Chapter 6

15 3 3
                                    

"Good morning po Ma'am, ang babayaran niyo po ay P3, 337" nakangiti kong sabi habang nakatingin sa referral na ibinigay niya sa akin.

"Ay sige ineng" sabi niya at bumaling sa bag niya upang kuhanin ang wallet niya. Nakatingin lang ako sa ginang habang nagbibilang siya ng pera sa harap ko. Pinaggigitnaan kami ng clear na bintana na parte ng office.

Pagkatapos niyang magbilang ay iniabot niya ito sa akin.

"Ma'am check ko lang po yung pera" sabi ko at binilang ko sa harap niya ang perang iniabot niya. Natural na ginagawa ko ito upang parehong masiguro ko at ng nagbabayad na tama ang ibinigay nilang pera sakin. Walang labis at walang kulang.

"P3,400 po ang bigay niyo." sabi ko at ngumiti. Tiningnan ko naman ang pangalan ng estudyanteng ipinagbabayad niya kung malinaw ba ang pagkakasulat nito at kung naiintindihan ko ito.

Je- Cl- ano daw??

Tumingin ako sa ginang at ngumiti.
"Ma'am check ko lang po itong pangalan hehe baka magkamali po kasi ng sulat sa resibo" sabi ko sa kanya at ipinakita ang hawak kong papel.

"Je- ano po ito?" Tinuro ko na ang buong pangalan.

"Jeyms Clerk Dictado" sabi niya.

"Ay sige po, thank you po. Upo po muna kayo pakihintay na lang po sa kabilang window ang sukli at resibo niyo." sabi ko at ng tumango siya sakin at naupo, ako naman ay naupo na rin upang isulat ang resibo niya.

Weird naman ng pangalan neto. Iba spelling ng Jeyms niya kesa sa pangkaraniwan na spelling.

Isinulat ko na ito at itinaas sa kabilang window-ang window sa pagitan ng opisina namin nina Loui.
Kinuha na niya ito at kanyang ivinalidate, binilang ang pera at kumuha ng sukli.

"Dictado po!" Tawag niya sa may window niya.

Lumapit sa tapat ng bintana niya ang ginang at kinuha ang resibo at sukli niya.

"Thank you po." rinig kong sabi ni Loui.

Ako naman ay napatingin sa kanya sa kabilang window.
Ngumiti siya saken ng parang may kahulugan.

Baka naman guni guni ko lang? Ewan hahaha nag iimagine na naman ako ng kung ano ano hahaha.

Ngumiti na lang din ako pabalik sa kanya.
Wala sina boss ngayon sa office eh. Lumabas sila may pinuntahan ata.
Dadalawa kami ngayon dito sa office.

Medyo di naman ako nanibago sa ingay sa labas ngayon.
Pasukan na kasi at natural madami ng estudyante ngayon.

Mamaya na start ng klase ko. Hay buhay nakakabobo di ko alam san ako pupunta.

"Ah Loui san pala ang room mamaya? I mean don ka galing kanina sa subject na lumipat ako ng oras diba? Pareho ba tayo ng prof?" tanong ko. Mas maigi na to no kesa matanga na naman ako sa daan.

"Ang alam ko pareho tayo ng prof sa GEC5, iisa lang kasi ang may handle ng subject na yon ngayon eh. Doon sa Adarna Building third floor ang room ay yung nasa dulo."

"Ah ganon ba sige salamat" ngumiwi ako sa kanya at di na umimik

Potcha san yong Adarna building??

Napayuko ako habang nag iisip kung ano na bang napuntahan ko sa school na to at kung saan yong building na tinutuloy niya.
Canteen, Office ng cashier at Office ng HR pa lang ang pinaka tanda ko dito.

Pano na? Tatanga tanga kase inuna pang alamin ang canteen palibhasa laging gutom.

Magtanong ka na kay Loui kung san yon, okay lang yan kaibigan mo naman yan. Wag ka ng mahiya!

Something in YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon