A/N: Happy birthday Rose Ann Pansoy! Hahaha since may ECQ at di kita mareregaluhan, ito na lang regalo ko sayo. I dedicate this chapter to you, i love you! 😘
---
Pft HAHAHAHHA
Bigla akong napangisi na nauwi sa mahinang tawa.
"Oh bakit?" tanong ni Louise na nasa tabi ko.
Naglalakad na kami ngayon palayo sa office at pupunta na sa registrar upang kumuha ng enrollment form.
"Wala, antanga pala nung paalam ko kay Ma'am Gale kanina. Sabi ko kasi sasabay na ko sayo."
"Oh tama naman ah?" nagtatakang tanong niya.
"Eh sabi mo kasi 'Magaasikaso lang po kami ng enrollment' gets mo ba? Hahaha."
Napangiwi naman siya sa sinabi ko.
"Alam mo ewan ko sayo, ang babaw mo."Narito na kami ngayon sa registrar at nakapila. Nauuna sa pila si Louise sunod ako. Nang makakuha na kami ng enrollment form ay lumabas na kami sa office ng registrar.
Dumiretso kami sa pinakamalapit na study hall at doon kami naupo upang magsagot.
Ay, siya lang pala. Wala pala akong nadalang ballpen. Nawala sa isip ko takte.
"Uh.. Louise pahiram akong ballpen hehe, di pala ako nakapagdala nung umalis tayo sa office" nahihiya kong sabi sa kanya.
"Ayan puro kasi tawa, antayin mo ko tatapusin ko lang to." Natatawa niyang sagot ng may pabiro pang pag irap sa akin.
Luka hahaha
Iniintay ko siya matapos at ako naman ang nagsulat. Inintay niya din akong matapos para sabay na kaming pumunta sa College of Accountancy Department.
"Okay, done na" sabi ko sabay abot ng ballpen pabalik kay Louise.
"Uy pede ba kitang tawaging Loui na lang? Nahahabaan ako sa Louise eh"
Pagtatanong ko habang naglalakad kami.
"WOW grabe kinatamadan mo pa talaga yung pagbanggit ng 'se' sa pangalan ko ha. Kung tutuusin parang aalisin mo lang yung s sa sound hahaha" pabiro niyang bara sa sinabi ko.
Onga naman, antamad mo lang talaga
"Hahaha parang mas cute kasi yung Loui eh. Hahahaha hayaan mo na yun na lang nickname ko sayo." sabi ko na lang.
palusot.com
"Hay nako bahala ka." iiling iling niyang sabi habang nakangiti.
Nandito na kami sa department.
Ang haba ng pila, madami sigurong nag aasikaso ngayon ng sched nila.Malamang magpapasukan na duh!
Baka gusto nilang makakuha ng magandang sched din.
Sana di kami maubusan ng slot."Pano yan? May duty pa tayo, pede ba tayong mawala ng matanggal dun sa office Loui?"
"Hindi ko din nga alam ay, napakahaba ng pila jusko. Teka magtatanong tayo sa SA dito." sabi niya habang palinga linga at naghahanap ng kung ano.
Pumunta kami sa may bandang pintuan na merong maliit na table at may isang lalaki.
Higit higit lang ako ni Loui at nakahawak siya sa kamay ko."Ayun! Ah kuya hello po, kayo po ba ang SA dito?" magalang na tanong ni Loui
Hindi ko na naintindihan ang pinag usapan nila.
Habang kausap niya yung si kuyang SA daw nitong department namin,
nakamasid lang ako sa paligid habang hawak hawak pa rin ni Loui ang kamay ko para di kami magkahiwalay dahil sa dami ng tao.

BINABASA MO ANG
Something in You
De TodoIto si Milk Shake. Si Milk Shake ay simpleng maarte na babae. Nakilala niya si Jeyms, isa sa myembro ng sikat na banda. Si Jeyms ay kilala bilang babaero at hambog. Nahulog si Milk Shake kay Jeyms. Niloko ni Jeyms si Milk Shake. Nabroken si Milk Sha...