Chapter 33

8.3K 318 15
                                    

Plans

MATAPOS nang naging pagtatanong ni Astraea kay Yuna ay naisipan niyang dalawin muna si Paris na kasalukuyan pa ring nasa loob ng klinika at nagpapagaling.

Nasaksak ang babae nang makaengkuwentro nila ang mga patalim na bigla na lamang sumulpot na parang bula at tinumbok silang magkakaibigan.

"Paris, may dala akong pagka-" ani Astraea habang binubuksan ang pintuan ng silid ngunit hindi na niya naituloy dahil sa nadatnang kaguluhan.

"Grabe ang baboy mo naman!" sigaw ni Paris sa isang lalaking nakatalikod sa paningin ni Astraea.

"Ang sarap ng mga ito," ngumunguyang sabi ng lalaki.

"Hala! Ba't mo inubos, Sebastian?! Binigay pa sa 'kin 'yan ng crush ko!" himutok ni Paris sa lalaki.

"Ang sarap, eh," baliwalang sagot ni Sebastian.

"Paris, may dala rin akong chocolates para sa 'yo," ani Astraea sa medyo malakas na boses, dahilan upang mapansin din siya ng dalawa.

"Nasaan, Astra? Ako nang bahala," sambit ni Sebastian kay Astraea dahilan upang bumaling dito si Astraea.

"Astra! No! Sa akin mo ibigay. 'Wag sa kaniya! Inubos na niya 'yong mga chocolates na binigay ng crush ko tapos hindi niya man lang ako binigyan. Akin mo ibigay," madramang sambit ni Paris, dahilan upang muling magbalik sa kaniya ang tingin ni Astraea.

"Para sa 'yo naman talaga ito," nakangiting sambit ni Astraea at agad ibinigay kay Paris ang mga tsokolateng kaniyang binili at hinaluan ng potion na makapagpapabilis ng paghilom ng sugat nito.

"Kainin na natin?" paalok na tanong ni Paris kay Astraea.

"Hindi na." Ngumiti ang dalaga. "May sasadyain pa ako kay Yvo, eh. Paano, mauna na ako, ah?" paalam ni Astraea kay Paris.

"Sebastian, bantayan mo ito ng mabuti," bilin niya sa lalaki.

"Sige. Mag-ingat ka," paalala ni Sebastian na tinanguan lang ni Astraea.

Saktong paglabas ng dalaga sa silid ni Paris ay bumulaga sa kaniya ang seryosong mukha ni Yvo.

Agad gumawa ng invisible soundproofing barrier si Astraea upang walang makarinig sa kanilang mga pag-uusapan.

"How's the investigation?" seryosong tanong ni Astraea kay Yvo.

"Still no clues left. Even after all those dozens of knives and shurikens. Like, they just popped out of nowhere," dismayadong sambit ni Yvo.

"Could that be a spell? Casting a spell like that without the actual caster at the place... That only means he or she is really strong to do that," ani Astraea nang mapagtanto ang mga bagay.

"Anyway, this is the real reason why I wanted to talk to you. I think I've learned something connected to the case you're holding right not but I still need to talk to Melody before I can tell it directly to you," ani Astraea, dahilan upang manlaki ang mga mata ni Yvo sa gulat.

"Are you sure about that?" Yvo asked, a little doubtful.

Paanong ang dalagang nasa harap nito ngayon ay kasing bilis ng kidlat kung kumalap ng impormasyon? Sila nga itong sobrang dami na ngunit wala pa ring nakukuhang sagot.

✓ Ethereal: The Goddess's Blood (READ FULL STORY IN DREAME)Where stories live. Discover now