"Ma'am papasok na po ako." sabi ko ng may paggalang sa aking boss.
"Sige, good luck sa first day mo." tugon niya at ngumiti sakin.
Lumabas na ko sa opisina namin at sumilip sa kabilang bintana.
"Ma'am Gale, Loui, alis na po ako papasok na po." Pagpapaalam ko din sa kanila.
"Ay sya sige, ingat ikaw!" sabi ni Ma'am Gale na kumakaway pa. Akala mo'y excited akong paalisin eh. Charot!
"See you later." tugon naman ni Loui sakin.
"Sige hahaha" sabi ko at kumaway din pabalik at nagsimula na kong lumabas .
4:20pm pa lang. May sampong minuto ako para makapunta sa klase ko.
Habang naglalakad, pinanatili ko ang mukha kong mukhang kalmado pero sa loob loob nama'y anlakas ng kalabog ng dibdib ko.Parang tanga papasok ka lang naman bat ka ba nagkakaganyan?
Ipinunas ko ang aking kamay sa may bewang ko dahil namamawis na naman ito.
Shet ang dugyot ko talaga kapag kabado eeww
Napailing iling ako sa sarili ko at hindi na muna ako nag isip ng kahit ano.
Gaya ng sabi ni Loui, yong building daw malapit sa canteen ang Adarna Building. Kaya tumungo ako papunta sa canteen.
"Ate pabili nga pong crossini tsaka po ensaymada." sabi ko don sa nagtitinda.
"P17 po lahat." nagbigay ako ng bente at sinuklian niya na ko.
Papalayo na ko sa pinagbilhan ko.
Inilagay ko agad sa bag ang ensaymada at agad kong binuksan ang crossini.
Akmang kakagatin ko na ito, nasa pagitan na ng aking mga ngipin ng mapatigil ako at manlaki ang mata ko.Amporckchop! May klase ka gaga bat nalapang ka na naman?!
Adarna Building
Yan ang nabasa ko sa building na kalapit ng kinaroroonan ko.
Buti na lang at nabasa ko yan kung hindi baka ngingiti ngiti pa kong ngumunguya hanggang maubos ko ang mga binili ko.Tumakbo na ko kahit di ko pa tinitingnan kung anong oras na ba. Pakiramdam ko late na agad ako kahit di ko naman nalaman ang oras.
Hinihingal akong napakapit sa door knob at binuksan ito.
Nang tingnan ko ang loob nito, mayroon pa lang apat na estudyante.Napakunot ang noo ko
Napaaga ba ko masyado?"Potcha may pagtakbo pa ko di naman pala ko late" bulong ko habang humahanap ng mauupuan.
Pinili ko yung upuan sa may third row second line na malapit sa unahang pinto kung saan ako pumasok. Ayoko ng masyadong malapit sa unahan dahil agaw atensyon yon sa Prof dahil isa ka sa unang mapapansin. Ayoko din naman sa pinakalikod, bukod sa isa pa ding pansinin doon eh baka di ko maintindihan ang mga lessons kapag don ako umupo.
Nagbasa na lang muna ako ng wattpad sa cellphone at pinagpatuloy ko ang naudlot kong pag nguya kanina ng aking oh so yummy na crossini dahil wala pa naman ang aming Prof. Isa isa na ding nagpasukan ang mga kaklase ko sa subject na yon. Hindi ko naman sila pinansin.
May tumabi sakin pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa.
Eher enebe nekekekeleg sileee hehehe
Sabi ko sa aking isip habang parang tangang pangiti ngiti dahil nakakakilig na ang eksenang binabasa ko.
Biglang may tumapik sakin. Hindi ko pinansin dahil sa binabasa ko.
BINABASA MO ANG
Something in You
RandomIto si Milk Shake. Si Milk Shake ay simpleng maarte na babae. Nakilala niya si Jeyms, isa sa myembro ng sikat na banda. Si Jeyms ay kilala bilang babaero at hambog. Nahulog si Milk Shake kay Jeyms. Niloko ni Jeyms si Milk Shake. Nabroken si Milk Sha...