahil medyo malamig pa ang pakiramdam sa paligid ko.
Hindi niya nakitang gising ako dahil sa pantaklob ko sa mata tuwing natutulog.
Oo meganon ako kase maarte ako at MAGANDA.
Nahaharangan nito ang kalhati ng aking mukha kaya hindi niya alam na gising ako at punong puno na ng luha ang aking mga mata.
Dahil sa sinabi ko sa kanya, bumalik na lang siya sa kanyang pagkakahiga at natulog uli samantalang ako'y iniinda ko pa din ang kaliwang braso ko dahil nananakit pa rin ito.
Bakit ba nananakit ka ng gantong oras? Sobrang sakit..
Nararamdaman ko ang pananakit at panlalamig ng kaliwa kong balikat hanggang sa buong braso. Sinubukan kong imasahe ito ng hindi pa rin nabangon upang maibsan ang sakit ngunit hindi ito mawala wala.
Umiyak lang ako ng umiyak habang sinusubukang gawing maging maayos ang braso ko hanggang sa di ko namalayang nakatulog na uli ako.
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may pumasok sa silid naming magkapatid pero hindi doon napunta ang atensyon ko dahil nananakit pa din ang aking kaliwang braso. Hindi ko na muna ito ginalaw sa pwesto nito na nakapatong sa ibabaw ng unan na aking yakap yakap.
"Aba ang ate ko tulog pa din hanggang ngayon.." narinig kong boses ng lalaki sa nanlalambing na tono. Malapit lamang ito sa akin at bigla nitong hinawakan ang braso kong nananakit dahil ito ang malapit sa pwesto niya.
Mariin akong napapikit kahit na banayad lamang ang pagkakahawak niya sa braso ko ay nararamdaman ko ang sakit dahil sa paghawak niya dito.
"Aray ko! Wag mong hawakan ang braso ko! Masakit huhu" Daing ko sa kanya ng may pag iinarte habang nakahiga ako at nakapikit pa. May taklob pa rin ang mata ko pero kilala ko ang boses ng nagsalita.
"Okay sige sorry. Grabe, ang arte mo pa ren hahaha" sagot niya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Bakas ang pangungulila at pang aasar nito sa tono ng pagkakapanalita niya.
Narinig ko ang yabag niyang papalabas na ng aming silid. Ilang minuto pa kong nakapikit, iniinda ang sakit.
"Inay masakit daw ang braso niya, ayaw magpahawak sakin ay. Ano ba nangyari don?" narinig kong pagsasalita niya na nagmumula sa medyo malayo sa kinaroroonan ko. Marahil ito ay nasa salas, kinakausap si lola.
"Hayaan mo na muna, baka nangalay lang pagtulog hahaha" tanging sagot ni lola na narinig ko.
Sorry papa..
Bigla akong nalungkot, hindi ko mawari kung bakit.
Napagdesisyunan kong bumangon na kahit nananakit pa rin ang braso ko.6:28AM
Masyado pang maaga. Pero bumangon ako kahit ayoko pa. Kahit di ko pa balak.
Naglakad ako palabas ng kwarto at nagpunta sa may salas. Nagpunta ako sa kusina, sa banyo. Nag inikot ako sa bahay.Teka ano ba trip ko? Trip to Jerusalem?
Napa-face palm tuloy ako at napahinto sa paglalakad.
Nalungkot ako bigla."Papa?"
Nasa terrace na ko ngayon pero wala.
Napabuntong hininga na lang ako.Mukang umalis na si papa. Hay, di man lang ako nakapagsorry. Alam kong mali naman yong ginawa ko pero hay ewan! Ano ba yan.
BINABASA MO ANG
Something in You
RandomIto si Milk Shake. Si Milk Shake ay simpleng maarte na babae. Nakilala niya si Jeyms, isa sa myembro ng sikat na banda. Si Jeyms ay kilala bilang babaero at hambog. Nahulog si Milk Shake kay Jeyms. Niloko ni Jeyms si Milk Shake. Nabroken si Milk Sha...