Naglalakad ako ngayon sa mahabang pasilyo ng university habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin ngayong umaga.
Isang simpleng fitted t-shirt lang ang suot ko na kulay midnight blue. Mayroon itong maliit na print sa gitna bandang dibdib ng logo ng Jordan. Pinaresan ko ito ng itim na pants at rubber shoes na kulay light gray.
Papunta na kong office ngayon.
Naks! may pa-opis opis ng nalalaman HAHAHAHA
Napangiti ako sa pagbara ng isipan ko saking sarili. Hindi ko talaga akalain na matatanggap ako bilang Student Assistant.
Well, marami pang pedeng mangyari wag kang pakampante. Gago ka remember? HAHAHAHA.
Kahit mag iisang linggo pa lang ang nakalipas mula ng magsimula ako ay natutuwa pa rin ako sa loob loob ko kasi may isa na kong na-achieve. Alam kong simula pa lang to ng magiging buhay ko ngayong college.
~
"Lola! Lola! Aalis po ako bukas, pupunta po akong school." pagpapaalam ko kay lola.
"Oh diba ay June pa lamang? Akala ko ba ay August pa ang pasukan niyong mga college? Eh next week pa start ng klaseng mga kapatid mo eh." pagtatanong ni lola ng may pagtataka.
Ngumiti muna ako ng malapad tsaka sumagot kay lola.
"Tanggap na ko bilang SA sa Nightingale University laaaaa" sabi ko sabay yakap kay lola habang natalon talon pa.
"O-oh teka-teka! Naliliyo ako, jusko po. Wag kang tumalon!"
"Hehehe sorry la, naexcite lang" paghingi ko ng paumanhin.
"Eh pano yon? May klase ka na ba agad bukas? Pano ba mangyayari?"
"Wala, training muna ng dalawang buwan doon sa trabahong iaasign sakin sa kung saang department ako ilalagay. Tapos tsaka lang po ako magkakaroon ng klase sa August pa po."
"Edi mula at hanggang anong oras ka ba don? Anong oras kita gigisingin para-teka, hindi ka pa ba uuwi? Magpapasukan na ang mga kapatid mo."
"Maghapon po la. 8am po start ko eh hanggang 5pm po, gising niyo na lang po ako ng mga 6am para maaga akong makapag ayos. Alam ko po, pagkaawas ko bukas don sa bahay na po namin ako didiretso pag uwi. Pasabihan na lang din po si Milk Tea na umuwi na samin dahil don na ko uuwi mamaya. "
~
Natatanaw ko na ang department kung san ako inilagay ni Ma'am Joy.
Cashier
Umupo muna ako sa upuan na nakapwesto sa tapat ng labas nito dahil sarado pa naman ito. Dito umuupo ang mga customer na nagbabayad at naghihintay ng kanilang resibo.
~
"Welcome back dito sa Nightingale University at congratulations sayo Milk Shake" nakangiting pagkausap sakin ni Ma'am Joy.
"Thank you po Ma'am" masayang tugon ko.
Narito ako ngayon sa HR Department at ito ang unang araw ko sa trabaho.
"So, ready ka na ba para sa unang araw mo? Gusto mo na bang makilala ang magiging boss mo?"
"Opo ma'am"
BINABASA MO ANG
Something in You
RandomIto si Milk Shake. Si Milk Shake ay simpleng maarte na babae. Nakilala niya si Jeyms, isa sa myembro ng sikat na banda. Si Jeyms ay kilala bilang babaero at hambog. Nahulog si Milk Shake kay Jeyms. Niloko ni Jeyms si Milk Shake. Nabroken si Milk Sha...