Belle's POV
"Iti-" sisigaw na sana ako pero mag ibang sumigaw. Napatin ako sa kung kung sino yon, lalaki.
"Itigil ang kasal!" Sigaw ng lalaki habang palapit sa harap
"Anong kabastusan ito, alberto!?" Sigaw nung tatay ni tanya.
Marami ang nagbubulungan dahil sa mga nagaganap, napansin ko rin na tila natataranta si tanya.
"Hindi si donato ang ama ng dinadala ni tanya!" Sigaw nuong alberto
"Alberto!" Pagpigil ni tanya
"Ano?! Sino?!" Tanong ni donato
"Ako. Ako ang ama ng dinadalang bata ni tanya, ako ang dapat na ikasal sakanya." Pagsasabi ni alberto ng totoo
"Totoo ba iyon, tanya?" Tanong agad ni donato
"H-hindi! nagsisinungaling lamang siya! Ikaw ang ama ng aking anak, donato" hagulgol ni tanya
"Sabihin mo ang totoo tanya!" Sigaw ni donato
Matagal na hindi nakasagot si tanya, ang nga tao ay nagsimulang magbulungan
"Sagot, tanya!" Sigaw muli ni donato
"Si alberto ama" pagamin ni tanya
Tila bumagsak ang mundo ni donato sa narinig niya, gulat at galit ang nakikita ko sa mga mata nya.
Kaagad na umalis si donato at umakyat sa kaniyang bahay, sinubukan siyang sundan ni tanya pero pinigilan siya ni alberto.
Sa gilid ng bahay nakita ko ang dapat na aasinta sa heneral na ama ni tanya pero kaagad itong tumakbo paalis nang makita akong nakatingin sakanya.
Hindi ko hinabol yung lalaki, ang importante ay walang nasaktan ng pisikal. Pero mas importante si donato, kaya sinundan ko sya.
Mula sa sala makikita ang pinto sa kwarto niya na bahagyang nakabukas. Nakita ko na isa-isa niyang tinatanggal ang pagkabotones ng barong niya. Para bang wala siyang dinadamdam.
Kita ko kung paano sya tumitig sa salamin, pinagmamasdan ang sarili niyang reflection, mula sa salamin ay nakita niya ako na nakatingin sakaniya, dahan dahan siyang humarap at tinitigan ako.
Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko. Kinakabahan. Marahang naglakad papalapit saakin si donato, na naging sanhi ng pagwawala ng puso ko.
Malapit. Malapit na malapit. Sobrang lapit. Hindi na ako makahinga. Halos wala nang pagitan saaming dalawa.
Nakakabinging katahimikan. Tibok lang ng puso ko ang aking naririnig na sa tingin ko ay naririnig niya.
"Kinakabahan ka?" natatawang tanong ni donato
"O-oo"
" Bakit naman?"
"S-sobrang l-lapit mo eh"
"Gusto mo bang mas lumapit pa ako?"
"Nangiinis kaba?"
"Hindi"
"H-hindi?"
Hinila ako ni donato papasok sa kwarto niya at isinara ang pinto. Napalunok ako nung kinawit pa niya yung lock nung pinto.
Itinulak niya ako sa pader, at ikinulong sa mga braso niya.
"Nakita kita" mahinang sabi niya
"Saan?"
"Sa seremonyas kanina. Nakuta kita na sisigaw dapat"
Napalunok ako at lalong kinabahan
"Balak mong tumutol sa aking kasal, hindi ba?"
"H-hindi no!"
"Ngunit naunahan ka ni alberto kaya nanahik ka na lamang" malumanay na sabi niya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko "bakit mo balak tumutol sa aking kasal, isabelle?"
"H-hindi nga ako tututol" pag sisinungaling ko pa
"Aamin ka o..."
"O ano?"
"O hahalikan kita"
Nanlambot ang mga binti ko, sa sobrang swabe ng pagkakasabi niya non ay kahit hindi ako umamin ay gugustuhin ko.
"W-wala akong aaminin dahil wala naman akong ginawa" sabi ko pa na parang hindi ko gusto ang inaalok niyang halik
"Gusto mo bang halikan kita?"
Ano ba namang tanong yan!nakakapanglambot!
Tumitig lang ako sakanya. Dahan-dahan na lumalapit saakin ang mukha nya kaya pumikit ako, inaasahan ang mga labi nitang asa labi ko pero ilang segundo na ay wala parin kaya dumilat ako, nakita ko siyang pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha ko.
"Buti na lamang na hindi natuloy ang aking kasal"
BINABASA MO ANG
Time machine
RomanceWalang naniniwala sa 'time machine' siguro ang iba, kasama sa iba nayon si isabelle mariano. isabelle lost her family from a fire, naniniwala si isabelle na siya ang may kasalanan kung bakit nasunog ang bahay nila at kung bakit wala na ang pamilya n...