Chapter 2

23 3 2
                                    

Kinakabahan akong bumaba sa tricycle na sinakyan ko at nag abot ng bayad kay kuyang driver.

"Salamat po" ani ko at tumingala sa arkong nasa itaas.

Nightingale University

Andito na ko. Naghahalo ang kaba at saya sa aking nararamdaman.

Woooh eto na to, kaya mo to self!
Para kay mother, father, lola at sa future mo!

Pinapakalma ko ang aking sarili at nagtungo papunta sa guard. Hindi naman ako gaanong pamilyar sa pasikot sikot dito kaya magtatanong ako kung san ba yung HR Department.

"Ate good afternoon po, san po yung HR?" magalang kong tanong kay ate guard.

"Ah maam dyan po kayo dumaan sa kanan tapos po yung unang daan na makikita niyo sa kaliwa niyo diretsuhin niyo lang po tas kakanan uli" sagot niya saken.

"Ah sige po thank you po." sabi ko sabay ngiti.

Eerr.. medyo nakakatanga yung daan ha. Potres pano na ba ko neto?

Nagsimula na kong maglakad ng medyo mabagal. Pero di ako nagpahalatang natatanga na sa daan.
Stand straight, chin up. Lakad ka lang, chill.

Potcha kinakabahan ako hahaha gago self hindi ka dapat kabahan sa direksyon! Sa interview ka dapat kabahan ano ba ha potek HAHAHA.

Kahit kabado habang naglalakad at medyo palinga linga ng mabagal, siniguro ko pa ring may confidence ang paglalakad ko.

Gago ka self bawal ka maligaw puro ka kayabangan sa katawan tagres hahahaha.

Nakita ko na ang unang paliko na sinasabi ni ate guard. Diniretso ko ito at nagsimula na namang magpawis ang palad ko.

2:45PM

Maaga pa pero mas okay na to.

Nakarating na ko sa sinasabi ni ate guard na pakanan. Malapit na ko.
Pinahid ko ang dalawa kong palad sa suot kong pencil cut skirt na kulay navy blue.

Yak self kadiri ka ang dugyot dugyot mo potek HAHAHAHA.

Tanaw ko na ang HR Department at bago ako lumakad patungo sa harapang pinto nito ay tiningnan ko muna kung maayos pa ba ang itsurahin ko.

Ang suot kong blouse na kulay cream at may dalawang navy blue na strips sa bandang bewang ay hindi pa naman gaanong gusot. Ganon din ang aking palda. Medyo namuti ng konti ang black shoes kong suot kaya pinagpag ko ito.

Aaww ang hapdi may paltos na pala ko sa paa.

Napangiwi ako ng maramdaman ang hapdi. Hinayaan ko na muna at hindi ko ito ininda. Nang matapos na akong mag ayos ng sarili ay tumungo na ko sa pinto ng HR at kumatok.

"Hello po, ako po si Milk Shake Taripe. Nandito po ako para sa interview." ngiti ko sa babaeng nakita ko sa bungad ng pintong nakabukas.

Ngumiti naman ito sa akin pabalik at nagsalita

"Upo ka muna, tatawagin ka na lang pagkatapos nung iniinterview sa loob."

Iminuwestra niya ang upuan kung saan niya ko pinaghihintay. Agad naman akong umupo dahil tinatablan na ko ng nerbyos.

Wooooooh.. Self kaya mo yan gago wag kang kabahan basta sumagot ka lang ng totoo sa nararamdaman mo pero wag mong ilalabas kagaguhan mo baka di ka matanggap HAHAHAHA

Kahit na hindi ako mapakali ay sinubukan ko hanggang sa abot ng aking makakaya na huwag maglikot habang nakaupo.

Kailangan muka kang confident be kahit ang totoo eh nagtatatambol na yang puso mo sa kaba HAHAHA.
Relax ka lang, act normal kahit abnormal ka naman HAHAHAHAHA.

Something in YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon