Chapter 5

10 2 0
                                        

A/N: Tadaaaa! Hahaha at dahil birthday ko ngayon dalawang chapters ang iaupdate ko. Enjoy reading, i love you all 😘🤣

Nakatingin lang kami ni Loui sa mga boss namin habang tinitingnan nila ang schedule na nakasulat sa aming forms.

"Nako, pwede bang huwag kayong magsabay na mawala sa umaga? Kung pede sana lumipat ng sched yung isa. Mahirap kasi kapag dadalawa kami dito sa umaga lalo na kapag due ng bayadan. Madaming magbabayad kaya sana mas madaming gagalaw dito sa office." komento ni Ma'am Gale na nakatingin sa form namin.

Nagkatinginan kami ni Loui. Nangangausap ang mata niya pero di ko alam kung anong gusto niyang sabihin.

"Ah sige po Ma'am. Hahanap na lang po ako ng ibang sched." ako na ang sumagot. Ngumiti ako kay Loui habang siya naman eh ngumiwi at tumango na lang.

Nyek bat ganon reaksyon non? Mamaya na nga lang kakausapin ko pag lunch na.

"Sige salamat, napa approve niyo na ba to sa HR? May klase kayong nasa office hour. Baka kailanganin niyo ng letter para dito." dagdag niya.

"Kahit po isang subject lang Ma'am? Kailangan po?"

Grabe kahit isang subject lang dapat may ganon na? Baka namang pwede ng palagpasin yon.

"Ang alam ko, kasi oras ang binibilang sa trabaho. So dapat naka-state kung gano kayo mawawala at babalik. Pero isang subject lang naman to baka palampasin na to." ani niya.

Sana palagpasin na lang hay.

"Pero wag mo muna yong problemahin, mag iiba ka naman ng sched hindi ba? Baka si Loui lang mag asikaso ng ganon pag nagkataon." sabi niyang napatingin kay Loui.

Ano ba yan. Di ako papayag na siya lang mag aasikaso.

"Ah sige po ma'am, pede po ba kaming pumunta na sa HR? Papasama na lang po muna ako kay Loui sa department papapalit po ng isang sched." pagpapaalam ko.

"Osige, wala namang gaanong nagbabayad pa."

"Thank you po." sabi ko ng may tipid na ngiti at tumingin kay Loui at tumango na nagpapahiwatig na niyayaya ko na siya palabas.

Tara na

Tumango naman siya at lumabas na rin sa office nila.

Habang naglalakad napapaisip ako.

Ang alam ko mahirap kapag college. Pero mas mahirap kapag nag SA.

"Onga" bulong ko sa sarili ko.

"Ha? Anong onga?" takang tanong niya.

"Wala. Napaisip lang ako, alam kong mahirap mag college pero mas mahirap mag SA. Pero di ako aware na ganto kakomplikado pala. Pati sched ko sa pag aaral kailangang mag adjust." mahabang paliwanag ko.

"Onga eh, hay bat ka pumayag kanina? Di ko alam kung anong sasabihin ko kanina eh. Kasi dito sa sched na to kaklase natin yung ibang SA na first year ng course natin. Eh ayoko nang iwanan kang mag isa kasi alam kong ikaw ang bago satin dito hindi ako." may pag aalala niyang sabi.

"Eh kita ko nag aalangan ka kanina eh. Bahala na. Hayaan mo na yon, edi makikipagfriends ako sa ibang course hahahaha para madami na kong kakilala bukod sa mga ka course natin. Tsaka magiging kaklase ko naman kayo sa iba pang subjects, isa lang ang hindi." pigil kong mapabuntong hininga at malungkot. Ayokong mag alala sakin si Loui.

Hay, ibig bang sabihin nito lahat ng magiging klase ko ay gabi? Ito na nga lang ang sched ko sa umaga kailangan ko pang lumipat.

Isa sa mga dahilan ko kung bat nag volunteer na ko sa paglipat ng sched ay ang isiping may kaibigan na si Loui don sa sched na yon. Gaya ng sabi niya, andon ang mga ka course namin at dito na siya nag aral dati. Napakaimposible namang wala siya ni isang kakilala don. Baka kapag siya ang lumipat ng sched eh malungkot siya.

Something in YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon