Ch. 6

265 21 1
                                    

Belle's POV

Magiisang buwan na ako dito. Nalaman ko ring taong 1889 pala tong napuntahan ko *facepalm*. Marami naring nangyari sa loob ng isang buwan. may mga feelings na nabuo char!

Mamaya ay pupunta kami sa lawa para mag laba ng mga damit. Hindi ko alam na ganito pala kahirap mag laba! Nasanay narin ako sa mga damit dito kahit napakainit ng araw ay kelangan paring mahaba ang palda mo. Nalaman ko rin na ang mga katulong dito gaya ko ay lagi lang dapat nasa isang tabi. Psh literal na alipin sa gigilid!

"Isabelle, dalhin mo ito sa aking ama" utos saakin ni donato sabay abo ng isang envelope

inabot niya saakin ang puting envolope at saka umalis. Tss, di man lang nag pasalamat!

Malayo-layo sa bahay ang opisina ni gobernador Antonio, halos dulo na ng San ricel, psh ang dami dami niyang chauffeur na may kabayo tapos sakin niya iuutos!? pambihira naman oh!

nang marating ko ang opisina ng gobernador, kumatok na ako sa pinto pero walang sumasagot kaya papasok na sana ako pero may naguusap pala. isasara ko na sana ang pero narinig ko yung pangalan ni donato

"Sa araw mismo ng kasal ni donato" sabi ni gov. antonio

"hindi ba masiyadong delikado? paano kung madamay ang anak mo at siya ang matamaan ng bala?" tanong nuong lalaking kausap niya

"Hindi na bale, sigurado akong pupunta sa kasal ni donato si Heneral diosyank, hindi siya mawawala doon dahil kasal iyon ng anak niyang si tanya. pag nawala na sa mundo ang diosyano na iyan ay magagawa na ko ng angkinin ang bayang ito" sagot ni gov.

Kinginang yan! ipapahamak niya sarili nyang anak parala maangkin ang bayan na to?!

Isinara ko kaagad ang pinto at kaagad na umalis, iniutos ko nalamang sa isa sa mga nagtatrabaho don na iaabot ang sobre sa gobernador. Kailangang mapigilan ang kasal ni Donato, 9 na buwan nalang bago ang kasal niya, marami pang pwedeng mangyari.

pagbalik ko ay tinanong agad ako ni donato kung naiabot ko ba ang sobre sa kanyang ama, tumango lang ako at pumunta sa kusina.

Hindi mo kailangang makielam sa problema nila belle, wag ka ng makielam dahil baka pati ikaw ay mapahamak! sabi ko sa isip ko
pero pag hindi ka nakielam ay malamang maraming dugo ang dadanak! at maaring isa doon si donato. Pero ano ba ang paki mo kay donato? tinulungan ka lang niya belle. Exactly tinulungan nya ako kaya dapat ko rin siyang tulungan! naglalaban ang isip ko konsensiya vs utak!

"Ayos ka lang ba, isabelle?" Nagulat ako sa nagaalita kaya nahiwa ko ang daliri ko. kingina naman!

"ah oo a-ayos lang ako" sabi ko habang sinisipsip ang dugo sa daliri ko

"Simula nuong bumalik ka ay balisa kana, may nangyari ba?" parang nagaalala niyang tanong

"Walang nangyari. Ayos lang ako" sagot ko

nagulat ako ng kunin ni donato ang daliri ko at dahan-dahang hinipan ang sugat ko. Napatitig tuloy ako sakaniya, matagal ko nang alam na sobrang gwapo ng nilalang nato pero ngayon ko lang siya nakita ng malapitan, ang bawat detalye ng mukha niya ay tinitignan ko.

nagising nalang ako sa pagkatulala nuong binasa niya ng tubig iyong sugat ko. Dali dali kong binawi ang kamay ko.

"Ah salamat. ayos lang ako" sabi ko pero napabuntong hininga siya atsaka umalis

Vatdafak is dat?!

Time machineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon