Chapter 7

12 2 0
                                        

Jeyms

I have to start my plan and make it work as soon as possible. Hindi maaaring hindi ko ito maggawa. How will I start it? In the first place I am not ready for this damn it!

"Hey bro?" sabi ni nico habang napitik pitik ng daliri niya sa harap ng mukha ko.

Nawala ako sa pag iisip ng malalim ng gawin niya yon. Napataas ang kilay ko at nangunot ang noo.

Anong problema neto?

"What!? Stop doing that in front of my face!" singhal ko sa kanya at inalis ang kamay kong nakapangalumbaba sa aking mukha at ginamit ito upang ipangtaboy sa kamay niya.

"Bakit ba barino ka na naman? And are you even giving me a little attention and to what I am saying here??" sabi niyang hindi makapaniwala.

"No. And I don't care." I answered bluntly.

"What the fuck? Bro sabi ko kung nakapagbayad ka na ba para sa enrollment at kung may sched ka na? Tapos you don't care! Ano ba naman Jeyms?" sabi niya ng may tono ng pagkainis sa akin.

Edi waw sabaw, parang yun lang?

"Tss, for sure sa bayadan ng para sa enrollment si Mom na bahala don. Schedule na lang poproblemahin ko. Kailangan na ba agad yong asikasuhin? Ni hindi ko nga alam kung bayad na tuition ko eh tas sched agad?" tanong ko sa kanya.

"Oo kasi kung hindi mo po alam eh pasukan na next week kamahalan" sabi niya ng may pagkasarkasmo sabay irap pa ng mata.

"Bakla ka ba? Pairap irap ka pa dyan ang arte mo." komento ko.

"Ewan ko sayo. Tara ng mag asikaso, sabay sabay na tayo nina Axe at Jim. Chinat ko na sila kanikanina lang, sigurado papunta na yung mga yon at nandito na sila maya maya lang. Kailangan na nating mag asikaso baka maubusan tayo ng schedule tayo din ang mahihirapan kapag nagkataon." mahabang sinabi niya na hindi ko naman inintindi.

Umubob muna ako dahil ayokong marining ang kung ano ano pang sinasabi niya dahil nababarino ako.
Mas may kailangan pa kong asikasuhin kesa dyan.

Bakit naman kasi ngayon lang sinabi? Ni hindi ko man lang alam ang pangalan! Ni hindi ko pa nga alam miski itsura eh! Tss. Pangalan nga hindi sinabi itsura pa kaya? Wala pa kong alam doon sa tinutukoy niya ayoko na agad! Tsaka bat ba kailangan ko yong gawin ano ba mapapala ko don?

Nakaramdam ako ng biglang liyo ng may nagyugyog sa akin. Nakahawak ito sa aking balikat at malakas ang pagkakayugyog.

Potcha naman oh!

"ANO BA?!" bulyaw ko ng umangat ang aking ulo at tiningnan kung sino ba yong letseng yon.

Ngayon tatlo na silang nasa harap ko at nakatingin sakin. Sinamaan ko naman ng tingin ang nag alog sakin sa balikat na si Axe. Tatawa tawa lamang ito habang nakatingin saking hindi na maipinta ang mukha.

"Tara na brad! Hahaha di ka namin iiwan kahit gaano ka pa kabarino dyan! Kailangan magkakasama tayo sa lahat ng sched." Sabi niya habang tatawa tawa pa din waring nang aasar.

"Alam mo? Sabihin mo lang kung ayaw mo kong mamiss masyado mauunawaan ko naman baby Axe." sabi ko ng nang aasar din.

"Yuck di tayo talo no!" sabi niya habang nakahawak sa buong katawan na wari mo'y nandidiri sa akin.

Dahil sa reaksyon nito at sa sinabi nito tumayo na ko sa aking pagkakaupo at lumapit sa kanya habang nakalahad ang aking kamay at sasalubungin siya ng aking yakap.

"Baby kooo come here na saken yayakapin kita 😘😘 " sabi ko pa at bigla na lamang siyang tumakbo habang ako naman ay tatawa tawang nakatingin sa papalayo niyang bulto.

Something in YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon