Ch. 15

225 17 0
                                    

Criza's POV

Matapos ang dalawang linggong pag hahanap kay belle ay bumalik ako sa condo niya nagbabakasakaling naroon na siya.

At hindi ako na bigo, naroon nga si belle walang malay na nakahiga sa sahig ng veranda niya.

Isinugod namin kaagad si belle sa ospital, pero ang sabi ng doctor ay wala naman daw problema. Pero magiisang linggo na si belle sa ospital ay hindi parin siya nagigising.

May mga pag-kakataon na umiiyak at ngumingiti pa siya, kapag tinatawag ang doktor sinasabi lang na malapit na siyang magising.

Matapos ang 3 linggo sa ospital napagdesisyonan namin na iuwi na lang si belle sa condo niya at doon ko siya babantayan hangga't hindi pa siya nagigising.

Ngunit dumaan ang maraming buwan ay wala parin siyang malay, nangangayayat na siya at humahaba na ang buhok niya.

Hanggang ngayon ay wala kaming alam sa kung ano ang nangyayari kay belle, nagresearch na kami at nagpunta sa mga kilalang doktor pero parepareho lang ang mga sinasabi nila na walang problema kay belle at lahat sila hindi maipaliwanag kung bakit hanggang ngayon ay wala parin siyang malay.

Napatayo ako bigla ng gumalaw ang mga daliri ni belle, dati kasi ay hindi niya ito ginagawa.

"Belle. Belle naririnig mo ba ako?!" Niyugyog ko si belle ng mahina pero hindi parin niya iminumulat ang mga mata niya.

Akala ko ay magigising na siya ngunit hindi. nagdaan pa ang ilang araw nililinis, pinapalitan ng damit at araw araw na yinuyugyog nagbabakasakaling magigising siya.

Belle's POV

Isang linggo noong magkalagayan kami ng loob ni donato, nanatili kaming masaya kahit na lihim kaming nag-iibigan.

Nuong isang araw ay narito si tanya, nagmamakaawa kay donato na bumalik sakaniya, pero gaya nang dati ay itinaboy lang siya ni donato at pinagsaragan ng pinto.

Si tonio ay dinadalaw ako paminsan-minsan. Alam ko ang nararamdaman niya para saakin, hindi ko alaam kung paano sasabihin sakaniya na iba ang mahal ko at huwag na siyang umasa na mamahalin ko siya.

Gabi-gabi ay nag pupunta kami ni donato sa talon, nag-uusap tungkol sa araw namin dikaya ay paguusapan namin ang future namin.

Masakit pakinggan ang mga plano niya para saamin dahil alam kong babalik at babalik at sa hinaharap.

"Belle!" Sigaw ni Nita saakin mula sa pinto ng mansyon

Kaagad akong lumapit sa kaniya iniisip na naaksidente siya o ano.

Pag dating ko ay may mga kawal doon, natoon din ang heneral na ama ni tanya.

"Donato! Lumabas ka sa iyong pinagtataguan!" Sigaw nung tatay ni tanya

"A-ano ho ang ginagawa niyo dito?" Singit na tanong ko

Tinignan niya ako ng masama at dahan dahan na lumapit saakin.

"Ikaw! Ikaw ang hadlang sa pag-iibigan ng anak ko at ni donato!" dinuro duro niya anv mukha ko at mahinang itinulak.

"Heneral diosyano, ano ang iyong pakay rito?" Biglang saad ni donato mula sa likuran namin.

"Panindigan mo ang aking anak!" Galit na sigaw ng heneral

"Heneral diosyano, alam nating pareho na hindi saakin ang batang dinadala ni tanya, hindi ba't umamin na si alberto na siya ang ama?" Kalmadong tugon sakaniya ni donato

"Wala akong pakielam kung ikaw o hindi ang ama! Nasa mataas na antas ang parehong pamilya ninyo ng anak ko! Nababagay lang na kayo ang magkatuluyan!" Sigaw pa nito

"Hindi ko magagawa ang iyong hinihiling, heneral. Sapagka't hindi ko na mahal ang iyong anak, magiging mahirap lang para saamin na mag sama kung hindi na namin mahal ang isa't isa" sagot ni donato

Napatingin ako kay donato at nagtama ang paningjn namin. Binigyan niya ako ng ngiting naniniguro na matatapos rin ang usapang ito.

Bigla ang pumasok si tanya mula sa pinto habang na mamaga ang mga mata.

"Nag kakamali ka donato, mahal na mahal pa rin kita. Kahit pa hindi mo ako mahal ay magiging masaya tayo dahil minamahal kita. Magiging masaya rayo kasama ang ating anak.." pag mamakaawa niya.

Sa totoo lang ay naawa ako kay tanya, napakadesperada na niyang tignan.

"Huwag kang makasarili, tanya. Ang pag mamahal ko ay nakaeeserva sa babaeng mahal ko, kung magpapakasal ako sayo ay mawawalan lang ng saysay ang aking buhay." Tugon ni donato

Bigla ay lumuhod si tanya sa harap ni donato

"Parang awa mo na, donato. Bumalik ka na saakin at ipinapangako ko saiyo na wala na akong ililim pa mula saiyo. Ipinapangako ko na magiging masaya tayo kasama ang anak natin..." kung titignan mo si tanya ay para na siyang baliw, losyang na siya kung tignan.

"Umalis na kayo" matigas na sabi ni donato nang hindi tinitignan si tanya

"Pakasalan mo ang anak ko, donato. Ibibigay ko ang lahat ng nais mo, pakasalan mo lang ang anak ko" malumanay na saad ni heneral diosyano.

"Ang gusto ko lang ay ikasal sa babaeng mahal ko. At hindi si tanya iyon. Umalis na kayo."

"Babalik ako dito, donato, at sa aking pagbabalik ay sinisigurado ko saiyo na kasal niyo ma iyon ng aking anak" saad ni heneral diosyano at inalalayan ang anak niya na tumayo mula sa lag kakaluhod.

Time machineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon