Ch. 18 (part 1)

225 15 2
                                    

Belle's POV

Binitawan ni donato ang kamay ko at patakbong sinalo ang bala na dapat para sakaniyang ama.

Tila nag slow motion ang buong paligid, nanginginig ang tuhod ko nang makita ko kung paanong bumagsak si donato.

"Donato!!!" Sigaw ko at tumakbo palapit sakaniya.

Ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay pinaputukan na ng baril ni heneral diosyano si gobernador antonio.

Hindi na ako nakapag pigil. Ang kaisaisang bala ng aking baril ay pinaputok ko kay heneral diosyano na sinigurado kong sa ulo mismo iyon tatama.

Ang dapat masaya ay napalitan pa ng mas masakit pa sa nakaraan ko.

Kaagad kong binitawan ang baril ko at saka tumakbo palapit kay donato.

"Donato gumising ka, kailangan na nating umalis!" Pag gising ko sakaniya

May tama si donato sa dibdib, pilit ko iyong tinatakpan pero kahit anong takip ko ay patuloy parin na umaagos ang dugo mula doon.

"Donato ano ba wag ka nga magbiro ng ganiyan! Tumayo kana dahil kailangan na nating tumakbo!" Para akong sasabog na nang hindi ako sagutin ni donato.

Ang mga tauhan ni heneral diosyano ay nagsisidatingan na at pinalilibutan kami.

"Donato nandito na sila kailangan na nating tumakbo!" Pinilit kong tumayo hqbang akay akay si donato pero bumagsak lang ulit kamo sa lupa.

Hindi ko alam pero bigla ko nalang yinakap si donato at saka umiyak ng umiyak, kasabay noon ay ang putukan ng baril sa pagitan ng mga tauhan nina heneral diosyano at gobernador antonio.

"Donato!!!" Muling sigaw ko nagbabakasakaling imulat niya ang kaniyang mga mata.

"Walang sayang tumatagal.
Ang pag-hinga mo ay babagal.
Titigil ang oras. Titigil ang labanan.
Ikaw ay babalik sa iyong pinanggalingan.
Doon ituloy ang pag-ibig na na hadlangan."

Umalingangaw sa tenga ko ang mga salitang iyon, hinanap ko kung saan iyon ng galing pero bago pa ako makalingon ah nawalan na ako ng malay.


Time machineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon